Third Person's Pov
"Look at those two..." Bulalas ni Anteros.
Matapos nilang lisanin ang training grounds upang iwan ang ikatlong prinsepe at ang bunsong kapatid nila ay agad silang tumungo sa opisina ng Duk. At ngayon ay kasalukuyan silang nakamasid sa dalawa mula sa bintana ng opisina.
"Ngayon ko na lamang ulit nakitang masaya si Nefeli," sambit ni Crius.
"Is it a good sign?" Ibinaling ni Anteros ang paningin sa dalawang nakatatandang kapatid.
"Of course it is. We will no longer worry about her being caught into trouble," sambit ni Ciel.
"Right. Papasanin na ng ikatlong prinsepe ang pagbantay sa sakit sa ulo nating kapatid," nakangising sabat naman ni Crius.
"Good luck to him." Anteros smirk.
"The hell was that?" Awang ang labing bulalas ni Crius nang muling mapatingin sa dalawa na ngayon ay naghahalikan na sa gitna ng training grounds.
"The prince's eating our sister's lips brother," inosenteng paglalarawan ni Anteros. Dahilan upang ikatawa ni Ciel.
"That prince! Halatang pantasya ang labi ni Nefeli. Look at him— mukhang hindi aayaw sa halik ah," napapailing namang litanya ni Ciel.
Isinara ni Crius ang pantabing sa bintana at naglakad ito palapit sa mahabang sofa at naupo rito. Sumunod naman ang dalawa at naupo sa kaharap nitong sofa, sa gitna nila ay isang mesa na may nakahandang teapot at mga tasa. May mga pagkain ding nakahanda.
"May narinig akong usap-usapan sa palasyo no'ng ipatawag ako ng emperador," pahayag ni Crius.
"Ano naman iyon?" Ciel.
"Narinig ko sa isang maid doon na nagugustuhan daw ng ikalawang prinsepe ang ating kapatid. At base sakanilang usapan ay nais nito pakasalan si Nefeli sa pamamagitan ng emperador," litanya ni Crius. Seryoso ang kanyang mukha at bakas ang pagkadisgusto sa balitang kanyang inilitanya.
"Matigas din talaga si prinsepe Endymion. Ilang beses ko na itong pinagsabihan na kahit anong gawin niya ay hinding-hindi niya maitatali si Nefeli sakanya." Dumilim ang mukha ni Ciel.
"Kasalanan talaga ito ni ama. Gumawa ba naman ng babaeng anak na maganda," pabirong singit ni Anteros, dahilan upang samaan siya nang tingin ng dalawa.
"Puro ka kalokohan," ungos ni Crius sa nakababatang kapatid, na siyang ikinangisi lamang nito.
Ilang minuto pa muna ang katahimikang dumaan nang muling magsalita si Ciel.
"Natitiyak kong hindi matutuwa si ama kapag nakarating sakanya ang balita."
"Iyon ay kung hindi pa nga nito nalalaman. Sa tingin mo ba ay walang mga mata rito sa baba ang matandang 'yon?" Kuwestyon ni Crius.
"Kung ganoon man, mas mapapadali ang pagpapatalsik natin sa Emperador at iluklok ang nararapat na mamuno rito sa Engklateya," seryosong litanya ni Ciel.
"And you think the third prince is the one?" Anteros questioned.
Ciel nodded his head as response.
"Aren't you biased for choosing that prince?" Dagdag pang tanong ni Anteros.
"No, it's not like that. You just don't know Aeschylus. I do." Buong kumpyansang tinitigan ng Duk ang dalawang kapatid. Adamant on his decision to support the prince and make sure to put him on the throne.
=====
Nefeli's Pov
"So what are we now, Marsha?" I blurted out while staring myself on the mirror. And my personal maid were doing my hair.
BINABASA MO ANG
Nefeli: The Reincarnated Villainess
FantasiRune Nefeli was a former assassin before she died because of someone dear to her. She already accepted her faith, which is to be dead and welcome Satan's abode, but when she opens her eyes she didn't expected to find herself inside a cold and dark p...