Kabanata Treinta y Cinco

726 50 19
                                    

Nefeli's Pov

"Marsha, Nakita mo ba ang alaga kong batang lobo? Si Cyan?"

Nag-uumagahan akong mag-isa ngayon sa gazebo. Dahil wala ang mga kapatid ko ay iniutos ko kay Marsha na rito na ihanda ang umagahan ko. Sa katahimikan ng paligid ay bigla kong naalala si Cyan. Ilang araw ko narin iyong hindi nakikita.

"Hind po kamahalan. Dati-rati ay tambay iyon sa kusina at bantay sarado ang mga pagkain, ngunit nitong mga nakalipas na araw ay hindi ko na ito nakikita pa."

"Ganoon ba.. na saan kaya 'yon.." napaisip ako habang sumisimsim sa hot chocolate na inihanda ni Marsha.

"Marahil naroon na naman iyon sa lugar na iyon," biglang sulpot ni Kralgo. Nakagat ko ang labi upang pigilan ang tawa na kumawala nang mapaiktad si Marsha sa gulat. May pahawak pa ito ng dibdib niya.

"Saan?" Tanong ko kay Kralgo.

"Sa kung saan naman talaga siya nag mula." Bakas ang kaseryosohan sa boses ni Kralgo ngayon. Napatitig ako sakanya. Nag-away ba sila ni Cyan? Hindi lingid sa kaalaman kong hindi sila magkasundo, ngunit hindi naman siya ganito kay Cyan.

"Nagtalo ba kayo ni Cyan?"

"Hindi master ah." Ngayon ay bigla naman siyang sumigla.

"Pero na saan nga siya..-

"Sinisiraan mo na naman ako kay master Kralgo."

"Ay jusko po!"

"HAHAHAHA. Ang epic ng mukha mo Marsha!"

Hindi ko na talaga napigilan ang tumawa ng magulat na naman ang handmaid ko at lukot na lukot ang mukha nang lumitaw naman sa Cyan sa harap niya. HAHAHAHA.

"Bakit kasi andiyan ka Marsha?" Paninisi pa ni Cyan.

"Hoy! Batang lobo, bakit ka kasi sumulpot diyan?" Sumbat naman ng huli.

"Eh kasi dito ako sumulpot?"

"Heh!"

"Nye! Nye!" At bumelat pa ang batang lobo.

"Maiwan ko na muna kayo mahal na prinsesa.. baka matiris ko ang isa riyan." Yumukod si Marsha at umirap sa direksyon ni Cyan bago umalis.

"Saan ka nga ba galing Cyan?" Tanong ko.

Umupo ito sa bakanteng upuan. Habang si Kralgo ay kumandong sa mga hita ko. Naka anyong bata sila ngayon kaya hindi ko masisisi si Marsha bakit nagulat ito kanina. Nasanay kasi itong masa original form nila sila kapag biglang nagpapakita sa akin.

"Nagmunimuni sa bundok master," sagot nito at sinimulang lantakan ang mga pagkain sa harap niya. Ganoon din si Kralgo.

"Sinungaling," pabulong iyon, ngunit sadyang ipinarinig kay Cyan.

"Anong sabi mo?" Nanlisik ang itim na itim na mga mata ni Cyan kay Kralgo.

"Ay bingi," dagdag pa ni Kralgo. Hindi natinag sa klase ng tingin ni Cyan.

"Aba't.."

"Oh tama na'yan. Mag-aaway na naman kayo," kaagad ko silang inawat bago pa man sila magkasakitan.

"Kumain na lang kayo ng tahimik pwede ba?" Ani ko.

"Opo master." Kralgo.

"Yeah sure." Cyan.

Napailing-iling ako at nagpatuloy sa pag-eenjoy ng inuming chokolate ko. Makalipas ang kalahating oras na katahimikan ay nagsalita na si Cyan. Tapos na kasi nitong ubusin ang mga pagkain na hindi naman inihanda para sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nefeli: The Reincarnated Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon