Chapter 8: Prince Cadmus Granville
DUMATING ang araw ng Sabado. Ang dating tahimik na kuwarto ni Selene ay naging maingay at magulo. Hindi kasi magkandaugaga ang mga katulong sa pag-aasikaso kay Selene habang prente lang siyang nakaupo at nakaharap sa salamin. Hinayaan niya lang magtalo-talo ang mga ito sa kung ano ba ang magiging ayos niya para sa araw na ’yon. Ayon kasi kay Amara ay ang mga ito na ang bahala sa kaniya. Humingi pa ito ng tulong sa dalawa pang katulong sa mansyon.
Dahil hindi rin naman siya sanay mag-ayos ay hinayaan na lamang niya ang mga ito. Mula sa make-up, pag-style ng buhok, paglalagay ng aksesorya at pati na rin sa pagsusuot ng gown at sandals niya.
“Wow! You’re dazzling, My Lady!”
Tila ba nagniningning ang mata ng mga ito habang nakaawang ang kanilang mga bibig at nakatulala lang sa kaniya. For them, she looked like a piece of art carved in perfection.
Selene’s hair is styled into a low bun and thick braid on the side, with a purple rose headdress on top of it. She has light makeup on, and aside from the gold embellishments in her gown, Selene also shines due to her diamond necklace and earrings. She also stood tall on her purple high heels.
“Thank you for your hard work, everyone!” Selene couldn’t help but smile the moment she stared back at her reflection in the mirror. After all, trusting the maids to do this kind of work isn’t bad at all.
Kung titingnan ay parang ang bigat ng mga suot niya. But surprisingly, she can manage just fine.
“It’s our pleasure to help, My Lady. Please enjoy the party,” paalam sa kaniya ni Amara nang palabas na siya sa kuwarto.
She looked back at her. “I will.”
Pagkabukas niya ng pinto ay naabutan niya si Levi na nakatayo lang sa tabi nito.
“Sir Levi, I’m done already.”
Nilingon naman siya nito. “Then we—” nabitin sa ere ang anumang sasabihin nito nang tuluyang mapadako ang tingin sa kaniya.
“Do I look good?” alanganin niyang tanong. Hindi kasi niya mawari ang ekspresyon nito.
Napayuko naman ito. “You look wonderful, My Lady.”
Nakahinga naman siya nang maluwag. “Thank you.”
Napaayos na ito ng tayo bago iminuwestra ang kamay sa harap. “Hinihintay na po kayo ng Duke sa library.”
Kunot noong nilingon niya ito nang magsimula na silang maglakad. “Sa library?”
“Opo. May kinailangan lang po siyang asikasuhin doon.”
“Oh. Okay.”
Habang binabaybay nila ang pasilyo patungo sa library ay saktong nakasabay naman nila si Carson na biglang natigilan at tila natulala pagkakita sa kaniya. Hindi niya alam na nandoon pala ito ngayon.
Selene curtsied. “Good afternoon, Lord Carson.”
“G-good afternoon, Lady Selene.” Admiration is visible in his eyes. “You look gorgeous. To be honest, I wasn’t even sure that it was you at first. That’s why I need to take my time and stare at you to confirm.”
“You flatter me, Lord Carson. Thank you so much for the compliments.”
He then cleared his throat. “It seems that the Duke will have a hard time guarding you today.”
“Pardon?” Hindi niya kasi narinig ang mga huling salita na sinabi nito dahil pabulong lang ’yon.
“I mean, papunta rin ako sa Duke. Shall we?”
BINABASA MO ANG
The Luna is a Villainess
FantasíaThe Luna is a Villainess (Ongoing) Lilian Ledger is one of the Falcon Mafia's top assassins. She's well known for her code name 'Luna' in the underground society due to the symbol of the moon on the hilt of her swords and her ethereal beauty. But no...