Beep
Beep
Beep
5 new messages from Mat.
"Sobrang lakas ng hangin at ulan dito dala ng bagyo kaya huwag ka na munang bumiyahe for your safety tol"
Marami pa itong text sa akin and i decided to listen with his words para din naman sa safety ko. humiga akong muli at pinagmasdan ang kisame habang hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha.
Pinunasan ko naman kaagad iyon dahil hindi ko na dapat pang isipin ang isang taong manloloko at walang awa.
I shouldn't let my emotions control me anymore.
I must forget all about her and all about the past we've been together. I hope na, malilimutan ko din siya.
Tumayo na lamang ako ng mga sandaling iyon at tinawagan mga kaibigan kong sina justine at emman para damayan akong uminom.
Matagal tagal na din kase nung mapagpasyahan kong tumigil muna kakalunod sa alak para lang malimutan si Aelly.
Tinawagan ko si justine ngunit hindi ito sumagot kaya si emman ang sumunod.
"Pare anong balita? i know, alak na naman noh?" bungad niya sakin kaagad. kilalang kila na nila kase ako kaya ayun napatawa nalang.
"Pwede ka ba?" natahimik siyang saglit and may narinig akong isang babae.
"A-a ... a ...e ..." pinutol ko na lamang isasagot niya dahil alam ko na kasagutan.
"Sige pre, sa susunod nalang. pasabi kay gwen kinakamusta ko siya" girlfriend ni emman.
"Pasensya na talaga pre. saka sobrang lakas ng ulan dito baka di rin maka punta si pareng justine" sabi naman nito.
In off ko na yung phone ko at muling humiga patagilid at narinig ko ding kumatok si Sab sa pinto.
"Rod, please open the door" pagpupumilit nito. tinakpan ko ng unan ang aking ulo at tenga para di siya marinig. nakaka pangit man ng ugali ngunit hindi ko masuklian ang pagmamahal na gustong mangyari ni mom at ni sab.
Lumipas ang ilang minuto at tila hindi parin ito sumusuko kaya naman tumayo ako at bumungad siya sakin.
"Bakit ka ba ganyan sakin rod? ginawa ko naman lahat to love me pero parang hindi parin sapat?" naluluha na siya sa part na yun.
"Sab, I appreciated all love and cares you've given to me. but, alam mo naman na hindi kadaling malimutan yung sakit" paliwanag ko.
"If you really wanted to forget all about her rod. then, marry me!" malakas na sabi niya. tumalikod ako sa akmang aalis ng pigilan niya ako.
"I can't" maikli kong tugon habang mahigpit na nakayakap sa akin.
"Is it because of her? siya na naman ba ulit Rod! ...rod naman! she doesn't loves you" umiiyak na siya ng mga oras na yun at para akong nabibingi sa mga sinasabi niya.
Muling nagsipag balikan ang mga tagpo at mga salitang nais kong kalimutan. mga salitang nagdurog saking puso.
"Please, let me go" napabitaw siya ng sandaling iyon saka naman ako lumabas kahit sobrang lakas ng bagyo.
VINCE POV
Kahit ilang ulit at subok gagawin ko para lang patunayan kay Ey na sobrang totoo ako sa aking nararamdaman. hindi ko alam kung bakit siya nagbago ng ganon kase noon hindi naman siya ganito.
Tatlong araw na lumipas simula ng magkaroon ng bagyo sa buong bansa at ngayon lumayas na ito kaya naman ang lahat muling bumalik sa kani kanilang gawain.
BINABASA MO ANG
MISTAKES
RomanceGaano nga ba kadali ang magmahal? manakit at lumimot? Kaya bang iwan ang taong mahal mo dahil sa karangyaan na para sa ikabubuti ng pamilya mo? O ... Kaya mong saktan kahit pa ang mismong nagmamahal sayo ng walang labis at kulang? Sino nga ba ang ma...