Simula

1.4K 45 2
                                    

Si Nefeli ay isang matinik at mahusay na assassin. Isa siya sa may mataas na rangko sa organisasyon na kinabibilangan niya. At ang pagtanggap ng mga misyon mula sa mayayamang tao ang pinagkikitaan niya. Kung hindi pagdispatya sa mga kalaban sa politiko ay kalaban naman pagdating sa business world.

Hindi niya minsan man inakala na papasukin niya ang ganitong klase ng trabaho. Nakapagtapos siya na may matataas na grado at isang lawyer na dapat, ngunit nalaman nitong hindi siya nag-iisa sa buhay. Maya kapatid pa itong lalaki, sa katunayan ay kakambal pa.

Dahil sa nalaman niya ay sinikap niyang hanapin ang kapatid, rason kung bakit ngayon ay naging isa siyang assassin. She needed the money to find her brother.

The day came, she already found him. But what made her furious is the fact that the organization who she's working with was also the one who's hiding her brother. Due to this, she go berserk and plan out her vengeance to save his twin brother.

Sadly, she just got herself versus the whole organization. 

"You really think we'll let you out if here alive, Nefeli? Hangal ka! Mamamatay ka kasama ang kakambal mo." May ngisi sa labi ang taong ngayon ay may hawak na baril at nakatutok sa sintido ng nakagapos niyang kakambal.

Kumuyom ang palad ni Nefeli sa galit at masama ang pinukol na tingin sa lalaki. Papatayin niya ito. Oo nga't mamamatay siya ngayon, alam niya iyon, ngunit hindi siya makakapayag na siya lang ang mapupunta sa kaharian ni kamatayan. Isasama niya sila.

"N-Nefeli save yourself.. iwan mo na a-ako.. t-tumakas ka na please," nagsusumamong wika ng nanghihina niyang kakambal. Marahas na umiling si Nefeli. Hindi niya maaatim na muling hayaang pahirapan ng mga demonyong 'to ang kapatid niya.

"Hindi kita iiwan dito Neftus. Magkamatayan man. Mabubuhay ka at sila ang sasama sakin sa kamatayan!" Matapos sambitin ang mga katagang 'yon ginamit ni Nefeli ang natatangi niyang galing sa pakikipag laban; mabilis ang naging kilos niya, sunod-sunod na pinaputukan ang lalaking nanutok ng baril kay Neftus. Walang buhay itong natumba.

Tinakbo niya ang pagitan nila ni Neftus at humarang sa harap nito. Mabilis niyang pinagbabaril ang mga natitirang kalaban.

"Kalagan mo ang sarili mo Neftus at tumakas ka na. Anumang oras ay sasabog ang lugar na ito. Iligtas mo ang sarili mo—

"-- Nefeli hindi pwede.. kailangan nating dalawang makaalis. Huwag namang ganito. Ngayon lang tayo nagkita pero balak mo ulit akong iwan."

Pinigilang mapaiyak ni Nefeli at tinatagan ang sarili habang sunod-sunod ang putok ng baril niya. Ilang bala narin ang bumaon sa balat niya ngunit hindi niya ito ininda. Mas mahalaga sakanya sa mga oras na iyon na kahit hanggang sa huling pagkakataon may magawa siya para sa kakambal niya.

"Alis na Neftus. Huwag matigas ang ulo. When I die. Be strong. Don't cry. Avenge your sister okay? Bring the Rosallian Organization to its downfall. Do you hear me?" Naging mabigat ang paghinga ni Nefeli matapos bitawan ang mga katagang 'yon kasabay ang pagbaon ng bala sa tagiliran niya.

"Nefeli.. please.. don't.."

"Do this for me Neftus. Be safe. Don't let them catch you. Remember what I told you." Nilingon niya ito kasabay ng isang balang bumaon sa dibdib niya dahilan ng kanyang pagluhod at pagsuka ng masaganang dugo. Kita niya ang galit at hinagpis na bumadha sa mukha ni Neftus.

"Run Neftus! R-Run!" Walang nagawa ang huli at kahit labag sa loob ay tumakbo siya.. iniwan ang naghihingalong kapatid sa lugar na iyon.

"Pangako kambal, I will let them regret for messing with our lives."  Ang namutawi sa isip ng lumuluhang si Neftus habang tinatanaw ang tinutupok ng apoy na lugar kung saan niya iniwan ang kapatid.

Nefeli: The Reincarnated Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon