Chapter 13: Greenhouse

1.1K 42 2
                                    

Chapter 13: Greenhouse

LIMANG araw na ang nakalilipas magmula ng umalis si Apollo. Katulad ng bilin nito ay nanatili lang si Selene sa loob ng duchy sa mga panahon na ’yon.

Kasalukuyan siyang nakatambay sa kuwarto niya at nagbabasa. Ngunit napukaw ang atensyon niya nang dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto.

“My Lady.” Boses ’yon ni Amara.

Sinara naman niya ang hawak na libro. “Come in.”

Pagkapasok ay napatungo ito sa kaniya. “Your lunch is ready,” imporma nito.

“Alright.”

Tinabi muna niya ang binabasang libro bago lumabas. Doon ay naabutan niya si Finn na naghihintay.

Malalim siyang napabuntonghininga. Maging si Levi kasi ay hindi pa rin nakakabalik mula sa misyon nito. Selene silently hopes that nothing bad will happen to him.

Tahimik lang siyang nakasunod kay Amara. Pero napakunot noo si Selene nang mapansin niya na hindi patungo sa dining hall ang daan na tinutumbok nila.

“Where are we headed to?”

Nakangiti naman siyang nilingon ni Amara. Sa hindi niya malamang kadahilanan ay bakas ang excitement sa mukha nito.

“You’ll see, My Lady. It’s a surprise from Your Grace. Sayang nga lang at hindi po agad ’yon natapos bago siya umalis.”

Mas lalo namang lumalim ang gatla sa kaniyang noo. Apollo’s surprise to her? Now, she’s curious. It seems that the Duke has a lot of surprises hidden under his sleeves.

Dahil mukhang wala namang balak ang mga ito na sabihin sa kaniya ang tungkol sa bagay na ’yon ay hindi na siya nag-usisa pa.

Hindi nagtagal ay nakalabas na sila ng mansyon. Hanggang sa simulan na nilang tumbukin ang daan na hindi pamilyar sa kaniya. Sa totoo lang, sa mahigit isang buwan niyang pananatili roon ay hindi pa rin niya lubusang naiikot ang buong duchy.

Pero nanlaki na lang ang kaniyang mga mata nang biglang tumigil si Amara sa harap ng isang pinto. Sa labas nito ay nandoon naman si Emil na tila hinihintay ang pagdating niya.

He bowed his head, then opened the door in front of them. “Please come in, My Lady.”

Selene’s lips parted in awe the moment she entered the glass greenhouse. She roamed her eyes all over the place. Everything around her is just fascinating and magical. It’s as large as a house with a high roof, surrounded by different plants and flowers. Artificial grass has been laid on the floor that it feels so comfortable to walk on. There are even butterflies flying around freely. A pond and artificial waterfall on the sides.

In short, paradise.

“Matagal na pong hindi ginagamit ang lugar na ’to. But the Duke noticed that My Lady has been fond of flowers and nature while enjoying a cup of tea every morning. That’s why the Duke has ordered for this place to be renovated as soon as possible just for you, My Lady,” paliwanag ni Emil.

Wala sa loob na napahawak siya sa kaniyang dibdib. Tila ba nakikipagkarera na naman ang puso niya ngayon.

Just for me?

Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Sa gitna ng greenhouse ay bumungad naman sa kaniya ang mahabang mesa na mayroon ng nakahain na samot saring mga pagkain. But what caught her attention the most were the two people sitting across from each other.

“Mother! Father!” hindi makapaniwalang tawag niya sa mga ito.

They both rose to their feet the moment they saw her and welcomed her with open arms.

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon