Chapter 37: The Second Prince
THE day of the second princeʼs return has finally arrived. Mula sa kaniyang kinauupuan ay tila hindi mapakali si Selene. She can already feel the intensity of the climax of the story.
The ending of the main story is almost around the corner, and her time to decide whether she should stay or return to her original world is also shortening.
“My Lady, are you nervous?” tanong ni Amara. Sinilip siya nito mula sa harap ng salamin.
Kinagat niya ang ibabang labi. “Yeah. I just hope everything will be fine.”
Masuyo naman siya nitong hinawakan sa magkabilang balikat. “Magiging maayos din po ang lahat. Isa pa ay isa si Duke Apollo sa mga kinakatakutang personalidad sa buong imperyo. Hindi po siya basta-basta mapapabagsak ng sinuman at paniguradong poprotektahan niya po kayo kahit na anong mangyari.”
Hindi niya napigilan ang mapangiti nang dahil sa sinabi nito. Truth be told, Apollo is one of the strongest and most powerful men in the whole empire. Sa pagkakaalam niya maging ang empress at emperor ay ilag din dito.
Ngunit ʼyon din ang dahilan kung bakit maraming gustong magpabagsak dito.
Pagkatapos siyang ayusan ni Amara ay napatayo na si Selene. As usual, her pink dress was made by Aurora.
“I know that youʼll be alright. But still, please take care, My Lady.” Sa pagkakataong ʼyon ay biglang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ni Amara.
“I will. Thank you, Amara.”
Sa pagbukas niya ng pinto ay naabutan niyang naghihintay na sa labas si Apollo.
“Are you ready?” tanong nito pagkaabot sa kaniyang kamay.
“Yes.”
“Donʼt worry. You have me by your side,” he assured.
Nang dahil sa sinabi nito ay tuluyan ng napanatag ang kaniyang loob.
Habang sakay sila ng karwahe ay hindi napigilan ni Selene ang mapaisip sa mga maaaring mangyari mamaya. Kahit pa alam niyang sa kanila papanig ang second prince kung ang takbo ng orihinal na nobela ang pagbabasehan ay hindi pa rin siya puwedeng makampante. After all, almost all of the characters there have already changed.
“Itʼs been two years since the second prince left, right?” she suddenly asked.
Apollo nodded. “Yeah. The empress is the one who sent him away for the expedition. If Iʼm not mistaken, thereʼs still some time left before the expedition ends. So itʼs really suspicious that the empress suddenly ordered him to return immediately.”
Napahawak siya sa kaniyang baba. “If thatʼs the case, then there is a possibility that the empress would start to proceed with her plan earlier than expected.”
“Thatʼs right. But of course we wonʼt let her succeed.”
Apollo took her hand and intertwined their fingers. Inihilig naman niya ang ulo sa balikat nito at tahimik na lamang na nagmasid sa labas.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin sila sa kanilang destinasyon. Sa pagbaba ng karwahe ay hindi napigilan ni Selene na tingalain ang matayog na palasyo.
“You already know what to do, right?” sambit niya nang maramdaman ang presensya nina Levi at Finn sa kaniyang likod.
“Yes, My Lady.”
Si Cadmus na ang bahalang magpasok sa dalawa sa loob ng palasyo sa oras na makakuha ito ng pagkakataon. Mayroon ding dala-dala ang mga ito na isang blanket na nagtataglay ng mahika upang maging invisible ang mga ito. Itʼs all thanks to Senia.
![](https://img.wattpad.com/cover/345925916-288-k958646.jpg)
BINABASA MO ANG
The Luna is a Villainess
FantasyTransmigration Series #1: The Luna is a Villainess (Ongoing) Lilian Ledger is one of the Falcon Mafia's top assassins. She's well known for her code name 'Luna' in the underground society due to the symbol of the moon on the hilt of her swords and h...