Chapter 29: The Truth

202 13 4
                                    

Chapter 29: The Truth

TAHIMIK lang si Apollo habang nasa daan sila pauwi. Si Selene naman ay halos mabali na ang leeg sa pagsilip sa bintana. Magmula kasi ng sumakay sila sa loob ng karwahe kanina ay ramdam niyang nakatitig lang ito sa kaniya na tila ba pinag-aaralan siya.

“I have something to tell you once we get home.”

Ito ang naging tugon niya sa mga tanong ni Apollo kanina. Magmula naman no’n ay hindi na ito umimik pa.

She hates that awkward situation.

Pagkarating nila sa mansyon ay agad niyang tinahak ang direksyon papunta sa kuwarto niya. Ngunit bago siya kumanan sa dulo ng hallway ay natigilan siya nang biglang nagsalita si Apollo.

“We have something important to discuss with. The three of you can just stay here for a while.”

“Yes, Your Grace,” rinig niyang sagot ng tatlo.

Malalim naman siyang napalunok habang nananatiling nakatalikod sa mga ito. So it would really be just the two of them.

Pagkarating niya sa kuwarto ay agad siyang napaupo sa dulo ng kama habang si Apollo naman ay diretsong umupo sa couch na nandoon. Diretso lang ang tingin nito sa kaniya.

“Alright. Let me hear it now.”

Selene clenched her fists. It’s now or never. Wala na siyang pakielam kung maniniwala man ito sa kaniya o hindi.

She took a deep breath before she faced Apollo and met his golden orbs. “I’m not the real Selene.”

Inabangan niya ang magiging reaksyon nito. Pero tila ba hindi man lang ito nagulat nang dahil sa naging rebelasyon niya.

She knew it. Sa totoo lang ay ramdam na niyang naghihinala na ito sa kaniya. Pero hindi lang siguro ito makakuha ng pagkakataon para kumprontahin siya. O marahil ay hinihintay lang nito na siya ang unang magbukas ng paksa tungkol doon.

And now he finally saw a chance.

Hindi ito umimik na tila ba inuudyukan siya na magpatuloy. Selene can’t help but wonder if he could still maintain his calm composure on her next revelation.

“This may also sound absurd, but I’m from a different world. And this world where my soul transmigrated is a setting from a romance fantasy novel that I read.”

Sa pagkakataong ’yon ay napakunot noo na si Apollo. She finally piqued his interest. “This is a world inside a novel?”

“Yes.” She rolled her tongue on her dry lips. “And you’re the male lead.”

Napakurap-kurap ito bago natawa na tila hindi makapaniwala. “I am? But I don’t think I have the qualities to become a male lead.”

Hindi niya pinansin ang pagbibiro nito. “And the female lead of this story is Adeline Griffith,” pagpapatuloy niya bago mahigpit na napahawak sa tela ng suot niyang dress.

Natigilan naman ito at biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha.

“My real name is Lilian Ledger. I know that you’re already suspecting how I learned to wield a sword and now a gun.” She put her right hand on her chest as she looked at him with confidence. “This is something that I shouldn’t be proud of, but I’m an assassin of a mafia family in my world. To make it worse, the family head of that mafia clan is the one who also killed my parents.”

“Mafia?”

“Yes. It is a secret criminal organization that engages in illegal activities,” she explained.

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon