"Hello mother.."
Gulat ang bumakas sa mukha ng babae nang marinig ang mga katagang 'yon. At nang lingunin niya ang may-ari ng boses na iyon ay nabigla siya. Hindi niya inaasahang mabilis siyang mahahanap nito.
"Aeschylus.." naibulalas niya ang pangalan ng nag-iisa niyang anak at heir.
Napalinga-linga siya sa paligid at hinila si Aeschylus sa isang secluded na lugar. Isang abandonadong eskinita.
"How did you find me?" Paunang tanong niya rito.
"I am your heir, mother," may sarkasmong turan ni Aeschylus.
"Why did you find me? I thought you don't want to be the emperor? So why are you here?" Sunod-sunod na tanong ni Umbreath sa anak.
"It's because of Princess Nefeli, your grace," pagsabat ni Lysandrk kaya napunta ang paningin ng diyosa sakanya.
Hilaw na napangiti ang binata.
"Ako po si Lysandro. Kaibigan ako ng prinsepe," pakilala nito sakanyang sarili.
Muling ibinalik ng diyosa paningin sa anak. Hindi naniniwala sa itinuran ng binata. Alam niyang mailap sa tao ang anak niya. At ang salitang pakikipagkaibigan ay hindi pa naisusulat sa bokabularyo niya.
Bagamat hindi niya na lamang iyon pinuna.
"Sino itong kanyang sinasabing prinsesa?" Tanong niya kay Aeschylus.
"That's none of your business," malamig na sambit ng prinsepe.
Dumilim ang mga mata ng diyosa at sinakal ang prinsepe. Ngunit ang huli ay hindi nabuwal sakanyang kinatatayuan. Blanko ang mga mata nitong nakipagtitigan sa mga mata ng ina na nababalot ng purong itim.
Umangat ang kamay ni Aeschylus at walang hirap na kinuha ang kamay ng ina na sumasakal sakanya. Mahigpit niya iyong ibinitin sa ere. Napatingin doon ang diyosa. Malalim ang gatla sa nuo at hindi mabatid kung bakit ganito kalakas ang anak niya.
"Surprised?" Aeschylus tauntingly asked, "you don't really know my father well, mother. It's not just your blood that runs in my veins, but also that old man's," makahulugang saad nito. Ngunit bakas doon ang pagkasuklam sa katotohanang mayroong dugo ng emeperador ang nananalaytay sakanya.
"H-Hindi t-tao ang emperor?" Nabigla at natigalgal ang diyosa sa nalaman.
"Enough with the Q and A's mother. Grant me the thing that I came here so I can go back to Engklateya immediately," mautoridad na demand ni Aeschylus.
Napatitig ang ina niya sakanya. May boses na bumulong sakanya at naalala ang pangalang binanggit ni Lysandro. Pagkuwa'y gumuhit ang ngisi sakanyang mga labi nang may mapagtanto siya.
"Nefeli Lychnis? The only Princess of Daikirim. The blessed princess. Is she your constantine." Kumikislap ang mga matang nakatitig ang diyosa sa binata.
Ang pagkakaroon ng isang Constantine o ang devotional partner ay isang bihirang pangyayari sa loob ng isang libong taon. At ngayong nalaman ng diyosa na isa mayroon nito ang anak ay napagtanto niya kung bakit napakailap nito sa mga tao. Lalo na sa mga babae.
Walang naging tugon ang prinsepe. Ngunit base sa katahimikan nito at ang reaksyon nang banggitin ang pangalan ng prinsesa ay may tuwang sumilay sa mga mata nito. Tama na iyong kumpirmasyon para malaman ang sagot sakanyang sariling tanong.
"Is she the reason why you change your mind?" Umbraeth probe.
"Why do you ask too much?" Pabalang na balik tanong sakanya ni Aeschylus.
Napailing-iling ang diyosang si Umbraeth. Hindi na nanibago sa ugaling pinapakita ng prinsepe. Anak niya nga talaga ito. Sa lahat ng pwedeng manahin ay ang pagiging matalas ang dila at mainipin.
BINABASA MO ANG
Nefeli: The Reincarnated Villainess
FantasyRune Nefeli was a former assassin before she died because of someone dear to her. She already accepted her faith, which is to be dead and welcome Satan's abode, but when she opens her eyes she didn't expected to find herself inside a cold and dark p...