Chapter 30

2 0 0
                                    

"Sakay!"

Sumunod naman si aelly sa utos ko habang nakatutok pa din ang baril ko sa kanya. hindi na kase tama nararamdaman ko dahil feeling ko tumawag na ng pulis ang pamilya ni aelly pati na din si rod.

Iniwan namin sila habang nakaratay sa sahig si rod at puno ng pasa at dugo sa kaniyang labi at ilang parte ng kaniyang katawan dahil sa tinamo nitong bugbog sa mga tauhan ko.

"Ganyan ka na ba talaga kasama sab? hindi ba't childhoodfriend kayo ni rod at ang sabi mo mahal mo siya pero bakit parang hindi ko nakikita yun sayo ngayon!"

Naririndi na ako sa pinagsasabi ng babaeng ito kaya tinignan ko siya ng masama. inihinto ko saglit ang pintuan saka ko siya binusalan sa bibig at itinali sa hawak kong may kalakihang panyo.

"Ayan ayos na sayo? marami ka pa bang sasabihin?"

Muli kong pinaandar yung kotse ko at sa hindi kalayuan naririnig ko wang wang ng pulis. As i expected ganito mangyayari kaya hanggat nasa akin ang alas wala silang magagawa sa akin.

"Uum- hmm umm-"

Nais niyang magsalita kaya hindi ko siya pinagbigyan dahil sakit lamang sa ulo lahat ng sasabihin niya sa akin.

"Alam mo aelly, hindi naman talaga ako ganito dati. pero, simula nung pumasok ka sa aming buhay lahat ginulo mo!

Nais ko man awatin at pigilin ang aking mga tauhan sa pambubugbog kay rod hindi ko na nagawa dahil kung gagawin ko yun para mo na din pinamukha sa akin na sobrang tanga ko.

Ikaw ...ikaw aelly ang dahilan kung bakit ako naging ganito!

Lahat sinira mo!

Ginawa mo akong isang kriminal na ngayon tinitugis!

Natanggal ang pagkakabusal sa kaniyang bibig kaya naman nakapagsalita na ito laban sa akin.

"Sab paulit ulit ko itong sasabihin sayo. wala akong kinuha na kahit ano mula sa iyo. hindi mo ba napapansin na lahat ng ito'y dahil sa pagkakamali mong nagawa? huwag mong isisi sakin lahat ng nangyayari sayo dahil nagmula lahat yan sayo!"

"Wow aelly! ...coming from you? hindi ba't ikaw yung nag umpisa ng lahat kaya nga pakakasalan na dapat ako ni rod pero nasira yun ng dahil din sayo!"

Panandalian siyang nahinto sa mga oras na yun habang ako kinakabahan dahil nakasunod parin sa amin mga pulis.

"Oo, sab...aaminin ko nagkamali ako sa una kong desisyon pero lahat ng yun pinagbayaran ko at pinagsisihan. ngunit ikaw?! ...sab nakapatay ka ng isa sa taong pinagkakatiwalaan ko at malapit sa akin. naging masama ba ako sayo? ...sab sabihin mo naging masama ba kami sayo para tratuhin mo kami ng ganito?!"

Tumagos sa puso ko mga sinabing iyon ni aelly at para akong natamaan sa mga tinuran niya. napaisip ako ilang segundo kung tama pa ba itong ginagawa ko.

Sa oras din yun hindi ko na namalayan pang umaagos na din pala ang aking mga luha tulad niya. nakaramdam ako bigla ng parang kirot sa aking puso.

"Sab utang na loob sumuko kana ... alang alang sa mga taong nagmamahal sayo. huwag mong sayangin ang buhay na natitira pa para sayo. huwag mong hayaang kainin ka ng galit at poot diyan sa iyong puso at isipan"

Humarap ako sa kanya habang patuloy parin sa pagtulo ng aking mga luha.

"Tingin mo kaya ko pa? ...tingin mo din ba na kaya pa akong patawarin ni rod?"

Hindi ko na alam pa kung ano mga sinasabi ko at ikinikilos ng aking sarili.

"Oo, naman ...sab, mabuting tao si rod alam kong mapapatawad ka rin niya"

Sa oras na yun at sa pagkakataong yun ang tagal kong hindi napangiti. yun ang tanging totoong kaligayahan na naramdaman ko sa sarili ko.

Bago pa man mabago ang isip ko ni aelly bigla kaming nawalan ng breaks kaya naman sa isa kong kamay habang pilit na minamaneho ang manubela ginamit ko ang isa kong kamay upang tanggalin ang pagkakatali kay aelly.

Marahil ito na rin siguro ang marapat kong gawin. siguro tama nga siya na naging masama ako dahil nagpalamon ako sa inggit, selos, galit o poot para lang masira sila.

Sa totoo lang pagod na akong mabuhay dahil ipinangako ko din sa sarili ko na kung magtagumpay man ako or hindi at kung hindi rin naman mababalik ang lahat sa akin.

Wawakasan ko ang aking buhay upang hindi na maranasan ang pait ng buhay na hinaharap ko.

"Aelly patawarin mo ako-o"

Yun lamang ang huli kong sinabi at natatandaan matapos mahulog ang kotse na sinasakyan ko.

ROTHNER POV

Habang sinusundan namin ang kotse ni sab kasama ang aking asawa hindi ako mapakali. sobrang bilis kasi ng patakbo at tila hindi kayang sundan ng mobile ng pulis.

Ilang minuto lang nakalipas at tila hindi parin ito humihinto kahit maka ilang busina kami sa kanila. hanggang sa ...

Hanggang sa ...

Nahinto ang aming kotse ng biglang tumilapon ang kotse ni sab sa bangin. parang pinagsakluban ng langit at lupa ang aking buong katawan ng sandaling masaksihan ko yung gano'ng pangyayari.

"M-mahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaal!"

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon