Kabanata Treinta y Cuatro

1.4K 81 16
                                    

Third Person's Pov

Imperial Palace

Prenteng nakaupo sakanyang trono ang Emperador habang mitikulosong tinitignan ang bawat portrait ng mga noble ladies na nanggaling sa iba't ibang rehiyon ng Engklateya. Mula sa mga 'to ay pipili siya ng limang bukod tanging babae na magiging kaisang dibdib ng limang prinsepe.

Walang sinuman ang kumwestyun sa mga konsehal ng emperador kung bakit biglang nag bago ang kanyang plano. Kung no'ng una ay pinaglalaban niya ng patayan ang mga prinsepe para sa trono, ngayon ay nagpalabas siya ng kasulatan na magkakaroon ng kanya-kanyang bride ang mga prinsepe upang mas lumakas ang koneksyon ng imperial family.

Lingid sa kaalaman ng lahat. Lahat nang ito ay palabas lamang ng Emperador. May iba siyang adhikain kung bakit niya nais hanapan ng babaeng pakakasalan ang mga prinsepe.

Isang propesiya ang biglang nagpakita sa pinagkakatiwalaan niyang high priest. Nakasaad umano sa bagong propesiya na may isang katangi-tanging babae ang lulupig sa emperador at uubos sakanyang lahi. Sa pangambang nadarama kaagad siyang gumawa ng plano upang mapigilan ang nakatakdang pangyayari. At iyon ay ang ipakasal ang babaeng nakatakda sa kahit sino sa mga prinsepe.

Iyon lamang ay hindi madaling hanapin ang babaeng nakasaad sa propesiya. Wala silang ni kahit katiting na ideya kung ano bagay na mapapagkakakilanlan nito.

"Who's she?" Naagaw ng isang magandang noble lady ang atensyon ng emperor. The woman has a majestic green eyes. He can sense holy power from her. His guts are telling him he seems to found the one.

"This is Kynareth Elenril, your highness. She a daughter of a Duke of Avalorn," tugon ng kanyang advisor na si Harith

Kumislap ang mga mata ng emperador at gumuhit ang ngiti sakanyang mga labi.

"She's too perfect to be my daughter-in-law," bulalas pa ng emperor. Bakas ang tuwa at pananabik sakanyang boses.

"You already had 4 noble ladies chosen for Prince Priam, Prince Endymion, Prince Leander, and Prince Linus. So this lady is for Prince Aeschylus, your highness?" Paniniguro ni Harith.

Mas lumapad ang ngisi sa labi ng emperador. The two would be a perfect match. And if he's right about this lady being the woman the prophecy was talking about, it's a win-win for him and the imperial family.

"Yes. She's the one. The perfect girl for my elusive third prince."

Kaagad tumango ang advisor na si Harith at mabilis ipinaligpit sa mga tauhan ng imperial palace ang mga portrait na hindi napili ng emperor. At itinabi sa isang silid ang mga maswerteng noble ladies na napili.

"Pardon my rudeness for asking this your highness.." hindi mapakali si Harith sa mga naiisip niya nang ilakip ng emperador ang napakailap nitong anak na si Aeschylus. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na walang pakialam ang prinsepe sa palasyo o kahit ano pang may kinalaman sa emperador. Kaya ngayong pinakialaman ng ama nito nananahimik na buhay ng ikatlong prinsepe— may kakaibang nararamdamang pangamba sa dibdib niya si Harith. Bilang lang ang nakakaalam sa kung anong kayang gawin o maaaring gawin ng prinsepe. At isa na ro'n si Harith. Kaya't hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba.

"Does the third prince knows about this? Will he accept this kind of set-up?" Patuloy na tanong nito sa emperador.

Ngumisi lang ang emperador. Walang pakialam sa maaaring maging resulta ng mga padalos-dalos niyang plano.

"Wether they knew or not, they doesn't have a choice but to do so. I am the emperor and I holds the power to dictate them anything," mautoridad na panambitan ng emperador.

Nefeli: The Reincarnated Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon