Mababaw lamang ang aking kaligayan kaya ng mga sandaling iyon sobrang saya ko at napawi lahat ng aking pangamba.
"Lord salamat sa pagpaparanas ng ganito. hindi niyo ho alam kung gaano ako kasaya" saglit akong napikit at muling lumingon sa babaeng nagbibigay sa akin ng lakas.
Hinawakan ko ang mga kamay ni Aelly ng oras din na yun saka kami nagkatinginan at kahit pa na sa oras ding yun ay bakas sa kanyang mukha ang pilit na ngiti.
Ayos na rin sakin dahil andito siya at ikakasal na kami. yun naman di ba ang mas mahalaga ang makita at makasama ang isang taong mahal na mahal mo.
Nakakatawa at nakaka awa man sa parte ko ngunit ito ang desisyon na buong loob kong tinanggap at hinding hindi ko pagsisisihan.
Matapos naming magpalitan ng mga linyahan na "wedding vows" binigyan na ako ng pahintulot ng pari na hagkan ko ang mga labi ni Aelly.
Noong una nagkahiyaan pa kami dahil sa awkward moment na yun. ngunit, ganon pa man ginawa ko ang part ko to be his husband.
Naghiyawan at nagpalakpakan ang aming mga bisita at binuhat ko palabas ng simbahan si aelly at muli namin narinig mga "congratulatory" nila towards sa aming kasal.
Natapos na lahat from church to wedding reception and now andito kami sa mamahaling condo regalo sa amin ni dad upang dito namin gawin ang aming first honeymoon together.
Natapos na akong maligo saka humiga sa malambot na kama habang hinihintay matapos maligo si Aelly.
Around 1 AM in the middle of the night natapos na siyang maligo saka tumabi sakin.
"Ah-m ... uhm ... maha-l?" medyo nauutal ko dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya sa ganitong sitwasyon.
Wala man siyang sinabi ngunit humarap siya sakin saka niya ako biglang hinalikan habang itoy nakapikit at tuluyang bumagsak ang mga luhang kanyang pinipigilan.
Sa pagkakataong yun huminto ako at pinigilan ang aking sarili sa dapat sana una naming pagsisiping. tumayo ako saka pinakalma ang sarili at uminom ng tubig.
3 AM ng lumabas ako ng condo saka uminom ng alak mag isa dahil hindi ko kaya yung sitwasyon na parang sobrang hangal ko na talaga.
End of Flashback
*AELLY POV*
Ilang araw na nakalilipas at heto andito parin ako kina sheena at hindi pa umuwi simula nung umalis ako sa condong tinutuluyan namin ni rod.
Naiinis ngunit medyo naaawa na rin ako sa kanya dahil sa kanyang pasensya at pagiging loyal at mabait na asawa.
Masama ba ako sa part na ginagawa ko ito?
Masama bang sundin ang puso ko sa ibang bagay na nais nito?
Hindi ko na alam pa sa totoo lang kung ano ba ang tama at mali sa aking pinag-gagagawa sa buhay. masyado na akong nakakasakit ng damdamin pero wala sadyang nagiging manhid na lamang ako madalas.
Nakapagluto na ako ng breakfast namin ng sandaling tumunog ang doorbell at tila yata hindi ako patatahimik ng ganitong sitwasyon.
"Tuloy ka iho" narinig kong sabi ni tita. ina ni sheena.
"Maitanong ko lang ho kung andiyan pa po ba si Aelly?" dinig ko ding sabi ni rod.
"Ah ...e ... andito naman siya" medyo nauutal na sagot ni tita.
Narinig ko na ring bumukas ang pinto kaya nagmadali naman akong pumasok sa cr upang magtago. pina upo siya ni tita malapit sa kinaroroonan ko kaya dinig na dinig ko pinag uusapan nila.
"Kainis!" tanging nasabi ko sa aking sarili at binuksan ang tubig.
"Ey? ... ikaw ba nasa loob ng cr?" katok ni tita.
"Opo tita" sagot ko na lamang.
"Andito si rod binisita ka. dalian mo diyan at kailangan niyong mag usap" matapos nun narinig ko siyang magpaalam na may mga gagawin pa ito at nagpa alam na kay rod.
Nagbuntong hininga na lamang ako saka binuksan ang pinto at hindi pa ako nakakalabas sumalubong na sakin si rod sabay yakap sakin ng sobrang higpit.
BINABASA MO ANG
MISTAKES
RomanceGaano nga ba kadali ang magmahal? manakit at lumimot? Kaya bang iwan ang taong mahal mo dahil sa karangyaan na para sa ikabubuti ng pamilya mo? O ... Kaya mong saktan kahit pa ang mismong nagmamahal sayo ng walang labis at kulang? Sino nga ba ang ma...