Kabanata Diecinueve

770 30 3
                                    

Nefeli as Lady Caprice's Pov

Sabay-sabay kong binutakan ang tatlo nang makalabas na si Captain Damian. Kaya't sabay din ang mga 'tong napahimas ng kanilang mga batok.

"Aray naman miss," nagawa pang magreklamo ni Giveon.

"Aba gusto mo pang umisa?" Umakma akong babatukan ito na agad niyang ikinaatras.

Napairap ako at pabagsak na naupo sa sofa. Sila ay nanatiling nakatayo sa harapan ko.

"Pasensya na talaga Lady Caprice. Hindi talaga namin inaasahan na domain ito ng iyong kasintahang prisepe," wika naman ni Deious.

Napataas ang kilay ko at pagkuwa'y napangiwi.

"Stupid! Hindi ko siya kasintahan," pagtanggi ko.

"Eh ano lang pala miss?" Tanong pa ni Giveon.

Sinamaan ko 'to ng tingin kaya't napaiwas ng tingin at napasipol pa.

"Sasabat ka pa'ng ugok ka. Tabasin ko 'yang labi mo," babala ko rito.

"But miss it doesn't looks like you aren't. The prince looked at you like you're the most precious thing he could ever set his eyes on," rason ni Jaxem.

"Jaxem's right miss. I don't know why can't you see it from the way he looks at you," gatung pa ni Deious.

"Even though.. we're not in a relationship. And don't you dare change the topic,"I purposely dismissed the topic and went back to their fault. "Who gave you the mission?" Mula sa pagbibiro ay sumeryoso ang mukha ko. Nawala rin ang bakas ng pagiging mapaglaro sa mga wangis ng mga 'to.

"It came from the Sapphire palace," pag-umpisa ni Giveon.

"Sa totoo niyan ay hindi ito tinanggap ni Isval," ani Deious.

Matiim ko itong pinukol ng tingin.

"Oh ngayon?"

Sandali silang natahimik. Nagsalitan ng tingin at sabay-sabay na napalunok ng laway.

"K-Kasi miss.. malaki ang gintong ibabayad nila kapag nagawa namin ang misyon..kaya--

"Kaya ipinuslit niyo ang sulat," pagpatuloy ko sa sasabihin ni Giveon.

"Iyon nga miss."

Naging blanko ang mga mata ko at napatiim bagang.

Hindi parin pala nauubos ang mga tangang myembro ng guild.

Hindi ko alam kong anong pinaggagawa ni Isval at nasisilaw parin sa malaking halaga nang ginto. Mukhang kinakailangan ko nang bisitahin ang guild. Tiyak na kapag hindi naagapan ang katangahan ng mga 'to ay magdadala ng hindi maganda sa negosyo ko.

"I will it slide this time," I told them, "but do it again and expect your head detached from your body," malamig kong babala sa mga 'to.

"Yes Lady Caprice," otomatikong tugon ng tatlo.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay kasama ko ang tatlo na nilisan ang Ehiptous. Although Osiris insisted to escort me back to our domain, but I refused. I need to visit the guild without him. And I made sure he didn't plant a spy on me- I warned him about it.

It took us 3 hours before we totally left Ehiptous and reach the deepest part of Daikirim where the guild is located at.

"Glad to have you back-- oh you're with these three?" Nagtataka ang mukha ni Isval nang makita ako nitong kasama ang tatlong ugok.

"May ginawa ba ang tatlong 'to Lady?" Tanong pa ni Isval.

"Dahil sa kapabayaan mo," sisi ko sakanya at diretsong naglakad patungo sa opisina ko.

Nefeli: The Reincarnated Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon