Chapter 19: The Tea Party

846 29 0
                                    

Chapter 19: The Tea Party

HABOL ang hininga na napatitig sa kaniyang sariling repleksyon si Selene. Pagkatapos kasi ng ginawang eksena ni Apollo kanina ay dali-dali siyang nagpaalam dito para magtungo sa wash room.

Her heart is pounding so fast that she finds it hard to breathe. Kaya naman ay kinailangan niya munang lumayo kay Apollo pansamantala.

That man was unbelievable.

Nang sa wakas ay mahimasmasan na siya ay inayos niya muna ang sarili bago tuluyang lumabas. Ngunit natigilan siya nang makasalubong ang dalawang babae na hangga’t maaari ay iniiwasan muna sana niyang kausapin.

Agad namang napayuko ang isa sa mga ’to. “I, Ophelia Colton, greet the future duchess on her engagement.”

The other one did the same thing. “I, Venus Sawyer, greet the future duchess as well.”

Selene frowned. “Please rise. There is no need for such formalities. After all, I’m not a duchess yet.”

Gumuhit naman ang mapaglarong ngiti sa mga labi ni Ophelia. “Well, it would just take a matter of time before it happens.”

Selene’s face remained serious. “Thank you. I believe this is also a good time for me to apologize personally. Because of me, the tea party that Lady Ophelia will be hosting has been moved once again. It’s just that the duke wants the engagement ceremony to pass by first before I can go to such events.”

Nang banggitin niya kasi kay Apollo ang tungkol sa tea party na gaganapin dapat bago ang engagement ceremony ay sinuhestiyon nito na ipagpaliban muna ang naturang pagtitipon para makapag-focus muna sila sa paghahanda sa seremonya.

Napahawak naman sa kaniyang kaliwang dibdib si Ophelia kasabay ng pagbakas ng lungkot sa mukha nito. “It’s truly regrettable the moment I received the letter from you. Still, we understand the duke’s sentiments.” Napangiti na ito. “So, we will be expecting you this coming Sunday.”

Selene smirked. Mukhang wala talagang balak ang mga ito na tantanan siya. So might as well play along with their act. “Of course. It would be for sure this time.” She curtsied. “Please excuse me.”

Nang malampasan ni Selene ang dalawa ay hindi niya napigilan ang mapairap. Umaalingasaw kasi ang kaplastikan ng mga ito sa katawan.

Hindi nagtagal ay natapos na rin ang seremonya. Tahimik lang na nakamasid si Selene sa labas habang nasa daan na sila pauwi. She feels exhausted.

“Are you tired?” tanong ni Apollo na nakadekwatro habang nakahalumbaba at nakatingin sa kaniya.

Napatango naman siya. “Yeah. For some reason, my mind and body feel tired.”

Maaga rin kasi siyang nagising para maghanda. Kahit naman nakaupo ay medyo nangawit din siya kanina sa parada nang dahil sa pagkaway at pagngiti. Bukod doon ay kaliwa’t kanan pa ang mga nobles na nakausap nila sa party. Halos hindi na nga niya maalala ang pangalan ng ilan sa mga ’to

Pero ramdam din niya ang pagod ng kaniyang utak nang dahil sa rami ng tumatakbo sa isipan niya ngayon. Nangunguna na roon sina Cadmus at Adeline.

Pilit na pinipigilan ni Selene ang antok na nararamdaman. Ang kaso lang ay bumibigat na talaga ang talukap ng kaniyang mga mata.

Akmang ihihilig niya ang ulo sa bintana nang maramdaman niya na mayroong marahang humawak sa kaniyang mukha bago dahan-dahang inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Agad na sinalakay ang kaniyang ilong ng pamilyar na amoy ng pabango nito.

So warm and comfortable.

With that, Selene managed to sleep peacefully with a smile on her face.

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon