Chapter 22

5 3 0
                                    

AELLY POV

Ano ba naman yan vince bakit ayaw niyang sagutin mga tawag ko. hindi ako mapakali sa ginawa niya kaya pinakalma ako ni mama habang si papa naman at clifford inaayos yung motor upang gamitin namin.

Nabilhan ko na kase ng bagong gamit kaya pwede na siyang gamitin kaysa naman itapon pa namin sayang din naman at mapakikinabangan pa namin.

"Anak kalma ka lang okay? kilala naman natin pagkatao ni vince alam natin na wala siyang gagawing masama sa anak mo" sa puntong yun napakalma ako at inisip na tama nga si mama na mali ang naiisip ko.

Narinig kong umandar yung motor at tinawag na din ako ni clifford na bihasa na sa pagmamaneho. tinuruan kase siya ni papa para kung sakaling may emergency makakatulong siya.

"Ate tara na" rinig kong tawag niya at lumabas na kami.

Habang nasa kasalukuyan kaming biyahe napaisip ako bigla at bumalik sa aking alaala na may nabanggit kagabi sakin si vince.

"Maniwala ka ey, magiging mas maayos ang lahat bukas. pinapangako ko yan sayo" yan ang nagpaalala sakin kaya sinabihan ko si bunso na dumiretso sa simbahan.

11 PM ng makarating kami sa location ng magiging kasal ni rod at sab and kita naman sa mga sasakyan na nakaparada mga bisita nito.

Dahan dahan akong bumaba sa motor habang kinakabahan. hindi ko kase alam kung paano ko sila haharapin lahat kung sakali mang inilahad ni vince ang anak ko sa pamilya ni rod.

"Ate maghihintay ako rito" sabi ni clifford habang inaayos yung nasirang parte ng motor kakamadali namin makarating dito.

Iniwan ko siya hindi kalayuan sa simbahan at ako naman nagpatuloy sa paglalakad. malayo layo palang ako ng may batang lalaki ang tumawag ng pansin ko habang hawak ng isang lalaking may suot pang-kasal.

Kumaway ito habang kita sa mga mata at labi nito kung gaano siya kasaya. biglang lumakas ang tibok ng aking puso sa kaba at hindi ko maipaliwanag kung bakit sila magkasama.

Para akong naging estatwa nung sandaling magkita kami ulit. tumakbo palapit sa akin ang aking anak habang bakas parin ang tuwa sa kanyang mukha.

"Mama, nakita ko na si mr. Pogi na nagbigay sakin ng robot ko" maligayang sabi nito sakin. tumingin naman ako kay rod at maging siya hindi makapagsalita at makagalaw.

"Anak dun ka muna kay tito clifford mo huh?" tumango ito habang nilapitan ang noo'y kakarating lamang ni bunso at sinabihan na ilayo muna si rodlley dahil may pag uusapan kami ni rod.

Nakapagdesisyon na si rod na lapitan ako at hindi ko parin alam kung saan sisimulan ang bawat pangyayari simula pa noon. hindi ko alam kung paano ilalahad sa kanya yung buong katotohanan.

"Bakit hindi mo inamin sa akin na nagkaroon pala tayo ng anak?" mahina ngunit naririnig kong sabi niya. medyo natagalan ako sa pagsagot ko habang nanginginig ang buo kong katawan.

Bago pa man ako sumagot huminga muna ako ng malalim saka humarap sa kaniya.

"Ano pa bang dapat kong sabihin sayo rod? wala din naman halaga kung sabihin ko man sayo o hindi dahil ito na ang araw ng kasal mo" nagpipigil ako ng mga luha ko ng sandaling iyon at for once marunong naman silang makisama.

"Ey, hindi ko alam kung ano ba talaga tingin mo sakin. hindi ko rin alam kung saan ba talaga ako nagkulang para ipadanas sa akin ang ganitong sakit" sa puntong yun nararamdaman ko na yung pighati sa puso ni rod at nag umpisa ng magsipag tuluan mga luha niya.

"Wala kang pagkukulang rod maniwala ka" sabi ko habang pinipigilan parin sarili ko sa pag iyak.

"Ey kung wala bakit mo pinaparanas ang sakit tulad nito? bakit mo kinailangan itago sa akin na may anak tayo! sa tingin mo kapag nakasal ako kay sab at late ko ng malaman ito anong mukhang maihaharap ko sa inyong dalawa ng ating anak?" wala parin tigil ang pagluha niya at hindi ko na din pa napigilan ang akin.

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon