Kabanata Veintiséis

1.2K 55 6
                                    

Nefeli's Pov

"Where are you going? Bakit ka nagpapaalam?" Hindi ko maalis ang mga tingin ko kay Osiris sa mga oras na iyon. Nabigla ako ng sabihin nitong matatagalan bago ko siya muling makita.

"Bakit naman biglaan?" Dagdag ko pa.

"Butterfly, listen.." marahan ako nitong hinila palapit sakanya. Hinawakan niya ang balikat ko at ang malayang kamay ay dinala sa aking pisngi, tsaka niya ito marahang hinaplos.

"It is hard for me not to see you for so long. But I needed to do something out of this country. I need to fix things. Something I couldn't tell you at this moment. I hope you understand," marahan at naninimbang na panambitan niya. Hindi nililihis ang mga tingin sa akin.

I blow a sigh. And nodded my head understandingly.

"Can you stay here for tonight?" I asked him. May bahid ng kalungkutan ang boses ko.

He lean down to press his lips on my forehead and uttered the words "yes my love."

Pagkatapos ay binuhat ako nito at marahang diniposito sa aking kama. Sunod ay nahiga ito sa aking tabi at pinulupot ang kanyang braso sa aking baywang.

Habang siniksik ko naman ang aking sarili sakanya. Ang aking mukha ay ibinaon sakanyang dibdib. Sabay nang pagpikit ng aking mga mata habang tinatatak sa aking isipan ang natural na amoy ni Osiris.

Naramdaman ko pa ang magagaang paghalik nito sa aking ulo at nuo bago ako tuluyang makatulog.

The serenity I felt that night didn't last when I wake up. The atmosphere became gloomy the moment I opened my eyes and find the bed beside me empty.

He already left.

At walang kasiguraduhan kung kailan ko siya muling makikita.

=====

Third Person's Pov

"Ayos ka lang ba kamahalan?" Tanong ni Lysandro, ang self-proclaimed na kaibigan ng ikatlong prinsepe. Anak ito ng isang Lord mula sa Avalorn.

"Or are you worrying that Princess Nefeli might forgot you before you could come to her?" Nag-ani ng matalim na tingin mula sa prinsepe si Lysandro. Hindi nito nagustuhan ang kanyang binitawang mga salita.

"Paumanhin, ngunit nagtatanong lamang ako," depensa pa nito.

The third prince averted his gaze and blankly stared at nothingness.

Hindi naman mapigilang mabahala ni Lysandro. Hindi siya sanay sa inaakto ng prinsepe. Nakilala niya itong may mataas na kabagayan, hindi nawawalan ng kompusisyon. Walang emosyon at matalas mag-isip.

Pero ngayon batid ni Lysandro na may bumabagabag sa prinsepe. At sigurado siyang tungkol ito sa panandalian niyang pag-iwan sa prinsesa ng Daikirim.

Ramdam ni Lysandro kung gaano pinapahalagahan ng prinsepe ang prinsesa. Alam niyang gagawin nito ang lahat makabalik agad sa dalaga.

"I am not afraid of that thing. I believe in Nefeli's love for me. I am just wary of those fiends who wants to harm my woman," sawakas ay nagsalita ang prinsepe. Bakas ang panganib sa bawat sambit nito ng mga salita. Panganib para sa mga taong magkakamaling saktan ang tinatangi nitong dalaga.

"Hindi ba'y naiwan naman doon si Rancho? Siya ang pinakamagaling mong kabalyero hindi ba?" Pagpapanatag ni Lysandro.

Walang naging tugon ang prinsepe. Hindi na nasundan ang mga salitang binitawan nito. Nanatili na itong tahimik at na blanko na ang mga mata.

Hindi na nagtangka pa ulit na kausapin ito ng binata. At natahimik na lang din buomg durasyon ng kanilang paglalakbay.

Mag gagabi na nang marating nila ang daungan ng barko. Nakaabang narin ang barkong magdadala sakanila sa kabilang Nasyon. Ang Tenebrous; isang nasyon na pinamumugaran ng mga kakaibang nilalang. Bilang lang ang mga may lakas nang loob na pasukin ang lugar na ito. At isa na ro'n ang ikatlong prinsepe.

Nefeli: The Reincarnated Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon