Chapter 24: The Hunting Begins
ILANG minuto na rin ang nakalilipas magmula ng pumasok si Selene sa loob ng kagubatan. Marahas siyang napabuga ng hangin dahil hanggang sa mga oras na ’yon ay wala pa rin siyang nakikita na kahit anong klase ng hayop.
“No wonder this competition is also open for noble ladies. After all, this safe zone is literally safe.”
Napasimangot siya habang binabaybay ang diretsong daan. For sure, things will be more exciting and different if she enters the dangerous zone instead.
I shouldn’t really have listened to Apollo.
Nasisiguro ni Selene na marami ng napatumba na monsters sina Apollo sa mga oras na ’yon. Naniniwala rin siya na kung gugustuhin nito ay paniguradong malaki ang tsansa nito na manalo sa kumpetisyon.
Kaya lang naman ito hindi gaanong sumasali noon at hindi nananalo ay dahil wala itong rason para gawin ’yon. But that year should have been different since Apollo found a reason to bring home the victory already.
And in the novel, that reason is supposed to be Adeline. Though the reason has changed, she’s confident that Apollo would still win this year’s competition.
Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Selene. Speaking of the female lead, it seems that Adeline is also acting weirder than she is in the original novel.
Is it because of the changes she made?
Ang isa pa sa gumugulo sa isip niya ay ang prinsipe. She actually wanted to bid him good luck as well a while ago. But the awkward scene that Apollo caused made her stop doing so. Bukod doon ay tila ba may gusto pa itong sabihin sa kaniya kanina pero hindi na lang ito umimik pa.
She shook her head to clear her thoughts and just focused her attention on the surroundings. Hindi nagtagal ay mayroon na ring nahagip ang kaniyang paningin. She smiled widely, then quickly reached for her crossbow and aimed for the deer.
Ngunit agad siya nitong napansin kaya mabilis itong nakatakbo. Pero bago pa ito tuluyang makalayo ay nahagip na ito ng palaso niya.
“Gotcha! One down!” She grinned.
Sunod niyang nakita ang tatlong kuneho. Napangiwi naman siya. Parang hindi ata kakayanin ng konsensya niya kung papanain niya ang mga ito. Aside from that, they all look adorable.
“This would become easier if I’m hunting a monster instead since my conscience could definitely take it.” She let out a frustrated sigh.
Kung puro ganoong klase ng mga hayop ang makikita niya roon ay paniguradong hindi uusad ang bilang ng mga huli niya. Bukod doon ay kailan pa siya tinubuan ng konsensya?
She then saw two squirrels next. Wala naman siyang inaksayang oras at agad na tinarget ang dalawa. Hanggang sa bumungad na sa kaniyang paningin ang iba pang klase ng mga hayop. Dahil doon ay sunod-sunod siyang nagpakawala ng mga palaso upang hindi na makatakbo pa ang mga ito. Walang mintis na tumama naman sa lahat ng target niya ang mga palaso.
Selene manages to catch a pheasant, partridge, ducks, raccoon, beaver, and more deer.
Hanggang sa namalayan na lang niya na patong-patong na ang mga hayop na nahuli niya.
Napahinga siya nang malalim bago pinunasan ang namuong pawis sa kaniyang noo. Ang buong akala talaga niya ay babalik siya na wala man lang dala ni isa.
Pero natigilan siya nang makakita ng isang paparating na rare specie.
A small fox!
Well, foxes are not usually dangerous and do not attack humans except when they’re rabid. Kaya siguro ay nandoon ito sa safe zone.
BINABASA MO ANG
The Luna is a Villainess
FantasyThe Luna is a Villainess (Ongoing) Lilian Ledger is one of the Falcon Mafia's top assassins. She's well known for her code name 'Luna' in the underground society due to the symbol of the moon on the hilt of her swords and her ethereal beauty. But no...