Malalim na ang gabi at nasobrahan na sa kalasingan si vince at heto ako inihiga siya sa kanyang tulugan.
Aalis na sana ako ng mga oras na yun ng bigla niya akong hilain dahilan upang matumba ako at mapayakap sa kanya.
"V-vince wait lang" pagpupumiglas ko saka bahagyang tumabi sa gilid nito.
"Mahal-l kita Ey sobra sobra" nauutal nitong sabi sakin dahil sa kalasingan. inayos ko siya ngunit inulit niya ulit at paghatak sa akin.
"Vince lasing ka lang" muli na naman akong umatras at mas hinigpitan niya pagkakahawak niya sakin habang pinipilit nitong tumayo.
"Ano bang problema mo-o?! hindi bat ito naman gusto mo yung magsama na tayo?" medyo galit na nitong pasigaw sakin at amoy na amoy ko yung alak sa kanyang bibig.
"Vince ano ba!" naitulak ko siya ng sandaling subukan niya akong hagkan sa aking mga labi.
"Pinaglalaruan-n mo ba ako? huh ey?!" muli siyang tumayo sa pagkakahiga dahil sa pagtulak ko.
"Vince please stop! hindi ko nais ito. ang gusto ko lamang ay makasama ka ngunit sa hindi ganito na ... magkakasala tayo" paliwanag ko ngunit naitulak niya ako dahilan para mapasandal ako.
"Nai-i-in-tin-dihan mo-o ba ako-o ey? Mahal kita! Mah-al na mahal-l kita simula pa noong high school tayo. pero, bakit nagpakasal ka sa gagong yun!?" malakas na sigaw niya sakin habang nakikita kong naiiyak na siya.
"Alam ko vince ... alam ko" naluha na rin ako sa sandaling iyon.
"Alam mo naman pala-a eh! pero bakit mo ako sinaktan ng ganito?!" yumakap ako sa kanya upang iparamdam na andito lamang ako para sa kanya ngunit hindi iyon naging sapat dahil ang gusto niyang mangyari ay magkaroon kami ng alam niyo na.
Tumanggi ako sa nais niya at lumabas muna sandali at sakto dumating naman si denise kapatid niya na nag aaral kaya nagkaroon ako ng panahon para maka takas.
Mahal ko siya ngunit ayoko naman dumating sa punto na tuluyang masira ang dignidad ko bilang isang babae.
Tinawagan ko si ate ng mapansin kong dis oras na pala ng gabi at kasama niya ang aking bayaw na nagsundo sakin malapit sa may mini groceries na 24 hours na bukas.
Pinagsabihan niya ako at siyempre bilang nakababatang kapatid niya nakikinig naman ako at sana masunod at matutunan ko ding tanggapin kung ano ang estado ko ngayon bilang buhay may asawa na anytime soon bubuo ng sarili naming pamilya.
SHEENA POV
Papunta na ako ngayon sa aking trabaho bilang isang call center agent and i have to prove na hindi ako magiging katulad ni Aelly.
Alam ko mahirap para sa kanya ang ikasal sa taong hindi niya mahal ngunit hindi niya rin maitatanggi na kasal na siya at dapat niyang panindigan.
Naaawa man ako sa sitwasyon niya pero mas naaawa ako sa sitwasyon ni rod. hindi naman kase madali yung sitwasyon na kinakaharap niya.
Aaminin ko, Oo, noong una kong makita at makilala si rod ng dahil sa bestfriend ko nahulog na ako sa kanya. pinilit ko man na magwagi sa puso niya ngunit mas pinili niya si Aelly na kahit naman kelan di siya nagawang mahalin.
Sa totoo lang hindi niya deserved ang kaibigan ko dahil para sa akin mas deserve niya is yung taong handa din siyang mahalin at may pagmamahal sa isat isa.
Naluha na lamang ako ng hindi ko napapansin dahil sa nangyari kahapon. nasaksihan ko ang pag iwan ni aelly kay rod na ikinadurog ng kanyang damdamin.
Nais ko man panghimasukan ang buhay nila bilang mag asawa hindi ko magawa dahil sa nirerespeto ko padin pagiging magkaibigan namin.
Para na lamang akong tanga rito na walang mapagsabihan kase ayoko naman na maging topic nila kami rito. pinili ko na lamang magpa distract ng malimutan lahat at i-focus sarili ko sa trabaho.
BINABASA MO ANG
MISTAKES
RomanceGaano nga ba kadali ang magmahal? manakit at lumimot? Kaya bang iwan ang taong mahal mo dahil sa karangyaan na para sa ikabubuti ng pamilya mo? O ... Kaya mong saktan kahit pa ang mismong nagmamahal sayo ng walang labis at kulang? Sino nga ba ang ma...
