"Aelly (Eyli) bumalik ka nga rito at kinakausap pa kita " medyo napasigaw na sabi ni rothner.
Huminto ako saglit ng paglalakad saka muling humarap sa kanya na luhaan.
"Alam ko OK mali itong ginagawa ko. pero utang na loob rod palayain mo na ako!" napabitaw siya sakin habang lumuluha na rin ito.
Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko sa pananakit ng kanyang damdamin o hindi kase nakakasakit na rin ako sa pagiging selfish ko.
"Ganon ka na ba talaga kamanhid ni kahit kaka-unti wala kang pagmamahal sakin o kahit na sabihin na nating malasakit man lang?"
Mahina nitong sabi habang luhaan parin. sa puntong din yun natahimik ako at tila ba may kumukurot sa aking dibdib.
"Hindi ko alam rod (rothner) hindi ko masasagot yan pasensya na" tanging sinabi ko lamang habang naglakad papalayo sa kanya.
"Aelly wag mo naman gawin sakin ito" pahabol niya habang napaluhod ito at umiiyak.
Tuloy-tuloy lang ang aking paglalakad hanggang sa naka abot ako sa bahay ng aking matalik na kaibigan.
Uminom kami at panandaliang kinalimutan lahat ng sakit at pangamba na nararamdaman ko sa araw-araw.
BINABASA MO ANG
MISTAKES
RomansaGaano nga ba kadali ang magmahal? manakit at lumimot? Kaya bang iwan ang taong mahal mo dahil sa karangyaan na para sa ikabubuti ng pamilya mo? O ... Kaya mong saktan kahit pa ang mismong nagmamahal sayo ng walang labis at kulang? Sino nga ba ang ma...