Chapter 25: Poisoning
NAPAKURAP si Selene nang mapansin ang kung anong umiilaw na bagay sa ibabaw ng lupa. Bumaba ang tingin niya roon at bumungad sa kaniyang paningin ang magic circle sa paanan ni Apollo.
Kung ganoon ay nasa malayong lugar ito kanina. Pero paano nito nalaman kung nasaan siya at nasa panganib siya?
“Apollo, how—”
Hindi na niya nagawa pang tapusin ang sasabihin nang bigla nitong takpan ang kaniyang mga mata. Kahit wala siyang nakikita ay alam na niya ang kinahinatnan ng assassin sa harap nila nang dahil sa narinig niyang daing na sinundan ng malakas na sigaw nito.
Selene has seen worse of the deaths from her past life. Most of it was actually because of her.
But of course, in Apollo’s eyes, she’s still the innocent Selene who knows nothing about violence. Kahit pa nakita na siya nitong makipaglaban noon.
Nang alisin ni Apollo ang kamay nito mula sa pagkakatakip ng kaniyang mga mata ay mabilis siya nitong hinila patalikod sa pinatay nitong assassin bago mahigpit siyang niyakap. Ngunit kahit ganoon ay hindi nakaligtas sa kaniya ang mga nagkalat na dugo sa paligid.
“I’m sorry. I shouldn’t really have let you participate in this competition. It’s all my fault. The enemy saw this as an opportunity instead to attack you.” Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya bago sinubsob ang mukha sa kaniyang leeg.
“Levi and Finn were already taking care of the others,” he added in the menacing voice.
Selene clenched her fists. Kung ganoon ay mayroon din talagang mga kalaban na nag-aabang sa kaniya sa bahaging ’yon.
Pero natigilan siya nang maramdaman ang nanginginig na mga kamay ni Apollo. Even if she couldn’t see his face, she could feel his frustration.
Biglang lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha at niyakap ito pabalik. “I’m alright now. And it’s not your fault. So don’t blame yourself.”
Ramdam niya ang paghugot nito nang malalim na hininga bago dahan-dahang kumalas sa kaniya. “Let’s head back for now.”
“But what about the hunt?”
Biglang dumilim ang mukha nito. “I don’t have time to think about it right now. Besides, we still have two more days for that. Ang mahalaga sa ngayon ay ’yong kaligtasan mo at mapaimbestigahan agad natin ang nangyari.”
“Alright.”
Akmang tatayo na siya nang bigla na lang siya nitong buhatin. Muntik na siyang mapatili nang dahil sa gulat.
“Bring me down! I-I can walk!” pagprotesta niya rito.
“No. You fell on the ground a while ago. Kaya wag ka muna masyadong gumalaw. Kailangan ka masuri ng royal physician sa lalong madaling panahon.”
Maingat siya nitong sinakay kay Piper bago ito sumunod. Hanggang sa may lumitaw na magic circle sa ilalim nila at bigla siyang nakaramdam ng hilo.
The next thing she knew was that they’re already at the entrance of the safe zone forest. Hindi nagtagal ay binabaybay na nila ang daan patungo sa cottage at waiting area.
“My Lady!” Humahangos na lumapit sa kanila si Amara. Base sa nag-aalala nitong mukha ay tila ba mayroon na itong ideya sa nangyari. “Are you alright?”
“Yeah.”
Napangiwi naman siya nang maramdaman ang pagkirot ng braso niya. Ito kasi ang pinangtungkod niya kanina noong nahulog siya mula kay Piper upang hindi ganoon kalakas ang maging impact ng pagtama ng katawan niya sa lupa.
BINABASA MO ANG
The Luna is a Villainess
FantasyThe Luna is a Villainess (Ongoing) Lilian Ledger is one of the Falcon Mafia's top assassins. She's well known for her code name 'Luna' in the underground society due to the symbol of the moon on the hilt of her swords and her ethereal beauty. But no...