Chapter 12: Don’t Get Hurt
MAINGAT na sinalansan ni Selene ang mga inayos na bulaklak sa isang kulay porselana na vase. Balak niya ’tong dalhin mamaya sa opisina ng duke. Sa pagkakaalam niya ay maghapon itong mananatili roon dahil tambak pa rin ang trabaho nito.
“Wow! You picked a calming color of flowers, My Lady. Bukod roon ay pulido ang flower arrangement na ginawa mo ngayon,” puri sa kaniya ni Holly.
“Thank you. Plano ko ’tong ilagay sa opisina ng duke. Kaya ganitong mga kulay rin ang pinili ko para mas nakaka-relax sa pakiramdam kapag tiningnan niya.”
Malawak naman itong napangiti. “Mukhang balak n’yo pong punuin ng mga bulaklak ang buong mansyon, ah.”
Natawa naman siya. Sa tuwing magtatapos kasi ang flower arrangement session nila ay hindi puwedeng hindi niya idi-display ang mga sariling gawa sa kung saan mang parte ng mansyon. Apollo didn’t mind anyway.
“Well, if I could. Then why not?”
It’s been a week already since she woke up. Ganoon katagal na rin siyang nakakulong sa mansyon. Mabuti na lang at kahit papaano ay nakatutulong ang mga lessons niya sa araw-araw para hindi siya gaanong makaramdam ng boredom.
Sa ngayon ay katatapos lang ng flower arrangement class niya. Sunod naman dito ang embroidery class. At first, she found it boring to do both. Pero kalaunan ay na-enjoy na rin niya ito. Maybe because everything about it is new to her. And she takes every lesson as a challenge to improve herself. It’s just nice to learn the things that she wasn’t able to do so from her previous life.
“Even your embroidery skill is improving. What are you planning to embroider today?”
Napaisip naman si Selene. Sa pagkakaalala niya ay wala pang panyo ang duke na mayroong initials nito. That thought made her grinned.
“It seems that you have something interesting on your mind, My Lady,” komento ni Holly.
Napatango naman siya rito. “You’ll see.”
Nakangiting sinimulan na niya ang pagbuburda. Excited na siyang matapos agad ito para mabigay niya kay Apollo mamaya.
HAPON na ng matapos si Selene sa pagbuburda. Once again, she received compliments from Holly.
Sa ngayon ay naglalakad na siya patungo sa opisina ng duke. Bitbit niya ang binurdahang panyo. Habang dala-dala naman ng knight na kasunod niya ang vase kung saan nakalagay ang in-arrange niyang mga bulaklak.
“Pasensya na sa abala, Sir Finn.” Nakangiti niyang nilingon ang bago niyang personal knight. Mas bata lamang ito ng dalawang taon kumpara kay Levi.
“Wala pong anuman, Milady. Ikinalulugod ko po na mapagsilbihan kayo.”
Kahit papaano ay magaan din ang loob niya rito. Actually, Finn is more talkative compared to Levi. Sa pagkakaalala niya ay isa rin ito sa limang knights na kasama nila noon sa kaarawan ng prinsipe.
Pagkatigil nila sa tapat ng pinto ng opisina ng duke ay tatlong beses munang kumatok si Finn bago nito inanunsyo ang pagdating niya.
“Your Grace, Lady Selene is here.”
“Come in.”
Pagkabukas ni Finn ng pinto ay agad na bumungad sa kaniyang paningin ang mga tambak na dokumento sa ibabaw ng mesa ng duke. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nahahabol ang mga napabayaang trabaho noong mga panahon na wala itong ibang ginawa kung hindi ang bantayan siya. Dahil dito ay nakaramdam siya ng pag-aalinlangan na istorbohin ito.
BINABASA MO ANG
The Luna is a Villainess
FantasyThe Luna is a Villainess (Ongoing) Lilian Ledger is one of the Falcon Mafia's top assassins. She's well known for her code name 'Luna' in the underground society due to the symbol of the moon on the hilt of her swords and her ethereal beauty. But no...