"Aelly anak ko"
"Aelly?"
"Ano na po ba kalagayan niya?"
"Nasa maayos naman na siya ngunit kailangan niyang magpahinga dahil maselan ang kanyang pagbubuntis"
Nalingat ako at dahan dahang iminulat ang aking mga mata. hindi ko alam kung tama ba narinig ko na buntis daw ako.
"Do-c ... ano hong ibig niyong sabihin tama ba ang pagkakarinig ko?" dahan dahan akong bumangon saka ako inalalayan nila ate at mama.
"Yes. you're 3 weeks pregnant" nabigla kami lahat sa narinig ko at biglang nag sink in sakin lahat noong bigla na lamang akong nagsusuka a few weeks ago.
FLASHBACK
"Bitawan-n mo nga ako rod! kung sa tingin mo mamahalin kita nagkakamali ka!" natutumba tumba ako saka napasandal sa kanyang bisig.
"Mahal halika kana at magpahinga na tayo" tinakpan ko ang bibig ni rod saka siya pinagmasdan. nagpaka lasing ako ng mga oras na yun dahil sa hindi namin pagkakaunawaan.
"Alam mo ... siguro kung una lang kita talagang nakilala at hindi si vince? haha ha" saka siya hinahaplos sa mukha
"Mahal tama na lasing kana" binuhat niya ako ngunit nagpumiglas ako at muli siyang tinitigan na parang nang aakit.
"Stop!" pigil ko sa kanyang pagsasalita saka hinawakan muli ang kanyang pisngi.
"Gwapo ka naman kaya bakit ako pa yung pinipili mo sa dami ng babae sa mundo?" ngumiti lamang siya ng oras din na yun at walang pagpipigil sa hindi sinasadyang pagkakataon naidampi ko ang aking mga labi sa kanya.
"Mahal ayokong gawin natin ito ng napipilitan ka lamang" napahinto kami sa ilang minutong itinagal ng aming halikan.
"Hindi ba't heto naman gusto mo? heto na ibinibigay ko na ang aking sarili!" tumalikod lamang siya saka tumingin sa labas ng bintana.
"Mahal ganito ba talaga tingin mo sakin? Oo, gusto kong bumuo tayo ng pamilya ngunit sa hindi ditong paraan na napipilitan ka lamang" lumapit ako sa kanya at muli siyang tinitigan at walang anu ano naglapat ang aming mga labi ng sandaling iyon. lasing din siya non ngunit hindi sobra.
Nag init ang aming katawan ng oras na yun at hindi na anmin napigilan pa ang isa't isa at nangyari na ang dapat na mangyari sa amin.
"Sorry Aelly mahal ko" paghingi nito ng paumanhin habang tulala parin at nakayuko.
"Mag asawa na tayo kaya wala kang dapat ihingi ng tawad" tumalikod ako habang bumabagsak ang aking mga luha. narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan sa paglabas ni rod.
END OF FLASHBACK
Tumulo ang aking mga luha ng mapagtanto ko na nagbunga pala ang isang gabing iyon. hindi ko alam kung ano sasabihin ko at gagawin dahil sa sitwasyon namin ngayon.
Lumipas ang mga oras ng dumalaw sina sheena at ina ni rod kasama si ate chloe. pinalabas ko muna sina mama at ate para makapag usap kami ng masinsinan ni mama.
"Bes, sige kaya ko na ito" lumabas din si sheena ng oras na yun dahil na din sa kagustuhan ni mama.
"Is it true na nagdadalang tao ka?" umupo si mama matapos itanong sakin yun.
"Opo-o mama" nanghihina kong sagot.
"Myghad mom! baka anak niya yan sa ibang lalaki" sabat naman ni ate chloe.
"Hindi ako ganoong babae ate!" nanghihina kong sigaw kaya pinakalma naman ako ni mama.
"You know what... i can spare you for your wrong doings towards my only son kung hindi ka lang sana nagpabuntis sa lalaki mo!" nagpipigil ako ng mga sandaling iyon at hindi ko na madipensahan pa sarili ko dahil sa pinaniniwalaan nila.
"Mama, sa maniwala ho kayo o hindi kay rod po itong dinadala ko" muli na namang bumuhos mga luha ko saka ito pinunasan.
"Well, if you say so and you insist na anak nga ni rod yang dinadala mo. but, you can't change the fact na you cheated him and had an affair with someone else" tumayo siya at aalis na sana ng pigilan ko siya at magmakaawa.
"Nais ko pong makita si rod at nais ko din sabihin sa kanya na may anak kami" kumalas ito at tinitigan niya ako ng masama.
"Yan ang hindi ko papayagan pang muli! you will never see him again ever!" galit niyang sabi habang nagmamaka-awa akong muli.
"Ma, may anak ho kami" pinilit kong makatayo at lumapit sa kanya ngunit hindi ko magawa dahil hinang hina ako.
"Heto ang tatandaan mo Aelly! sa oras na ipaalam mong may anak kayo ni rod. hindi lang kulungan ang aabutin mo at sisiguraduhin ko din mawawalan ng kahit anong matutuluyan ang pamilya mo tulad ng ginawa na namin" pagbabanta nito.
"Ang sama sama niyo!" tumawa siya habang masama ang tingin nito sakin.
"Masama? hindi ba dapat magpasalamat ka pa nga sakin dahil ibinibigay ko iyong gusto na kalayaan?" hindi ako naka imik ng oras na yun kase may punto siya.
Subalit iba na ang sitwasyon ngayon at nais kong makabawi sa pagkakamali ko sa aking asawa.
"Don't waste our time!" aalis na sana sila ng pigilan ko sila.
"Alam ko matalino kang tao Aelly and now you realized kung ano ba talaga ang dapat gawin sa sitwasyong ito" pigil ang aking galit habang patuloy parin ang pagpatak ng aking mga luha.
"Mom, what are you talking about? I don't get it" curious na sabi ni ate chloe.
"You will hear from her my dear" umupo silang muli sa tabi ko habang pinag-uusapan namin ang mga gusto nilang mangyari.
Matapos ang aming usapan at para hindi nila muling gambalain pa ang aking pamilya at ng magiging anak ko pumayag naman ako sa gustong mangyari ni mama na humiwalay kay rod at magpakalayo layo.
Ngunit bago pa man yan mangyari hiniling ko na sa una't huling pagkakataon makita at makahingi ako ng tawad sa kanya at masabi lahat sa kanya lahat ng nasa puso at isipan ko.
Na kahit hindi man niya ito marinig at hindi man niya ako makita sa oras na yun masaya at kuntento na ako.
Masakit man para sa akin ang desisyong ito. ngunit, ayoko naman na sarili ko ulit ang iisipin ko.
Ayoko ng muling balikan pa mga nagdaang panahon na para kaming palaboy na walang matirhan at makain lalo na't buntis ako.
Masakit pero kailangan kong gawin ito.
BINABASA MO ANG
MISTAKES
RomanceGaano nga ba kadali ang magmahal? manakit at lumimot? Kaya bang iwan ang taong mahal mo dahil sa karangyaan na para sa ikabubuti ng pamilya mo? O ... Kaya mong saktan kahit pa ang mismong nagmamahal sayo ng walang labis at kulang? Sino nga ba ang ma...