Kabanata Treinta y Tres

1.2K 60 20
                                    

Third Person's Pov

Balot ng isang dekalidad na pulang comforter ang walang saplot na katawan ng dalaga habang mahimbing itong natutulog sa ibabaw ng kama kung saan siya inangkin ng paulit-ulit ng kasintahan.

Matapos nitong kumain ay muli siyang nakatulog. At hanggang ngayon ay hindi pa nagigising. Kaya ngayon ay tahimik lamang siyang pinagmamasdan ng binata habang marahan nitong hinahaplos ang pisngi ng dalaga.

Tatlong araw na simula nang tangayin nito ang dalaga at dalhin sa kanyang silid. Walang sinuman, maliban sa kanyang mga iilang tauhan sa manor ang nakakaalam na nasa kanya ang dalaga.

Pinaghahanap narin ito ng Duke ng Daikirim. Ngunit wala siyang balak ipag bigay alam dito na nasa kanya si Nefeli. Hindi niya gugustuhing iuwi na naman ito ng Duke kagaya no'ng una nitong dinala rito ang dalaga.

Napukaw ang kanyang atensyon nang may sunod-sunod na katok sa pinto. Kinatalan niya muna ng halik sa nuo ang dalaga at pinagmasdan sandali ang mahimbing nitong mukha bago siya naglakad sa pinto at lumabas.

Tumambad sakanya ang kanyang kanang kamay, si Lysandro, na agad yumukod ng ulo sakanyang harapan.

"Paumahin kung naistorbo ko ang inyong pamamahinga my Lord. Ngunit mayroon kang panauhin na gusto kang makausap. Nasa drawing room ang mga ito ngayon," pag-imporma ng binata kay Osiris.

Walang sali-slaitang isinara nito ang pinto sa mukha ni Lysandro. Lumapit siya sa natutulog na kasintahan at inayos ang kumot sa katawan nito tsaka hinalikan ito sa nuo.

Nang muli niyang buksan ang pinto at lumabas ay naroon parin si Lysandro. Inaasahan narin ng huli na gagawin niya iyon. Nasanay na sa ugali't mga gasi niya.

Sabay silang naglakad patungo sa silid tanggapan ng mga bisita. Yumukod ang isang knight na nakabantay sa pinto bago pinagbuksan ang dalawa ng pinto.

Kaagad na tumayo ang dalawang panauhin nang makita ang pagdating niya.

"Paumanhin sa walang pasabing pagbisita namin dito mahal na prinsepe," the man dressed in a noble suit and had a blonde hair and a tanned skin apologetically uttered.

"You should be," Osiris didn't hide his annoyance and said it rudely.

Napayuko naman ang binatang kausap. Samantala ang babaeng kasama nito, na siyang kapatid niya ay nakangiti lang, titig na titig kay Osiris.

"Magandang umaga kamahalan," agaw pansin ng babae.

Saglit lang itong tinapunan ng tingin ni Osiris at agad ding binawi ang tingin. Dahilan upang gumuhit ang hindi kaay-ayang reaksyon sa mukha ng babae. Pero hindi iyon naging rason upang panghinaan siya ng loob bagkus ay hindi siya titigil hangga't hindi napapansin ng prinsepe kung gaano siya nag-effort para lang mas gumanda pa ngayong araw.

"What brought you here early in the morning, Houston?" Walang paligoy-ligoy na kuwestyun ni Osiris.

"Pumunta ako rito upang.." saglit na lumunok si Houston bago nagpatuloy sa kanyang sasabihin dahil sa kabang nararamdaman. Ngunit sa ganoon ay kailangan niya itong gawin upang nang sa ganoon ay magkaroon na ang pamilya nila ng kaugnayan sa emperador at hindi na sila mahirapan pang humingi ng tulong dito sa mga oras na kailanganin nila.

"Upang ihandog ang aking kapatid na si Lumeria na maging kaisang dibdib mo," patuloy niya at marahang hinila ang babaeng kasam upang iharap kay Osiris.

Napalunok si Lysandro. Nangangamba sa maaaring kahahantungan ng mga taong ito. Walang kaalam-alam sa panganib na pinasok nila rito.

Napatitig siya sa kanyang panginoon at nakitang blanko ang mga tingin nito. Hindi apektado sa magandang dilag na nasa harapan niya. Animo'y isa lamangi tong walang kwentang bagay.

Nefeli: The Reincarnated Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon