Nang muli akong magmulat ng mga mata ay bumungad sakin ang isang malawak na silid. Mga silid sa isang kastilyo na noo'y sa libro ko lang nababasa. Naiimagine ko lang. Ngayon ay nandito na ako mismo. At kwarto ko pa ito.
(The images is the representation of Nefeli's room)Umalis ako sa kama at nakapaang naglakad sa nakabukas na pintuan ng veranda na nakakonekta aking kwarto. Naupo ako sa isang reclining chair na kaharap ay isang lamesita.
Hinayaan kong liparin ng hangin ang maalon at mahaba kong buhok habang nakatanaw sa kawalan.
Nakita ko sa alaala ni Achlys ang dahilan kung ba't nakakulong ako nang mapunta ang kaluluwa ko sa katawan nito.
Wala naman pala siyang masamang ginawa. Sa katunayan ay tunay na naglilibot nga lang si Nefeli sa Avalorn nang makasagupa niya ang iilan sa mga tinatawag na royalties sa lugar na iyon. One of them taunted and provoked Nefeli kaya nauwi ito sa isang away. Nefeli tried to end the girl's life using her ability but someone interrupted her, one of the other royalties attacked her with its ability making her lost her consciousness.
Nang magising siya ay doon na nga dapat mangyayari ang tangkang pagpatay kay Nefeli dahil kasalanan pala ang tangkang pagpatay sa isang anak ng hari o sinumang anak ng royal family.
Good thing her brother, Ciel, saved her before the execution. Leaving the people of Avalorn with so much questions and horror on their faces.
Kilala si kuya Ciel sa buong Avalorn na isang nakakatakot na Duke ng Daikirim Dukedom. Nagtataka marahil ang mga 'to dahil wala namang nakakaalam na may kapatid palang babae si kuya Ciel. Sinadya niyang itago ang kapatid niya para sa kaligtasan nito. Lalo na't marami rin ang gustong mapasakamay ang Dukedom at ang titulo niya.
"Lady Nefeli, the Duke is already waiting for you at the dining hall," wika ni butler Ruen sa labas ng kwarto ko. Sadyang malakas lang ang aking pandinig kaya't hindi problema ang pagtawag nila sa akin kahit pa naka lock ang pinto ng kwarto ko.
Pagdating ko ng dining hall ay naabutan kong may bisita si kuya. Tahimik akong naupo sa pwesto ko at hinayaan ang hanmaid ko na lagyan ng pagkain ang plato ko.
"Nefeli." Kunot ang nuo kong nag-angat ng nuo upang tignan si kuya Ciel.
"Do you want to go to the Lumicent Academy?" Tanong nito.
Sa alaala ni Achlys ay ang Lumicent Academy pinakamalaki at sikat na akademya sa mundo ng Engklateya. Doon halos lahat ng anak ng mga may matataas na tungkulin sa mundong 'to nag-aaral.
Pero ang alam ko ay ayaw na ayaw ni kuya Ciel na lumalabas ng Daikirim ang kapatid niya. Anong hangin ang nalanghap nito at nagtatanong ito ngayon kung gusto ko bang pumasok do'n?
"Ayoko," mabilis kong sagot at nagpatuloy sa pagkain.
"Bakit naman Lady Nefeli? Masaya ro'n. Madami kang makikilalang kaibigan," ani ng bisita ni kuya. Nakangiti ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Nefeli: The Reincarnated Villainess
FantasyRune Nefeli was a former assassin before she died because of someone dear to her. She already accepted her faith, which is to be dead and welcome Satan's abode, but when she opens her eyes she didn't expected to find herself inside a cold and dark p...