Maaga akong nagising ngayon dahil mamimili ako ng aming makakain or stocks dahil ayon sa balita magkakaroon ng malakas na bagyo.
Sa kabilang ibayo ng aming tinitirhan pinalilikas sila dahil baka raw magkaroon ng hindi inaasahang mangayayri kaya idinala sila sa ligtas na evacuation center.
Kami naman, medyo malayo naman kami sa karagatan kaya di kami maaabot ng high tide na sinasabing pwedeng makapaminsala at magdulot ng kasawian kung walang makikinig at lilikas.
Medyo mahangin hangin na sa buong kapaligiran at dinig ko mula sa kinatatayuan ko ang malakas na hampas ng alon.
Binilisan ko na lamang maglakad sa oras na yun dahil baka abutan pa ako ng bagyo. sa hindi kalayuan nakita ko yung nagmomotor saka na ako nagpahatid sa may palengke.
Tuluyan na rin kaseng nasira yung makina ng motor namin at wala kaming gaanong pera para ipaayos pa. pero, nag iipon naman para naman makabili ng panibago o di kaya naman maipagawa ito.
Mahaba haba ang pila ng sandaling iyon kaya naisipan ko munang tawagan sina mama para kamustahin ang anak ko.
Matapos ang aming usapan at nasa maayos naman silang kondisyon binaba ko na yung phone dahil malapit na ako sa cashier.
Habang abala ang lahat sa kani-kanilang gawain parang may pamilyar na lalaki ang aking nasilayan. isang lalaking nais kong makita kahit sa ganitong pagkakataon lamang.
Hinanap ko siya ng tingin ngunit bigo ako at siguro namamalikmata lamang ako dahil sa pagod.
"Ahm-m ... hi, mis ... kayo na po" sabi ng cashier at para akong nalutang sa oras na yun.
"Ah... ahm, pasensya na" sabi ko na lamang saka ngumiti.
Nakatayo ako ngayon sa waiting shed para mag abang ng masasakyan and sobrang tagal at kung meron man puno naman ito.
Napatingin ako sa orasan at pasado alas otso na ng umaga kaya naman naglakad ako. sa aking paglalakad may nakita akong "hiring" bilang waitress kaya kinuha ko kaagad yung number nito.
Nawalan kase ako ng trabaho dahil sa palagiang absent ko dahil sa lagi din akong hinahanap ng aking anak noon.
Masaya akong naka uwi ng oras na yun kase safe ako at sinalubong naman ako ng aking anak habang dala dala parin ang laruan na bigay ng isang di kilalang lalake.
"Mama binilhan mo ba ako ng donut saka candy?" nakangiti habang yakap ako sa binti.
"Oo, pwera lang sa candy" nakita kong nag iba yung awra niya dahil gustong gusto niya kase ng mga candy at ayoko naman na lagi siyang kumakain non.
"Bakit wala na naman po mama?" paawa nitong itsura. binuhat ko siya saka muling pinaliwanag na masama ang laging kumakain ng candy dahil makakasira sa kanyang mga ngipin.
Nakinig naman siya kaya naman ibinaba ko na siya saka nagpatuloy gawin ang mga dapat gawin.
ROTHNER POV
Galing ako ngayon sa may palengke and it wasn't intentionally na pumunta talaga duon. para kaseng nakita ko yung pamilyar na babae na gustong gusto kong makita.
I mean, not actually to see her to make a come back. i want to see her and ask so many questions kung bakit niya ako nagawang iwan sa panahong kailangan ko siya 5 years ago.
Hindi ko alam bakit hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung sakit na ipinadama niya sakin. ang sa akin lang noon, kahit magloko siya basta nasa aking tabi lamang siya and that's enough for me. but, she actually, gone and left me without noticed.
Bumalik akong muli sa pinapagawa naming restaurant and naghahanap na kami ng mga tauhan na kukumpleto kapag bubuksan na namin ito.
And with the prior of our main business. ipapa-manage ko ito sa aking malapit na pinsan na pangarap ang ganitong business.
Pabiyahe na ako ngayon pauwi dahil sobrang lakas na ng hangin dito na dala ng bagyo.
12 PM ng maka-uwi ako and sinalubong ako kaagad ni Sab habang bitbit yung alaga niyang aso.
"Kamusta yung pag-uusap niyo ni Matthew?" bungad naman ni mom while rolling her phone.
"Maayos naman po and i told him na siya na munang bahala doon" sabi ko na lamang at akmang papasok ako ng room ko ng pigilan ako ni sab.
"Can we talk?" ngumiti lamang ako sa kanya and i told her na pagod ako and i need some time to rest. hindi na siya kumibo pa and that's fine for me.
![](https://img.wattpad.com/cover/378175774-288-k225769.jpg)
BINABASA MO ANG
MISTAKES
RomanceGaano nga ba kadali ang magmahal? manakit at lumimot? Kaya bang iwan ang taong mahal mo dahil sa karangyaan na para sa ikabubuti ng pamilya mo? O ... Kaya mong saktan kahit pa ang mismong nagmamahal sayo ng walang labis at kulang? Sino nga ba ang ma...