Chapter 6: Engagement Ring

129 7 2
                                    

Chapter 6: Engagement Ring

MULA sa pagpirma ng mga dokumento ay salubong ang kilay na napaangat ng tingin si Apollo kay Selene.

“Are you serious? You want to train together with the knights?”

Malawak namang napangiti si Selene bago sunod-sunod na napatango. Bakas sa kumikislap nitong mga mata ang excitement. “Nakita ko kasi silang nag-eensayo kahapon. Kaya naisip ko na baka puwede akong sumali sa kanila minsan. Tutal nandito lang naman ako sa mansyon.”

Marahas na sinara ng Duke ang dokumento na binabasa bago mariing napatitig sa kaniya.

“No. You need to focus on your bridal lessons.” He looked at her suspiciously. “Don’t tell me that you are even planning to steal our knights job now?”

Selene pouted. “Hindi naman sa gano’n. I just want to boost my strength and stamina. Isa pa hangga’t maaari ay ayoko rin namang iasa ang safety ko sa ’yo o sa mga knights. I’m confident that I can protect myself. But I still need a little bit of training so I can keep up with my movements.”

Napasandal naman sa kinauupuan nito ang Duke bago nilingon si Levi na nakatayo malapit sa pintuan.

“What do you think?”

“Sa tingin ko ay wala naman pong magiging problema, Your Grace.”

Dahil sa naging sagot nito ay mas lalong lumaki ang tiwala ni Selene na sasang-ayunan ni Apollo ang gusto niyang mangyari.

Napatango-tango naman ang Duke. “Alright.”

Namilog ang mga mata ni Selene bago siya impit na napatili. Pero agad siyang natigilan nang muling magsalita ang Duke.

“But not now and I will be the one to personally train you. Sasabihan na lang kita kung kailan.”

Pinagdaop niya ang dalawang palad. “That’s fine with me.”

Hindi akalain ni Selene na madali lang niyang mapapapayag ang Duke. Ayos lang sa kaniya kahit minsan lang ang training. Ang mahalaga ay mapalakas niya ang katawan niya sa ngayon.

“Anyway, we have to go somewhere. Let’s go.” This time the Duke finally stood up.

Napakunot noo naman si Selene. Wala naman kasi itong nabanggit na mayroon silang lakad ngayong araw. “What? Saan tayo pupunta? Bakit hindi mo ako sinabihan agad. Ni hindi pa ako nakakapag-ayos.” She suddenly panicked.

The Duke gave her a scrutinizing look from head to toe. “You look just perfectly fine to me, as well as your dress. There’s no need to change or whatsoever. Let’s go.”

Naguguluhan man ay tahimik na lang na sumunod si Selene kay Apollo.

NAPAMAANG si Selene nang tumambad sa kaniya ang isang jewelry store pagkababa nila sa karwahe. Kasama rin nila si Levi at dalawa pang personal knight ni Apollo.

“What are we doing here?” She asked, confused. Habang nasa biyahe sila kanina ay hindi niya tinantanan ng tanong ang Duke. Pero wala talaga itong sinabi sa kung saan ba sila pupunta.

“Just go inside,” aniya bago siya hinawakan sa magkabilang balikat at iginiya papasok.

Pagkapasok nila ay agad silang binati ng isang may katangkaran na babae. She looks like she’s in her 30’s.

“Good afternoon, Your Grace. I was expecting you.” Nilingon naman siya ng babae. “You must be the future Duchess,” magalang itong yumuko sa kaniya.

Selene nodded awkwardly, still unaware of what was happening.

“Good afternoon, Roselyn. I believe, you already have the thing that I requested.”

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon