Chapter 31: Glimpse of the Past
HINDI napigilan ni Selene ang mapahikab habang tinutulungan siyang mag-asikaso ni Amara.
“My Lady, kumusta na po ang pakiramdam n’yo? Ang sabi po kasi ni Duke ay sumama po ang pakiramdam n’yo pagkauwi natin galing sa festival. Kaya mula po no’n ay hindi po muna niya kami hinayaang pumasok sa kuwarto n’yo para makapagpahinga ka po nang maayos at hindi maistorbo.” Biglang lumungkot ang mukha nito at tila ba maiiyak. “Sobra po kaming nag-alala sa ’yo. Siguro po ay nabigla rin po kayo sa ginawa n’yong target shooting.”
Hindi napigilan ni Selene ang mapasimangot. Baka ang ibig sabihin ng Duke ay para hindi sila maistorbo at anong para makapagpahinga? Samantalang wala naman itong ibang ginawa kung hindi pagurin siya na para bang gusto lang nitong mapirmi siya sa loob ng kuwarto. Mas lalo namang walang kinalaman ang pagsali niya sa target shooting. Ni hindi nga siya nakaramdam ni kaunting ngalay roon.
Malalim siyang napabuntonghininga. Sa totoo lang ay masakit pa rin ang katawan niya nang dahil sa kababalaghan na ginawa nila ni Apollo. Pero gusto na niyang makalabas sa kuwartong ’yon.
“I’m fine now. Kaya wala na kayong dapat na ipag-alala pa,” paniniguro niya rito.
Pinagsiklop naman ni Amara ang dalawang kamay bago malawak na napangiti. “That’s good to hear, My Lady. I’m sure Your Grace is also happy now that you’re finally okay. He must be waiting for you in the dining hall already.”
Napangiti na lang din siya bago tuluyang tumayo. Ngunit sa pagbukas niya ng pinto ay gano’n na lang ang gulat niya nang biglang bumungad sa kaniya si Apollo. Nakakrus ang mga braso nito habang nakasandal sa pader na tila ba kanina pa siya hinihintay.
“What are you doing here?” takang tanong niya rito.
Umayos na ito ng tayo. “I’m here to pick you up.”
Napairap naman siya. “Kaya kong pumunta sa dining hall mag-isa.”
Akmang lalampasan na niya ito nang walang paalam siya nitong biglang binuhat. Bridal style.
“Hey! Bring me down! Nasasanay ka na masyado na buhatin ako, hah.” Sa pagkakataong ’yon ay pilit na siyang nagpumiglas.
“I can walk!” pagpupumilit pa niya nang hindi ito matinag at nagpatuloy lang sa paglalakad.
“I know that you have recovered already.” Bahagya nitong inilapit ang mukha sa kaniya at bumulong. “But I also know that you’re still sore down there.” He winked.
Namilog naman ang mga mata ni Selene bago kinakabahan na nagpalinga-linga sa paligid. May iilang katulong silang nadaanan na naglilinis sa hallway habang nakasunod naman sa likod nila si Amara. Ngunit tila wala namang narinig ang mga ito na lihim niyang ipinagpasalamat.
“Watch your mouth! Nakapakaeskandaloso mo!” mahinang saway niya rito.
Napangisi ang loko. “You always amazed me by your choice of words as well, My Lady.”
Selene groaned in frustration, then facepalmed. “This is really embarrassing!”
Ngunit natigilan siya nang marinig ang malalim na paghugot ng hininga ni Apollo.
“Just let me do it. Since you’re already capable and knowledgeable when it comes to fighting and protecting yourself, I can’t help but wonder if there’s still something that I can do for you.”
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin dito.
“So can’t you at least pretend that you’re weak and in need of my help sometimes? That way, I can do something and be useful to you.”
BINABASA MO ANG
The Luna is a Villainess
FantasyThe Luna is a Villainess (Ongoing) Lilian Ledger is one of the Falcon Mafia's top assassins. She's well known for her code name 'Luna' in the underground society due to the symbol of the moon on the hilt of her swords and her ethereal beauty. But no...