Chapter 7: The Invitation

131 5 1
                                    

Chapter 7: The Invitation

KASALUKUYANG nagbabasa si Selene ng libro tungkol sa history ng Granville Kingdom. Ayon kasi kay Holly ay mayroon siyang exam tungkol doon kinabukasan. Pero kahit alam niya na magagawa naman niyang masagutan ’yon ay minabuti na lang din niyang pag-aralan ito para sa sariling kaalaman. Tutal ay wala na rin naman siyang ibang ginagawa sa oras na matapos na ang mga klase niya.

Natigilan lang siya nang mapabaling ang atensyon niya kay Levi na tahimik lang na nakatayo sa isang tabi.

“Sir Levi,” untag niya rito.

Agad naman itong lumingon sa kaniya. “Ano po ’yon, My Lady?”

Selene taps the space beside her. “Puwede kang umupo rito sa tabi ko. Ako ang nangangalay sa ’yo, eh.”

Sa totoo lang ay naiilang pa rin siya sa presensya nito. Sanay kasi si Selene noon na siya ang nagbabantay at hindi siya ang binabantayan.

“Ayos lang po ako, My Lady. Wag n’yo po akong alalahanin.”

“Alright.” She shrugged when she suddenly remembered something. “Gaano katagal ka na sa poder ng Duke?”

Selene actually knows the answer to her own question. Pero dahil sa nakabibinging katahimikan na bumabalot sa kanila ay naisipan na lang niyang magbukas ng paksa na puwede nilang pag-usapan.

“Bata pa lang po ako ay kilala ko na ang pamilya ng Duke. Personal knight din po kasi ng yumaong Duke ang tatay ko.”

Napatango-tango naman si Selene. “Matagal na rin pala.” Kung hindi siya nagkakamali ay halos kaedad lang ito ni Apollo.

Sa pagkakaalam din niya ay si Levi ang nangunguna sa ilang libong knight na mayroon ang House of Heinrich. Mukha man itong kalmado at maamo sa panlabas na anyo ay nag-iiba naman ang ekspresyon nito kapag nasa gitna na ng laban katulad na lang ng Duke.

Because of his swordsmanship skills, Levi has already been sent to war at the early age of thirteen. Rumor has it that he’s like a madman on the battlefield whose thirsty on blood. He would slay his enemy to his heart’s content, and until his sword has been filled with blood.

But Selene couldn’t just imagine those things as she stared at Levi’s innocent face.

Hanggang sa isang iglap ay biglang sumagi sa isip niya ang gabi noong may nagtangka sa buhay ng Duke.

“May tanong pa ako. You may or may not answer if it’s confidential, though.” Nakatitig lang sa kaniya si Levi kaya nagpatuloy siya. “Hindi naman sa pangingielam pero may ideya na ba kayo sa kung sino ang may pakana ng nangyaring pag-atake sa Duke noong banquet party niya?”

Tipid naman itong ngumiti. “Wag po kayong mag-alala, Lady Selene. Mayroon na po kaming lead sa kung sino ang may pakana sa nangyaring pag-atake. Pero kumakalap pa po kami ng sapat na ebidensya ng Duke.”

Kahit papaano ay tila nabunutan siya ng tinik nang marinig ang impormasyon na ’yon. Ilang gabi na rin kasi niyang iniisip ang tungkol sa pangyayaring ’yon. Hindi niya kasi alam kung paano niya ba magagawang ilalaglag ang kalaban nang hindi niya mismo direktang sasabihin kay Apollo kung sino ito. Mahirap na at baka pagdudahan pa siya nito.

“That’s good to hear. I believe those assassins from that night are already suffering from their crimes on Belgrade Tower.”

Hindi naman ito umimik at muli lang siyang nginitian.

Belgrade Tower is a prison jail located at the isolated island near the south border of Granville. Napaliligiran ito ng dagat. All of the high-class and deadly type of criminals are being thrown in that place. Kaya kapag doon ka pinatapon ay wag mo ng asahan na makakalabas ka pa.

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon