Chapter 20

2 3 0
                                    

AELLY POV

Bukas na ang magaganap na kasal nina rod and sab at heto ako wala paring alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin.

Tatanggapin ko na lamang ba ito?

Hahayaan ko na lamang bang makasal ang taong mahal ko sa iba?

Maraming katanungan ang pumapasok sa aking isipan habang hindi ko matapos tapos ang pagtutupi ng aming mga damit.

"Ey! kung mahal mo talaga si rod gawin mo ang lahat para mabawi siya. alam ko nakakapanibago man marinig mula sa akin ito. ngunit, ayoko naman na nakikita kang nasasaktan at nahihirapan pa. bawiin mo ang para sa iyo at aminin sa kaniya na may anak kayo"

Bumalik sa aking isipan muli ang mga sinabi sakin ni vince ilang araw nakararaan after naming mamasyal sa dagat kasama ng aking anak.

Hindi ko na namalayan pang nagsipag patakan ang aking mga luha at tinapos kaagad ang aking gawain bago sumapit ang gabi at tila uulan pa.

Nasa 6 PM ng mapagdesisyonan kong puntahan si rod sa kanilang mansyon. malayo pa lamang ako tanaw ko na iyong magagandang ilaw na nakapalibot sa kanila.

"Wait Aelly sigurado ka ba sa gagawin mo?"

Napapatanong ko sa aking sarili habang pinipigilan ang paa kong huwag munang maglakad.

Napabuntong hininga ako sa mga oras na yun at naghintay ng pagkakataon upang maka usap si rod ng mag isa.

Lumingon ako sa aking orasan at maghihigit isang oras na ako rito at tila nagpapahiwatig na ang mga ulap na anumang oras magpapaulan ito.

Muli kong nilingon ang mga mata ko at sa pagkakataong yun may kotseng papalabas at dahan dahan naman akong lumapit upang abangan siya sa may exit.

Muli akong bumuntong hininga habang naghihintay.

"Kaya mo yan aelly!"

Muli kong sabi sa aking sarili at doon nagulat siya ng bigla akong bumungad sa harapan niya at inihinto yung kotse niya saka lumabas.

Nagulat siya nung makita niya ako at hindi ko alam kung ano bang hakbang o katagang dapat kong sabihin sa kanya.

"Bakit ka naririto Aelly?" cold niyang tanong sakin habang naka hawak sa window ng kanyang bukas na kotse.

"R-rod ...ano-o kase ...ahm-m" hindi ako makapag salita ng maayos at tila nabubulunan ako kapag nakakausap siya ng malapitan.

"Aelly, may importante pa akong pupuntahan" medyo nasasaktan ako sa mga salita niya na para bang wala na talaga siyang paki sa akin. wala din naman akong karapatan magreklamo dahil kasalanan ko naman.

"Sa kasal-l mo ba yung sinasabi mong importante?" medyo gulat siya at maging ako dahil hindi ko lubos maisip na sasabihin sa kanya ng pabigla bigla ang ganon.

"How did you know?" pagtataka niya dahil wala siyang alam na binigyan ako ng imbitasyon ni sab matapos mahanap ang aming tirahan.

"Hindi naman mahalaga kung sino nagsabi at kung saan ko nalaman yun rod. totoo bang pakakasalan mo si sab?" tanong ko habang hinihintay sagot niya. tahimik ito ng mga sandaling iyon at naghihintay parin ng kanyang maisasagot at umaasa na sana hindi yun totoo.

"Tama ka. hindi naman mahalaga kung saan mo nalaman ang tungkol dito. hindi rin naman mahalaga pang ipaalam sayo dahil hindi ka parte ng aming kasal" nasaktan at nabigla ako ng sobra sa isinagot niya. biglang tumulo ang mga luha ko habang pilit na pinipigilan ang mga ito.

"T-tama ka nga. tama ka ...per-" hindi ko na natuloy pa mga dapat kong sabihin sa kanya ng bigla siyang kumalas sa paghawak ko sa kanyang mga kamay.

"Hindi ito maganda sa paningin ng aking magiging asawa. ayoko na muling saktan pa siya kaya kung maaari lang aelly ayoko ng makita ka pa" sabay na nagsipag patakan ang aming mga luha matapos niyang sambitin ang ganon.

Akma siyang aalis ng mga oras na yun ng sambitin ko ang katagang ...

"Mahal kita Rod! sobrang mahal na mahal" muling nagsipag patakan ang aking mga luha.

"Mahal-l?" lumingon ito sa akin habang maluha luha na din ito.

"Sobra-a" wiping tears

tumawa siya habang naiiyak ng sandaling din iyon at hindi ko alam kung naniniwala siya sa mga sinabi ko.

"Sobra?" laughing while crying deep

"Mahal mo ako? ...Aelly utang na loob huwag mo na akong paglaruan pa!"napalakas ang sigaw ni rod kasabay nun ang mabilis na pagtulo ng aming mga luha.

"Pero yun ang totoo Rod!" maluha luha kong sigaw sa kanya.

"Hanggang kelan mo ba ako gaganituhin Aelly? hanggang kelan?! di ba sabi mo nais mong maging malaya at natatandaan ko pa nga noong sinabi mong hindi mo ako mahal dahil nag iisa lang diyan sa puso mo si vince!" patuloy na pag agos ng mga luha.

"Oo noon yun Rod! ...per-" hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko ng pigilan niya akong magsalita.

"Alam mo ba Aelly. sa totoo lang nakaramdam ako ng kahit kakaunting kasiyahan ng sabihin mo sakin na mahal mo ako. ngunit, ey. niloko at sinaktan mo ako ng sobra sobra. hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sayo o kaya pa kitang pagkatiwalaan matapos ang lahat" lumapit ako sa kanya habang hawak ang pisngi nito at ramdam ko yung sakit na naramdaman niya noon.

"Ngunit nagsasabi ako ng totoo-o rod maniwala ka" bumagsak ang mga luha niya sa aking pisngi habang hinigpitan ko pagkakahawak sa kanya.

"Ikakasal na ako bukas ey. sana maging masaya kana lang sa amin ni sab tulad ng ginawa ko para sa inyo ni vince. ito na ang huli nating pag uusap at pagkikita sana huwag muna ulit guguluhin pa ang buhay ko. pagod na akong masaktan at pagod na din akong pagkatiwalaan ka pa" napabitaw ako sa mga sinabing iyon ni rod at hindi ako makapaniwala na sa kanyang bibig mismo nanggaling lahat ng yun. sobramg sakit lang na hindi na niya ako pinaniniwalaan.

Lumakad siya ng dahan dahan habang binubuksan ang kaniyang kotse. ngunit bago pa man ito umalis may sinabi siyang kataga na hinding hindi ko malilimutan.

"Pagod na akong mahalin ka pa"

Sa bawat salita na iniwan sa akin ni rod paulit ulit na bumabalik sa akin lahat ng sakit.

Nais kong matamaan ng malakas na kidlat at lunurin ng malakas na agos na ngayon nakikiramay sa aking dalamhati.

Mabilis na pinatakbo ni Rod ang kaniyang kotse habang ako nalulunod sa pighati na dulot ng aking kataksilan.

Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya sa totoo lang.

Pero, ng sabihin niya sa akin na sana maging masaya nalang ako para sa kanila ni Sab.

Lahat ng iyon nawala na parang bula na kahit pag amin sa kanya na mayroon kaming anak hindi ko na nasabi pa.

Napasandal na lamang ako sa gilid habang patuloy parin sa pagbuhos ng luha at ng malakas na ulan.

..........................................
...................................
............................
Ito ang pagwawakas na inyong kakapitan hanggang huli dahil may mga pasabog na dapat ninyong abangan!

Sino nga ba ang magkakatuluyan hanggang dulo?

Sino ang mamamaalam?

Ano ang magiging kapalaran ng mga taong nagmamahalan?

Lahat ng iyan ay inyong malalaman kung kayo'y patuloy na tututok sa kwentong umangkin ng inyong mga mata charrr

ABANGAN!🤗

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon