Chapter 15: Moonlight Kiss

1.1K 36 1
                                    

Chapter 15: Moonlight Kiss

SELENE unconsciously rolled her tongue on her lips. Pakiramdam niya kasi ay bigla itong nanuyo. Malamig naman ang simoy ng hangin na pumapasok mula sa bintana pero hindi rin niya mawari kung bakit tila kay init ng paligid.

“I-I didn’t know that you’d be going home now,” she whispered.

Gusto niya itong itulak palayo dahil masyado silang malapit sa isa’t isa. Natatakot kasi siya na baka marinig nito ang malakas na pagkalabog ng puso niya. Kaya lang ay ayaw namang makisama ng katawan niya at tila ba bigla na lang siyang tinakasan ng lakas.

“No. I’m not. Our mission is still not finished yet.” His voice sounds tired.

Pilit na pinaningkit naman ni Selene ang kaniyang mga mata. She could smell blood on him. Kahit madilim sa kuwarto niya ay nakatulong naman ang liwanag na nagmumula sa buwan para makita niya ang kabuuan nito.

Ngunit namilog ang kaniyang mga mata at pinigilan niya ang sarili na mapasinghap nang mapansin ang ilang bakas ng dugo sa uniporme nito. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang sugat nito sa kaliwang braso. Ang kaba na nararamdaman niya ay biglang napalitan ng pag-aalala.

“What—”

“Why?” His voice is now lower than usual. As if he were begging for something.

“Huh?”

Apollo clasped both of their hands on each side, making Selene stunned for a moment. That’s when she realized that they’re in an awkward position. She was lying in bed while he was on top and pinning her.

Apollo Heinrich is not this aggressive in the novel!

“Why did you escape? Didn’t I tell you not to go outside until I return?” Apollo is positioned in between her legs, trapping her completely.

Selene’s mind is in haywire. The heat on her body surged as their bodies got closer to each other. Bullets of sweat have started to form on her forehead.

She gulped hard. “I-I just have some things to talk about with the prince. If you didn’t ban the royal family from entering the duchy, then I shouldn’t have sneaked out in the first place,” she answered defensively.

Umigting naman ang panga nito kasabay ng marahas na pagtaas baba ng adam’s apple nito.

“So are you saying that it’s my fault now?”

Napaiwas naman siya ng tingin. Hindi na kasi niya magawang tagalan ang mapanuri nitong mga mata na tila ba nagliliwanag sa dilim.

“That’s not... I mean...” Selene bit her lower lip. No matter what she says, there’s definitely no excuse for what she did.

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hanggang sa basagin ito ni Apollo ng isang nakagigimbal na tanong.

“Are you cheating on me now?” mahina ngunit mapanganib nitong tanong sa kaniya.

Sa pagkakataong ’yon ay matapang niyang sinalubong ang tingin nito. “Hell, no!” Pinigilan ni Selene ang pagtaas ng kaniyang boses dahil baka marinig sila ni Finn mula sa labas.

Tila napansin naman ’yon ng duke. “Finn is not outside. So there’s no need to hold yourself back.”

“How did you know about that? Did he see you?” nag-aalangan niyang tanong.

“No. But I already wrote him a letter before I went here. He’s certainly in the library now, seeking some information about what I’ve asked him to.”

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon