Chapter 25

7 3 0
                                    

Makalipas ang isang buwan at nandito kami ngayon sa public school upang dito I-enrol si rodlley.

Kontra man dito ang mga magulang ni rod ngunit wala din naman silang nagawa pa dahil ito ang desisyon na gusto ko.

Desisyon ko kasing hindi ilagay ang aking anak sa isang karangyaan upang mas matuto siya sa kaniyang buhay. ito man ang napili kong buhay para sa kaniya ngunit hindi ko pa rin inaalis ang karapatan na kahit paminsan minsan maramdaman niyang hindi siya salat sa hirap.

Ang tanging hangad ko lamang ay simpleng buhay na kasama sila at doon sobrang kuntento na ako. hindi na ako naghahangad pang karangyaan.

"Mama ano po gagawin natin dito? kasama ko po ba kayo sa school namin?" saad niya in cute ways.

Umupo ako saka tumabi sa kanya habang hawak mga kamay nito. pinaliwanag ko sa kanya lahat kung anong gagawin at hindi dapat sa kaniyang classroom.

Nakikinig naman ito at alam kong gagawin at susundin naman ng aking anak lahat ng habilin ko dahil napaka masunurin niyang bata.

Hindi nagtagal agad namang pinapasok matapos namin silang I-enrol. dito kase once na nag enrol ka, papasok kana ka agad. hindi ito tulad sa ibang paaralan na maghihintay pa ng ilang linggo o kaya buwan bago ang pasukan.

Ayaw ko man iwanan mag isa sa loob ang aking anak dahil sa awang nakikita ko sa kaniyang mga mata na tila sinasabi sakin na huwag ko siyang iwan dahil ito ang kauna unahang beses na nakayapak siya sa eskwelahan.

Naghintay ako sa labas at nagkaroon naman ako ng mga bagong kaibigan saka kami nagkwentuhan. andami kong nalaman sa buhay nila maging sa buhay ko.

Well, hindi naman lahat lahat siyempre, may privacy pa din naman dahil hindi pa kami ganoong ka-close.

Sumapit ang alas onse ng umaga at lumabas na ang aming anak bitbit ang kaniyang maliit na bag.

"Anak akin na yan"

Kinuha ko yung bag niya saka ko isinabit sa aking balikat at naglakad na palayo sa kanilang classroom.

Hindi pa man kami nakakalayo sa eskwelahan ng may isang lalaki ang lumapit sa akin and pilit niyang kinukuha number ko kahit pa maka ilang beses ko na itong tinaggihan at sinabing pamilyado ako.

Nahinto lamang ang kaniyang pangungulit ng sandaling dumating si rod sakay ng kaniyang motor. hindi na niya kase ginagamit ang kotse niya simula nung nanirahan siya sa amin.

"Sino yung lalaking yun mahal?"

Tumawa lamang ako saka siya ininis na manliligaw ko. batid ko sa kaniyang mukha ang selos kaya naman mas lalo ko siyang inasar.

"Dad kinukuha nung guy yung number daw po ni mama"

Sabat naman ng aming anak habang kita din sa kanya yung inis. para kasing alam niya at naiintindihan na niya yung sitwasyon.

"Anak kapag nagkita ulit kayo at kinukulit niya si mama mo suntukin mo ah?"

Sinipa ko naman si rod dahil sa sinabi niyang yun. alam ko naman na hindi naman sineseryoso ni rod yun pero hindi naman kase tama na turuan siya sa bagay na yun.

"Sige po daddy. si mama at ikaw lang dapat po di ba?"

Nakangiting sabi nito habang kinakain yung dalang burger ni rod para sa amin.

"Goodboy anak... pero joke lang yun ha?"

Paliwanag naman nito habang pinapaandar yung motor niya. sumampa na ako habang si rodlley naman nasa harapan at tila siya yung nagmamaneho.

Ang saya ko dahil ito ang bunga ng lahat. sana lagi nalang kaming ganito at sana wala ng problemang dadating.

SOMEONE'S POV

"Hello?"

"Kailan ka babalik rito? alam mo bang nagpapakasaya ngayon yung kalaban natin"

Nakaramdam ako ng inis at hindi parin ako makapaniwala sa sinapit kong ito. hindi ako makakapayag na magiging ganito na lamang ako habang sila masaya.

"Don't worry, i won't let them happy dahil sa aking pagbabalik muli kong ipaparanas ang mala impiyernong buhay na dapat nilang pagbayaran!"

Ibinaba ko ang telepono habang galit na galit sa aking nababalitaan mula sa pilipinas. hindi ako makakapayag na maging maligaya sila.

Hindi ko matatanggap ang ginawa nilang ito sa aking buhay.

Lahat ng hirap!

Lahat ng kahihiyan!

Lahat ng sakit na ipinadanas nila sakin!

Pagbabayaran ko sila!

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!

-Malakas na sigaw habang pinagbabasag ang mga kagamitan sa kaniyang room.

A/N: sa tingin niyo sino siya?

Anyway, don't forget to vote and free to share it guys with your friends to read.

Thank you and enjoy reading!🤗
-from yours truly atGonz

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon