Chapter 11: Stay with Me

1.1K 41 3
                                    

Chapter 11: Stay with Me

KILL me?

Tila natulos sa kinatatayuan niya si Selene nang dahil sa rebelasyon na binitiwan ni Apollo. Wala pa siyang ideya sa kung sino ba ang babaeng kumausap sa kaniya noong nag-aagaw buhay na siya. Pero heto at mayroon na namang hindi kilalang kalaban na gusto rin siyang burahin sa mundong ’yon.

“But you have nothing to worry about. I have already sent out Levi on a mission to investigate the matter. Posible rin kasi na isa sa mga kalaban ko mismo ang may gawa no’n at gusto ka lang nilang puntiryahin dahil ikaw ang fiancée ko.”

Selene didn’t speak up as her lips thinned in irritation. Isa pa naman sa mga bagay na ayaw niya ay ’yong wala siyang ideya sa mukha o pangalan man lang ng kalaban. As a former assassin, she got used to gathering information about her enemies whereabouts easily.

Naglakad palapit sa kaniya si Apollo bago nito hinawakan ang magkabila niyang balikat. “I shouldn’t have told you about it yet. It’ll just stress you out.”

Napailing naman siya bago napatungo. “No. It’s fine. I can handle it.”

Kung gano’n ay si Levi pala ang inutusan nito para sa misyon na ’yon. Kaya pala wala ito sa labas ng kuwarto niya kanina.

“I’ll assign you a temporary personal knight for the time being until Levi returns. I also doubled the security around the mansion and the duchy,” Apollo assured.

Selene just kept quiet. Her head is in turmoil right now. That’s why she needs to clear her thoughts so she can think properly.

Ngunit nabulabog ang malalim niyang pag-iisip nang bigla na lang bumagsak ang ulo ni Apollo sa balikat niya. Mabuti na lang at nakasandal siya sa railing kaya kahit papaano ay nakakuha siya ng suporta mula roon.

“H-hey! What are you doing all of the sudden?” She pushed the duke with all the strength that she had, but he didn’t even budge.

“Kanina ko pa pinipilit ang sarili ko na matulog pero hindi naman ako dinadalaw ng antok. Kaya napagpasyahan ko na lang muna na tumambay rito. But for some reason, I suddenly felt sleepy upon seeing you.”

Nang dahil sa sinabi ng duke ay natigilan si Selene sa pagtulak dito. She remained still while Apollo’s head was resting on her shoulder.

Kinagat niya ang ibabang labi. She can’t help but feel guilty. Alam naman niya na siya ang dahilan kung bakit ilang araw na itong halos walang tulog. Somehow, she feels responsible for it.

Malalim siyang nagpakawala ng hininga bago marahang tinapik-tapik ang likod nito.

“If I could be of help, then I can stay by your side until you fall asleep. Just like how you remained by my side these past few days,” she offered.

Nang dahil sa sinabi niya ay dahan-dahang napaayos ng tayo si Apollo at hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya. A gleam of hope lit up in his eyes.

“Really?”

Sa totoo lang ay hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit niya sinuhestiyon ang bagay na ’yon. She just spat those words on impulse.

“Yeah.”

Muntik na siyang mapatili nang dahil sa sunod nitong ginawa. Binuhat lang naman siya ng duke. Bridal style.

“W-what are you doing now?” Hindi niya napigilan ang mautal bago nagpupumilit na pumiglas dito.

“There’s no way that I’ll let you walk in my room in that state. We can go over there faster this way,” he explained.

“B-but—”

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon