"Ano pa bang hinihintay niyo!? magsipag kilos na kayo at tumawag pa ng rescue team!" naririnig kong utos ng nakatataas sa kanila.
"Masusunod sir!" narinig kong tumawag ang ilan sa kanila habang yung iba nakatingin sa bangin kung saan tumilapon ang sinasakyan ng aking asawa kasama si sab.
Pilit man nila akong pinakakalma ngunit paano ko magagawa yun kung ang taong mahal ko ang involved sa pangyayari.
Hindi ko mapatatawad ang aking sarili sakali mang may mangyari sa kanya. pilit ko man din pinakakalma ang aking sarili ngunit hindi ko magawa.
Nagdaan ang ilang minuto at tila wala ng pag asa pang natitira. nakatingin ako sa bangin habang isinisigaw ang pangalan ng aking mahal.
Hindi kalayuan sa aming kinatatayuan may isang babae ang biglang tumawag sakin at sa pagharap ko. hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.
Isang babae ang dahan dahan naglalakad habang ito'y papalapit sa aking kinaroroonan. tila nabunutan ako ng tinik sa bawat ngiti niyang ipinapakita.
"M-mahal?"
Tumulo bigla ang aking mga luha sa labis na tuwa ng makita ko siyang muli. walang labis ang kasiyahan ko ng bigla niya akong yakapin at muling nagdampi ang aming mga labi sa oras na yun.
"S-sorry kung pinag alala kita mahal-l" bulong nito habang nakayakap parin sakin.
"A-ang buong akala ko iiwan muna ako mahal ... labis mo akong pinakaba ng sobra sobra" medyo nauutal na ako at wala akong pakialam sa ganon basta ang alam ko masaya ako na nakaligtas ang aking mahal.
AELLY POV
Lumipas na ang ilang oras at nakarating na din mga tinawagang rescue team ng kapulisan. tumawag na din ang aking mga magulang, kapatid at ilan sa mga malalapit naming kaibigan dahil sa pag aalala.
Ngunit nakapanghihinayang lang dahil kung kailan nagbago si sab kahit sa ilang sandali lamang dun naman nangyari ang hindi inaasahan.
Sobrang unexpected lahat at hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pagliligtas sa aking buhay ...though kagagawan niya ito lahat. pero, hindi parin ako sang ayon sa sinapit niyang kapalaran at umaasa na buhay pa din siya.
........................................
"Aelly kahit dito man lang masabi ko sa aking sarili na kahit huli man at kahit sa maikling oras makagawa man ako ng kabutihan" habang sinasabi yun ni sab wala kaming tigil sa kakaiyak at habang kontrolado niya pa ang pangyayari ginamit niya ang isa niyang kamay upang kalagan ang pagkakatali sa aking mga kamay.
"Sab ...sabay tayo" sabi ko ngunit umiiling lamang ito.
"Aelly wala ng oras gawin mo na!" utos niya habang ako parang hindi ko kayang iwan siya sa ganitong sitwasyon.
"H-hindi ...sab please ...please naman oh kailangan mong mabuhay!" sabi ko habang wala paring tigil kakaiyak.
"Aelly... aelly makinig ka okay?! ...masyado na akong makasalanan siguro ito na ang kabayaran para kahit papaano makabayad ako sa nagawa kong pagkakamali hindi lang sa inyo kundi sa mga taong nasaktan at nadamay dahil sa aking kabaluktutan.
Aelly ... marahil ito na rin ang paraan para mapagbayaran ko ang inutang kong buhay kay vince" umiiling-iling ako habang patuloy sa pag agos ang aming mga luha.
"H-hindi ...huwag mong sabihin yan sab. may paraan pa naman alam ko napatawad kana ni vince kaya utang na loob ako'y muling nakikiusap sayo huwag mong gawin ito" humarap sa akin ng mabilisan si sab at binuksan ang window sa side ko.
"Patawarin mo ako"
Yun ang huli kong narinig sa kaniya ng sandaling itulak niya ako palabas ng kotse at doon na naganap ang parang bangungot na sinapit niya.
BINABASA MO ANG
MISTAKES
RomanceGaano nga ba kadali ang magmahal? manakit at lumimot? Kaya bang iwan ang taong mahal mo dahil sa karangyaan na para sa ikabubuti ng pamilya mo? O ... Kaya mong saktan kahit pa ang mismong nagmamahal sayo ng walang labis at kulang? Sino nga ba ang ma...