Chapter 1: Selene Quincy
NAALIMPUNGATAN si Lilian nang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Dahil dito ay hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo.
Teka, nasa langit na ba ako?
Pero agad siyang natigilan nang dahil sa naisip.
Gaga! Sa rami ng ginawa mong krimen ay inaasahan mo pa talaga na mapupunta ka sa langit?
Gusto niyang imulat ang mga mata pero nagtatalo naman ang kaniyang isip at kalooban. Baka kasi mamaya ay nagliliyab na impiyerno na pala ang mabungaran niya. Akala niya noon ay handa na siyang makaharap si Satanas kung sakali. Pero iba pala talaga kapag nasa mismong sitwasyon ka na.
“Magandang umaga po, Lady Selene! Pinapagising na po kayo ni Lord Weston. Maaga raw po ang lakad n’yo ngayong araw.”
Nagsalubong ang kilay ni Lilian. Pamilyar kasi sa kaniya ang dalawang pangalan na nabanggit. Isa pa ay masyadong malambing ang boses ng nagsalita para maging si Satanas ito.
Dala ng kuryosidad ay pilit niyang nilabanan ang kaba na nararamdaman bago dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Bumungad sa kaniyang paningin ang isang kuwarto na ngayon lang niya nakita pero tila ba pamilyar ang istruktura.
Halos pigil niya ang hininga habang inililibot ang tingin sa paligid. Ilang sandali pa ay bigla siyang napabalikwas ng bangon nang dahil sa isang realisasyon.
I’m alive!
“A-ayos lang po ba kayo, Lady Selene? Pasensya na po kung naistorbo ko ang tulog nyo. Pinapagising na po kasi kayo ni Lord Weston.”
Lord Weston? Lady Selene?
Naguguluhan niyang nilingon ang babaeng nagsalita. Base sa suot nitong uniporme ay napagtanto niya na katulong ito sa lugar na kinaroroonan niya ngayon. “Ruby?” alanganin niyang tanong.
Agad itong lumapit sa harap niya. Hindi naman nakaligtas sa kaniyang paningin ang panginginig ng dalawang kamay nito. “A-ano po ’yon?”
Lilian gasped upon her confirmation. Of course she’s also familiar with Ruby. After all, she’s Selene’s personal maid.
She then jumped out of her bed and went straight to the bathroom. She didn’t mind Ruby’s panic reaction due to her sudden action.
“Lady Selene! Ayos lang po ba kayo? Hindi n’yo naman po kailangang tumalon at tumakbo.” Bakas ang pag-aalala sa mukha ng katulong nang sumilip ito sa kanya mula sa pinto.
“Close the door, please,” she commanded, and Ruby hesitantly obliged.
Lilian can’t believe what she’s seeing in front of the mirror right now. This is definitely not her face. It’s way more beautiful than hers!
She cupped both of her cheeks. Pale white skin, purple straight hair with bangs, round-shaped face, long eyelashes, hourglass body with...
Napaawang ang bibig ni Lilian. Kailan pa siya nagkaroon ng dibdib? She’s flat as wood!
And this face and body definitely do not belong to her. It had the same characteristics that Selene Quincy—a villain and her favorite character in a novel—has!
“How did it happen?” She murmured to herself.
Muli naman niyang inalala ang mga huling nangyari bago siya tuluyang nawalan ng malay. Sa pagkakaalala niya ay nasagasaan siya matapos niyang iligtas ang isang matandang babae at wala ng pag-asang mabuhay.
But now...
Sa isang iglap ay tila ba isang sirang plaka na umaalingawngaw sa kaniyang isipan ang mga salitang binitiwan ng matanda na iniligtas niya bago siya nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Luna is a Villainess
FantasyTransmigration Series #1: The Luna is a Villainess (Ongoing) Lilian Ledger is one of the Falcon Mafia's top assassins. She's well known for her code name 'Luna' in the underground society due to the symbol of the moon on the hilt of her swords and h...