Chapter 33: The Dark Wizard

207 20 3
                                    

Chapter 33: The Dark Wizard

NAPAKUYOM ng kamao si Selene. She doesn’t have a good feeling about this.

“Really, I don’t know what you’re talking about. My name is Selene Quincy and not Lilian.” She forced a smile.

Adeline let out a humorless laugh, then glared at her.

“You’re just a side character. A villain who’s bound to die in the hands of your now beloved fiancé.” In a snap of a finger, the demure and sweet Adeline has been gone.

“And yet you took everything that’s supposed to be mine!”

Akmang hahawakan siya nito nang biglang umilaw ang suot niyang kuwintas. Kaya naman ay mabilis niyang inangat ang kaniyang kaliwang kamay upang tabigin ito kasabay ng pagbukas ng pinto sa balkonahe.

Hindi naman malakas ang naging pagtabig niya rito pero gano’n na lang ang gulat niya nang malakas itong mapasalampak sa sahig. Adeline even twisted her own ankle!

Marahas siyang bumaling sa mga bagong dating. It was Apollo and Cadmus. Sa likod ng mga ito ay nandoon sina Ophelia at Venus na bakas ang gulat sa mga mukha.

Dali-dali namang dinaluhan ng dalawang babae si Adeline.

“Oh my! Are you alright?” nag-aalalang tanong dito ni Ophelia bago siya tinapunan nang masamang tingin. “Why did you do that? Ganoon ka ba kainggit kay Lady Adeline para itulak mo siya?”

Napamaang siya nang dahil sa sinabi nito.

Ano raw? Inggit siya kay Adeline? Nagdedeliryo ba ’to?

Bago pa siya makapagsalita ay mabilis ng humarang sa tapat niya si Apollo.

“Don’t jump to conclusions yet, Lady Ophelia. There must be a reason why my fiancée reacted that way.” Mapanganib ang tono ng boses nito.

Kinagat naman ni Ophelia ang ibabang labi. Pilit na itinatago ang nararamdamang takot sa Duke.

“Apologies, Your Grace. But I hope you won’t turn blind to what happened just because Lady Selene is your fiancée,” buong tapang nitong saad.

“Your Highness! This is a disrespect to the future crown princess!” aniya naman ni Venus kay Cadmus na biglang napakurap na tila ba saka lang natauhan.

Agad naman itong lumapit kay Adeline upang alalayan ito sa pagtayo.

“Lady Ophelia and Lady Venus, it’s alright. I’m sure Lady Selene didn’t mean—ouch!”

Adeline frowned as she touched her swollen ankle. Bakas sa mukha nito ang kainosentihan na tila ba bigla na lang maiiyak anumang oras.

Nang dahil sa nangyayaring kaguluhan ay unti-unti ng dumarami ang mga tao na nanonood sa kanila.

Selene looked at Adeline in disbelief. Parang kanina lang ay naka-bitch mode ito pagkatapos ngayon ay tila ba isa itong maamong tupa.

“Lady Adeline, it’s because you’re too kind; that’s why you’re being taken advantage of.” Ophelia clenched her fists as she looked back at her. “Lady Selene, you should at least apologize!”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Why would I? In the first place, I didn’t do anything to apologize.”

“Lady Selene, what really happened here?” tanong naman sa kaniya ni Cadmus.

Walang emosyon niyang sinalubong ang tingin nito na hindi mababakasan ng kahit anong pang-aakusa. Bagkus ay puno ito ng pag-aalala.

“Whatever conclusion you have based on what you saw, then that’s it, Your Highness. Apologies for my insolence, but I won’t bother explaining my side.” Hinawakan niya ang dulo ng suot na coat ni Apollo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon