Prologue: Lilian 'Luna' Ledger

2.5K 82 0
                                    

Prologue: Lilian ‘Luna’ Ledger

LOUD screams filled the silent night at the Almazan’s mansion, followed by a loud thud. Lilian Ledger—also known as Luna in the underground society—looked down at the lifeless body of Don Ramon, the head of the Almazan Mafia.

“You’ve done it again! Palagi mo na lang akong inuunahan!”

Hindi pinansin ni Lilian ang patutsada sa kaniya ng kasamahan at partner niya sa misyon na ’yon na si Alex—na mas kilala sa bansag na Ares. Bago kasi sila sumugod sa mansyon ng mga Almazan ay paulit-ulit nitong binanggit sa kanya na sa pagkakataong ‘yon ay ito mismo ang magpapatumba sa nakatatandang Almazan.

Agad na ipinahid ni Lilian sa suot na suit ni Don Ramon ang dugo na dumadaloy sa matulis at dulong bahagi ng kaniyang dalawang espada bago inilagay ang mga ito sa kaniyang likuran. Pareho itong mayroong simbolo ng buwan sa hawakan nito. Dahil doon ay binansagan siyang Luna nang mga bawat nakakalaban niya. Idagdag pa ang mahaba at tuwid niyang kulay itim na buhok, makinis at tila kulay porselanang balat, bilugang mga mata at mamula-mulang mga labi na tila ba isang diyosa. Ngunit sa likod ng kaniyang mala anghel na mukha ay ang isang babae na walang pagdadalawang isip na kumikitil ng buhay.

“We’re finished here. Let’s go.”

“Tsk. Snob as usual.” Napailing na lang si Alex bago nakapamulsang sumunod sa kaibigan.

Palabas na sila sa malawak na solar kung saan ay marami ring nagkalat na mga bangkay nang biglang matigilan si Lilian.

“Mauna ka na sa headquarters. May dadaanan lang ako saglit.”

Sa pagkakataong ’yon ay biglang sumeryoso ang mukha ni Alex. “Wait. Can—”

Hindi na niya pinatapos pa sa pagsasalita ang kaibigan at agad na sumakay sa naghihintay niyang kulay itim na Kawasaki Ninja ZX-25R bago ito pinaharurot paalis.

Tila natuod naman sa kinatatayuan niya si Alex. Kahit hindi sabihin ni Lilian ay alam na niya kung saan ito pupunta.

Wala naman sanang problema. But this time it’s different.

Akmang sasakay na siya sa naghihintay na motor para sundan ang kaibigan nang bigla na lang niyang naramdaman na may kung anong tumusok sa kaniyang tagiliran, dahilan para unti-unti siyang mawalan ng ulirat.

WALA pang kalahating minuto ay tumigil na ang sinasakyang motor ni Lilian sa harap ng dalawang magkatabing puntod.

Tila ba kaybigat ng bawat paghakbang niya papalapit sa mga naturang lapida. Walang kahit na anong klase ng emosyon ang mababanaag sa kaniyang mukha nang bumaba ang paningin niya roon.

“Kaunting panahon na lang po, Ma, Pa. Sa ngayon ay nasisiguro ko na lubos na ang tiwala sa ’kin ng mga Falcon. Maisasagawa ko na rin ang mga plano ko sa kanila. Maipaghihiganti ko na rin ang nangyari sa inyong dalawa.”

She clenched her fist as she blew a loud breath. It’s been ten years since she became part of the Falcon Mafia. She was only fourteen years old when Don Ronaldo Falcon took her from the streets when she was wandering mindlessly with no one else to turn to. But even though she knew that he was the same person who took the lives of her parents, she gladly accepted his offer due to the plan that suddenly popped into her mind that time. At the Falcon Headquarters, she was trained to become one of the Falcon Mafia’s assassins at a young age.

But Don Ronaldo didn’t know that her family was one of their victims.

Lilian did anything she could just to win the trust of Don Ronaldo. Her heart has been turned into a stone the moment she started her training. She shows no mercy and remorse to every person she kills on her mission. She wouldn’t mind getting her hands dirty in order to get the justice her parents deserve.

And she knew that these past few months, she finally gained Don Ronaldo’s full trust. Since all of their major operations have already been entrusted to her and she’s now one of the few assassins who could talk to Don Ronaldo directly.

That’s why she can now finally start her plan. And she will execute it on the day of her parents death anniversary.

Lilian is already prepared to kill anyone who comes her way. Even if that person is Alex, her one and only friend. Because Lilian knew how loyal Alex was to Don Ronaldo.

The strong gust of wind suddenly blew, and Lilian didn’t even bother to hold up the strands of her hair that were freely swayed by the wind.

Ilang minuto pa siyang nanatili roon bago siya nagpasyang umalis. Dahil alas-dos na ng madaling araw ay wala ng gaanong sasakyan sa daan.

Lilian keeps on beating the red light when suddenly, an elderly woman comes out of nowhere. But her eyes widened when she saw a speeding truck that was heading in the elderly woman’s direction.

Dali-dali naman niyang naihinto ang motor. Ngunit hindi pa man niya ito tuluyang naipaparada ay agad siyang tumalon mula roon para sagipin ang matanda.

The next thing Lilian knew was that her body has been thrown by a strong force in a long distance. Her vision blurred and body went numb.

Hindi naman huminto ang truck na nakasagasa sa kaniya at dire-diretso lang humarurot paalis na parang bang walang nangyari. Sa nanlalabong paningin ay pilit naman na inaabot ni Lilian ang isang libro na kasabay niyang tumilapon sa daan.

It was her favorite novel, titled Heartbound. Kahit matagal na niyang tapos basahin ang naturang nobela ay palagi pa rin niya itong dala-dala kahit saan pa siya pumunta. Sa tuwing nabo-bored o wala kasi siyang ginagawa ay muli niyang inuulit na basahin ang naturang libro. For some reason, she likes the female villain of the book more than the female lead character.

Ngunit natigilan siya nang mayroong mag-abot ng libro sa kanya. Sa pagkakataong ’yon ay dahan-dahan niyang ibinaling ang atensyon sa taong nag-abot nito. Hindi niya napigilan ang pagsupil ng ngiti sa kaniyang mga labi nang mapagtanto na ito ang matanda na iniligtas niya kanina. Kahit papaano kasi ay nakaramdan siya ng tuwa. Dahil sa kahuli-hulihang pagkakataon ng buhay niya ay nakagawa rin siya ng mabuti.

Ang kaso lang ay mukhang hindi na niya magagawa pang tuparin ang pangako sa kaniyang mga magulang.

Patawad, Ma, Pa. Pero hanggang dito na lang po ako.

“Salamat sa ginawa mong pagliligtas sa ’kin, ineng. Kahit pa alam mo na maaari nitong maging kapalit ang sarili mong buhay. Nang dahil sa ’yong kabutihang loob ay hayaan mong suklian ko ito. Sa muling pagmulat ng iyong mga mata ay mamumuhay ka na ng tahimik at masaya.”

Hindi man niya gustuhin ay kusang tumulo ang luha sa mga mata ni Lilian. The old woman’s words sound too good to be true. Alam kasi niyang sa mga oras na ’yon ay hindi na niya mararanasan pa ang tahimik at masayang buhay. Dahil sa oras na pumikit na ang kaniyang mga mata ay hindi na siya muling magmumulat pa.

“Sleep well.”

Ito ang mga huling salita na narinig ni Lilian bago siya tuluyang nilamon ng dilim habang mahigpit na nakayakap sa libro.

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon