I am humming a song while looking at the tabloid I am holding at the moment. I am in a good mood since I woke up this morning. I even cook for my brothers for our breakfast for today. I just couldn't contain the emotional bliss in my system. That it made me do things I don't usually done in my morning routine.
Laman na naman kasi ng pahayagan ang pinakamamahal na anak ng emperatris. Kung noong una ay ang paglabas pasok nito sa bahay aliwan ang tampok sa balita, ngayon naman ay ang hindi kaaya-ayang gawain ni Endymion sa mga babaeng nakakatalik nito.
I am flabbergasted upon reading the content of the tabloid when Marsha gave it to me right when I woke up. I didn't expect that Endymion has this kind of insane fetishes when engaging in a sexual activities.
Voyeurism? Cuckolding? Shoe fetishism? What a bizarre activities for a prince who wish to have the throne.
Hmm, ano kayang ginagawa ng emperatris ngayon? Alam na kaya niya ang bagong laman ng mga pahayagan ngayon? Hahahaha can't wait to see how she would react about this matter.
"Mahal na prinsesa, mayroon kang isang imbitasyon mula sa palasyo ng ika-unang prinsepe ng Engklateya," imporma ni Marsha nang pumasok ito sa aking silid matapos kumatok ng limang beses sa pinto. Hawak din nito ang sinasabi niyang sulat, inilahad niya ito sa aking harapan habang nakayuko. Saka lang ito maayos na tumayo nang kunin ko ang envelope.
"Kaninong sulat kaya ang kasunod nito? Mula sa ika-apat? Ika-lima? Huh! Ano't panay ang pagpapadala ng imbitasyon sa akin ng mga prinsepeng 'to. Noong isang araw ay mula sa ika-anim na prinsepe. Tapos ito na naman." Nagtataka na ako sa intensyon ng mga prinsepeng 'to. Hindi ko mawari kung gusto nga lang ba nila akong makasamang mag-tsaa, o may iba pa silang pakay sa akin.
Knowing that they also after the throne- I have this thoughts that maybe they think they could use me against Osiris. But they all know that he's not interested on the throne. Well not before I met the third prince. I don't know now.
___
Para sa Prinsesa ng Daikirim,
Kumusta? Sana ay maganda ang iyong araw mahal na prinsesa. Kung ganoon man ay nais kitang paanyayahan sa aking palasyo upang mag-tsaa.
(Stomp ng ika-unang prinsepe)
___"Tingin ba ng prinsepe ay walang kakayahan ang Duke ng Daikirim na bumili ng tsaa?" Nakangiwi kong bulalas at padabog na inilagay sa mesa ang sulat.
Bahagyang napatawa si Marsha, ngunit agad din nitong ikinubli iyon sa takot na mapagalitan ko. Kahit hindi ko naman iyon gawain.
"Alam ba ng Duk ang tungkol sa mga imbitasyon na ito? Daig pa ng mga prinsepeng iyon ang mga babaeng anak ng maharlika kung magpadala ng imbitasyon para mag-tsaa." Napairap ako sa hangin.
"Hindi ito lingid sa kaalam ng Duk, mahal na prinsesa."
Napabuntong hininga ako.
"Kunin mo ang sulat at kagaya ng ginawa mo sa mga nauna, sunugin mo iyan," utos ko kay Marsha.
"Masusunod mahal na prinsesa." Yumukod pa muna ito, kinuha ang sulat, at nilisan ang aking silid.
Tatalikod na sana ako mula sa bintana ng aking kwarto nang mapatigil ako dahil nakarinig ako ng maliliit na tunog nang pagkatok sa pinto ng bintana.
Napakunot ang aking nuo. Hinanap ko kung saan nagmula ang tunog. At napataas pagkuwa'y ang aking kilay nang makita ang isang lobong may pakpak na paulit-ulit kumakatok gamit ang talim ng kuko nito sa paa.
Mabilis kong nilapitan ang bintana at binuksan ang bintana.
"Cyan?" Salubong ang kilay at nakaawang ang labi ko nang mapagtanto kung sino ang munting lobo.
BINABASA MO ANG
Nefeli: The Reincarnated Villainess
FantasyRune Nefeli was a former assassin before she died because of someone dear to her. She already accepted her faith, which is to be dead and welcome Satan's abode, but when she opens her eyes she didn't expected to find herself inside a cold and dark p...