Chapter 16: Gathering Information
HINDI maiwasan ni Selene ang mag-alala. Siyam na araw na kasi ang nakalilipas magmula ng umalis si Apollo at ang grupo nito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakauwi. Maging si Levi ay wala pa rin.
“My Lady, ayos lang po ba kayo?”
Mula sa pagkakatungo ay napaangat siya ng tingin kay Amara. Sinalubong niya ang nag-aalala nitong tingin mula sa salamin na nasa kanilang harapan.
“Yeah. I’m just worried about how the duke’s mission is going now.” She fainted a smile.
Nagpatuloy na ito sa pagsusuklay ng kaniyang buhok. “Wag po kayong mag-alala, My Lady. Wala pa pong laban na hindi naipanalo ang duke. He’s one of the war heroes together with the prince.”
Napahinga siya nang malalim. Kung tutuusin ay walang-wala pa ang mga naging karanasan niya sa pagiging assassin sa rami ng laban at giyera na kinasangkutan ni Apollo. Pero kahit ganoon ay tao pa rin ito na puwedeng masugatan sa isang labanan.
“I know that. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala.” Nilingon niya ito. “Hindi ba puwedeng gamitin na lang niya ang teleportation magic niya pauwi rito kapag natapos na ang misyon nila? If I’m not mistaken, it would take them at least two days to return from the Northern Border.”
“That won’t do, My Lady. Although it’s possible but not advisable. Most especially if the duke is already worn out in battle.” Amara shrugged. “Unless there’s really an emergency that would immediately need the duke’s presence, or he’s not in the middle of a battle, teleportation magic should not be used.”
Napakunot noo siya. That information piqued her interest. “Why is that?”
“Teleportation requires a large amount of magic power, making the user’s mana and strength dwindle. Given the fact that the duke may have already worn out due to the battle, there’s a big possibility that he would pass out or drain more of his energy if he used it.”
Natigilan si Selene nang dahil sa narinig. Muli niyang naalala ang gabi na tumakas siya at umuwi si Apollo gamit ang teleportation magic dahil nag-aalala ito sa kaniya. To think that he’s in the middle of the fight by that time.
That man!
Selene clenched her fists as she silently hoped that nothing bad had happened to him when he returned to the battle that night.
Mula sa pagkakatulala ay napakurap siya nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto.
“My Lady, it’s Emil.”
“Come in.”
Nang makapasok ay agad itong tumungo. “Lady Selene, nasa visitor’s chamber po si Lady Aurora Hansley.”
Biglang napaisip si Selene. Pamilyar kasi sa kaniya ang pangalan na ’yon.
Nang sa wakas ay maalala na niya ito ay bigla siyang napatayo mula sa kinauupuan niya at hinarap ang head butler.
“What is she doing here? And I thought no one was allowed to enter for now?”
“Personal po siyang pinapunta ng duke rito para masukat n’yo raw po agad ang susuotion niyong dress sa engagement ceremony.”
Right. Aurora Hansley—the owner of the infamous Hansley Boutique Shop. Pero bakit hindi man lang nabanggit sa kaniya ni Apollo ang tungkol doon?
“Alright. Susunod na ako.”
Tinapos lang ni Amara ang pag-aayos sa buhok niya bago sila tuluyang tumungo sa visitor’s chamber kung saan ay naabutan nila si Aurora na kausap ang sa tingin niya ay mga staff nito. Kasunod naman niya si Finn na nagpaiwan lang sa labas. Pagkapasok niya sa loob ay nakangiti siyang binati ni Aurora.
BINABASA MO ANG
The Luna is a Villainess
FantasyThe Luna is a Villainess (Ongoing) Lilian Ledger is one of the Falcon Mafia's top assassins. She's well known for her code name 'Luna' in the underground society due to the symbol of the moon on the hilt of her swords and her ethereal beauty. But no...