Chapter 22: Horseback Riding
NAPANGITI si Selene nang pumasok sila ni Apollo sa isang stable. Agad na bumungad sa kaniya ang maraming bilang ng mga kabayo at iba’t ibang kulay nito.
“I’m sorry. I forgot about the horse that you will be using tomorrow.” Apollo turned in her direction. “Have you rode one before?”
Sa isang iglap ay biglang bumalik sa alaala niya ang mga panahon na nagho-horseback riding sila ng ama niya sa rancho nila. Just like Selene, she’s also an only child, a heiress who grew up in a wealthy family in her previous life. Kaya naman bata pa lang siya ay marami na rin siyang mga bagay na natutunan.
“Yeah. I can manage it.”
“Alright. Now, all you need to do is choose.”
Sa rami ng kabayo na nandoon ay agad na mayroong nakakuha ng atensyon niya.
“I want that white horse.” Turo niya sa puting kabayo na nasa isang tabi.
Apollo smiled. “You have a good choice.”
“Why is that?” She asked curiously.
“Piper is a meek one amongst others here.” Apollo handed her a hay. “Here. Try and feed her.”
Kinuha naman niya ang inabot nito bago lumapit sa naturang kabayo. “Nice meeting you, Piper. I will be in your care at the upcoming competition. Let’s do our best to win.” She gently caresses the horse’s head as she feeds her.
Agad naman nitong kinain ang binigay niya. Just like Apollo said, Piper seems to be an obedient and submissive one. Ni hindi ito nangilag sa kaniya kahit ngayon pa lang sila nagkita.
Pagkatapos nilang pumili ng mga gagamiting kabayo ay nagpalit na sila ng riding attire. Selene couldn’t help but reminisce about the old times.
Sa paglabas niya ng stable ay agad na bumungad sa kaniya ang humahangang tingin nina Amara, Levi at Finn. Maging si Apollo ay tila natigilan at pinasadahan siya ng tingin.
“My Lady, you really look like a goddess no matter what you wear!” puri sa kaniya ni Amara.
“Thank you.” Umikot pa siya sa harap ng mga ito para ipakita ng husto ang suot niya. “Does it really look good to me?”
“Yes, it is, Milady,” sagot naman ni Levi.
“You look cool, Milady!” Finn remarked.
She chuckled. Pero dahil ngayon na lang ulit siya nakapagsuot ng ganoon ay hindi pa rin niya naiwasan ang makaramdam ng ilang.
Nanatili namang walang imik si Apollo. Bagkus ay inilahad nito ang palad sa harap niya.
“Shall we?”
Napakunot noo siya nang mapansin na namumula ang tainga nito. Pero ipinagkibit balikat na lang niya ito bago inabot ang palad nito.
Magkahawak kamay nilang tinungo ang open field habang nasa kabilang kamay naman nila ang reins ng mga gagamiting kabayo.
She happily mounted her horse. Hindi pa rin nawawala ang tuwa na nararamdaman ni Selene nang bigla siyang ayain mag horseback riding ni Apollo pagkatapos ng naging sword fighting nila kaninang umaga. It’s actually one of her favorite hobbies. Kahit noong naging assassin na siya ay isa ito sa mga libangan na patuloy niyang ginawa. Madalas pa niyang kakumpetensya si Alex noon.
Suddenly, her heart throbbed. Alex is the only person who has been genuine to her since she joined the organization. Even though she often denies it, he is the only one whom she considered a friend after the horrifying incident that happened to her parents that changed the course of her life.
BINABASA MO ANG
The Luna is a Villainess
FantasyThe Luna is a Villainess (Ongoing) Lilian Ledger is one of the Falcon Mafia's top assassins. She's well known for her code name 'Luna' in the underground society due to the symbol of the moon on the hilt of her swords and her ethereal beauty. But no...