Kabanata Veinteuno

1.6K 62 3
                                    

Nefeli's Pov

"Princess! Princess Nefeli!" Humahangos na pumasok sa aking silid si Marsha habang ako nama'y nagtatakang napabaling ng tingin sakanya mula sa aking pagtanaw sa veranda.

"Anong nangyayari Marsha?" Kuryoso kong tanong.

"Prinsesa, ang Prinsepe Crius ay hinamon ang Prinsepe Aeschylus sa isang laban gamit ang espada. At ngayon ay nasa training ground sila."

"Ano problema roon?" Nagtataka kong tanong.

"Hindi ka ba nababahal na baka magkasakitan sila, Prinsesa?"

"Hindi Marsha. Ginusto nila iyan. Hayaan mo sila," turan ko at naupo sa sofa.

Hindi narin ulit nag salita ang personal maid ko. Narinig ko ring umalis na ito. Kaya muli akong napatayo at nagmamadaling lumabas ng aking silid.

Mabilis ang mga naging hakbang ko habang tinatahak ang daan patungo sa training grounds.

Pasimple akong sumilip at siniguro kong wala sa aking makakakita. Dahil tiyak na kakantyawan na naman ako ng aking mga kapatid.

Kitang-kita ko mula sa aking kinatatayuan ang pagpalitan ng mga atake ni kuya Crius at ni Osiris. Alam kong magaling na knight si kuya at malakas ito, subalit kitang-kita ko sa galaw ng ikatlong prinsepe na pinipigilan nito ang sariling ilabas ang kanyang tunay na lakas at abilidad. Pakiwari ko'y pinagbibigyan niya lang si kuya upang sabayan ang trip nito.

"Nefeli! Ano ang ginagawa mo riyan? Bakit ka nagtatago?" Napangiwi ako nang makita ako ni kuya Ciel, rason upang mapatingin ang iba sa akin— habang ang dalawang naglalaban sa gitna ay tila mas dumoble ang intensidad sa pagitan nilang dalawa.

"Look at your man there sister. It looks like he's not weak as the rumors says," bulalas ni Anteros habang nakatuon ang atensyon sa dalawa sa gitna ng training ground.

"Those are just baseless rumors," turan ko.

"You really know the third Prince so well sister. How commendable," kuya Ciel teasingly butted in. I could only roll my eyes. I only knew a little about him. I only met him a month ago. And within the days on that month— he's like a mushroom.

At kailan ko lang nga nalaman na siya ang ikatlong prinsepe at na siya ang may hawak sa lupaing nasa kanluran. May guardian beast siyang panther at mapagpanggap siya.

Nabalik ako sa aking ulirat nang marinig ang tunog nang bagay na nahulog sa lupa. Sa lakas ng impak nito ay gulat akong napatingin sa gitna.

Wala sa sarili akong napatakbo palapit sa dalawa at walang habas na sinipa si kuya Crius na noo'y nakatutok ang talim ng espada niya sa leeg ni Osiris.

Agad akong napaluhod gamit ang dalawang tuhod ko upang daluhan ang nakahiga sa lupang prinsepe. May kaunting dugo ang tumulo mula sa leeg nito— marahil ay naabot ito ng talim ng espada ni kuya Crius.

"Are you okay?" Nag-aalala ang tinig kong tanong, na sa mga oras na iyon ay otomatiko lamang na lumalabas mula sa mga labi ko.

Ngunit sa halip na sumagot ay nagpaskil pa ito ng ngiti sa mga labi niya. Saka umangat ang kanyang kanang kamay at hinawakan ang aking pisngi— marahan niya itong hinaplos.

"Nice kick butterfly," natutuwang sambit nito. Napakunot ang nuo ko at pagkuwa'y namilog ang aking mga mata nang mapagtanto ang aking nagawa.

Nang ibaling ko ang tingin kay kuya Crius ay nakatayo na ito at busangot ang mukhang naglalakad papalapit.

"Why Nefeli? Why did you do that to me? You're hurting your brother's feeling," nagtatampong anito. Masama rin ang tingin kay Osiris, "pasalamat ka at gusto ka ng kapatid ko prinsepe. Kung hindi ay baka tinuluyan na kita. Ang lakas ng loob mong umaligid at bakuran ang kapatid namin pero 'di mo magawang harapin ang ama namin para hingin ang kamay niya," seryosong pahayag nito. Mga katagang lubos na gumulat at nagpapawi ng aking mga salita.

Nefeli: The Reincarnated Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon