Chapter 17

5 3 0
                                    

Makalipas ang isang araw heto ako at hinihintay si Ey sa sinabi kong tagpuan sa kanya. medyo napa-aga ako dahil sobrang excited ako sa gabing ito para muling patunayan sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Ilang oras nalang ang pagitan at nakahanda na ako. kinakabahan ngunit hindi ito hadlang upang masira ang excitement na nararamdaman ko.

Dumating ang itinakdang oras at sobrang kabado na naman ako at pinupunasan ang mga pagpatak ng aking pawis.

"Kaya mo yan vince" pag cheer-up ko sa aking sarili habang inaayos ang aking pormahang kasuotan"

Lagpas 9PM na ng mapatingin ako sa aking orasan ng sandaling hindi pa siya sumisipot. ito ang pinili kong araw dahil wala silang pasok base na din sa nakasulat sa tarpulin.

Umupo muna ako saglit saka tumingala sa kislap ng mga bituin. nagwiwish ako na sana dumating siya. ilang minuto din ang nakalipas may isang nakasuot na brown shirt na babae ang nakatayo hindi kalayuan sa akin.

Nakaramdam ako ng kasiyahan at mabilis na tumayo. medyo weird lang dahil para akong naging estatwa sa kilos ko.

"Vince, ano bang pag uusapan natin?" sabi nito ng lumapit na siya. umupo siya malapit sa tabi ko.

"Ah ...ahm-m ..." wala akong masabi parang nabablanko ako.

"Vince mag aalas dyis na. please naman sabihin mo na gusto mong sabihin" bigla akong nakaramdam na para bang nabigla ako kaya mas lalo akong nawalan sa focus.

Huminga muna ako ng malalim habang inaayos ang aking sarili.

"Ok ....ahm-m .... nais ko lang naman na ipaalam sayo na andito parin ako at ...at gusto ko lang mala-" nahinto ako sa part na yun ng tumayo siya para pigilan ako.

"Vince heto na naman tayo. hindi ba't nasabi ko naman sayo na ayoko ng balikan yung nakaraan? maka ilang beses ko bang dapat ipa-alala sayo na ang tanging focus ko na lamang ay para sa aking anak" kinuha niya ang kaniyang bag at sinubukang umalis ngunit napigilan ko siya.

"Bigyan mo naman ako ng chance ey. pangako magiging mabuting asawa at ama ako sa iyo at sa iyong anak"  bumitaw ito sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Salamat na lang vince at pasensya na din kung hindi ko mapagbibigyan yung nais mo" muli itong naglakad papalayo sa akin habang ako'y naiwang mag isa.

Ngayon alam ko na at ramdam ko na yung sakit na naramdaman ni rod mga panahong ginagago namin siya.

Para akong baliw na tumatawa habang naiiyak at sumisigaw sa kawalan. nagpaka lunod ako sa alak at nais kong kalimutan ang gabing ito.

Habang palakad lakad ako sa daan nabunggo ako ng isang kotse kaya bumagsak ako sa kalsada. nakatayo naman ako kaagad dahil hindi naman yun gaanong kalakas.

"Sira ulo ka ba nais mo ba akong patayin!?" sigaw ko habang patuloy na sinisipa yung sa harapan ng mamahaling kotse.

"Pasensya na pre hind-" nagulat kami pareho ng magkrus ang landas namin ni rod.

Oo, si rod na matagal ko ng hindi nakikita simula nung nagka usap kami bago pa man ito bumalik sa states.

"Rod?" gulat ko pa din saka inayos ang aking sarili.

"Nakabalik kana pala?" sabi ko.

"Oo" maikli nitong tugon.

"Kamusta ka na-a" nauutal na ako ng mga oras na yun dahil sa antok na dala ng alak.

"Maayos naman. Ikaw? ... kayong dalawa ng dati kong asawa?" medyo hindi ko nagustuhan yung salita niya kaya lumapit ako at hinigpitan yung kwelyo.

"Dati mong asawa-a? hahaha nagpapatawa ka ba-a mr. Rothner Lopez?"

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon