Chapter 17: The Villainess

281 12 0
                                    

Chapter 17: The Villainess

NAPANGUSO si Selene habang hinahanap sa hile-hilera ng mga libro ang kailangan niya. Sa sobrang laki kasi ng library at dami ng mga libro na nandoon ay halos mahilo na siya sa kakahanap.

Pero nakuha ang atensyon niya ng pagkatok sa pinto.

“Lady Selene, Marquess Carson is here,” aniya ni Levi.

Napaisip naman si Selene. Malaki ang posibilidad na matulungan siya ng marquess sa hinahanap.

“Let him in.”

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto. Agad na natuon ang kaniyang mga mata sa buhok nito. Agaw atensyon talaga ang kulay no’n.

“Greetings, My Lady. Are you looking for something?” tanong nito nang makalapit.

“Yeah. I’m looking for a book about the duke’s sword,” she answered as she continued to browse through the shelf of books.

Hindi makapaniwalang napatitig ito sa kaniya. “I never knew that you’re interested in the duke’s sword.”

She put on an innocent face. “I just want to know more about it.”

Carson chuckled. “Very well. Follow me.”

Tahimik naman siyang sumunod dito. Hanggang sa tumigil ito sa isa sa mga shelf na nasa bandang dulo.

Carson didn’t even bother to browse among the books there. Pagkahinto nila sa isang shelf ay agad na kinuha nito ang isang libro mula sa gitna at inabot sa kaniya.

“Here.”

“Thank you.” Mangha siyang napatitig dito. “Kabisado mo ang lahat ng mga libro rito?”

“Let’s just say that it’s one of my special abilities.” He grinned.

Naiiling na tumungo na siya sa mahabang mesa na nandoon at agad na binuklat ang naturang libro. Truth be told, it contains the information about the sword.

She can’t believe that it was hundreds of years old already, and the user can transfer divine power through the sword, making it an easy win for every battle. But if used too much, it can also drain the user’s energy.

Nagpatuloy siya sa pagbuklat sa mga sumunod na pahina. Napag-alaman din niya na may iba ng mga nakabuhat sa naturang espada bukod sa mga naging duke. But they could only lift it up a little and still couldn’t wield it properly.

“How are you doing now, Lady Selene?” tanong ni Carson matapos ang ilang minutong katahimikan. Kasalukuyan itong nakaupo sa harap niya.

“I’m fine.” Napaangat siya ng tingin dito. “Wala pa rin bang balita kina Apollo?”

Napailing naman ito bago natampal ang noo. “But I received a letter from him finding out the night you escaped.”

Selene lifted her two fingers, forming a peace sign. “Sorry about that.”

Napakamot naman ito sa batok. “It’s alright. Hindi ko lang akalain na kahit nasa malayong lugar siya ay malakas pa rin ang radar niya.”

Selene let out a small smile. “Are you here to check on me?”

“That, and I still have to finish some of the duke’s paperwork,” wika nito sa tila nanlulumong boses.

Natigilan sila sa pag-uusap nang may marinig silang kumosyon sa labas. Kunot noong napatayo si Selene para sumilip sa bintana. Ganoon din si Carson.

“What’s happening?” tila aligaga kasi ang mga tao sa labas. “And who’s that?” aniya sa medyo may edad ng lalaki na tila bagong dating lang.

Carson’s face suddenly turned serious. “That’s the messenger. It seems that the—”

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon