Kina-umagahan muli kong hinanap kinaroroonan ni Aelly ngunit bigo pa din akong matunton ito.
Pagod ngunit hindi susuko sa paghahanap sa kanya hanggang sa matapuan ko siya.
Pasado alas 6 ng umaga ng naglalakad ako nakasalubong ko si Jana. huminto ako ng bigla niya akong tawagin.
"Hanggang ngayon ba siya parin kahit na puro pasakit din ang dala niya sayo vince? ... vince gumising kana sa kahibangan mo!" humarap ako sa kanya habang tinawanan mga tugon niya.
"Alam mo ba ang iyong pinagsasabi? mahal namin ang isa't isa ni Ey!" medyo napasigaw ko. lumapit ito sakin habang may bitbit na plastic bag.
"Mahal?" tumawa tawa din ito ng nakakaloko.
"Mahal mo mukha mo vince! asan siya ngayon nung mga sandaling nasa rehas ka? di ba ako lang yung dumalaw sayo kahit ni isang katiting na parte ng kanyang katawan hindi nagawang pumunta bago pa man siya magpakalayo layo" bigla akong nanggalaiti sa mga tinuran niya at akma ko na siyang masasaktan.
"Wala kang alam! wala kang karapatan sabihan si ey ng ganyan jana!" tinawanan niya ako habang bumabagsak ang kaniyang mga luha.
"At least, kahit papaano nakaganti din ako sa kanya. and deserved niyang mawala ng lahat na meron siya!" para itong nabaaliw sa kakatawa.
"Anong ibig mong sabihin?" kumalas siya sa pagkakahawak ko sa kanya ng mahigpit saka niya ako biglang sinampal.
"Ako lang naman yung nagsuplong ng mga kagaguhan ninyong dalawa ng gabing iyon!" muli akong nakaramdam ng galit ng oras na yun at pinigilan ko sarili ko.
"Ikaw yung kumuha ng video at picture na magkasama kami ni ey?" hindi na siya umimik ng oras na yun saka muling tinawanan ako.
"Kung hindi ka mapupunta sa akin vince, pwede naman na kahit sa maliit na bagay maging masaya ako. at yun ang makitang magdusa yang pinili mong babae!" umalis na siya matapos niyang sabihin yun habang ako naiwan at luhaan.
AELLY POV
Napag pasyahan na naming magpakalayo layo ng aking pamilya malayo sa kaguluhan at heto ako namumuhay ng hindi na kailanman gumamit ng pera mula sa pamilya ni rod.
FLASHBACK
"Kakailanganin mo itong pera na ito para makapag umpisa kayo" inabot sakin ni mama yung cheke niya at nagkakahalaga ito ng milyon milyon.
"Ang baba talaga ng tingin niyo ho sa akin noh? salamat nalang at hindi ko matatanggap yan!" sinauli ko sa kanya ngunit hindi niya rin ito kinuha ng sandaling mahulog ito.
"Huwag ka ng mag matigas pa Aelly. alam mo sa sarili mong hindi kayang buhayin ng pamilya mo ang anak mo at mas lalong ikaw. right?" kinuha ko naman yung cheke saka pinunit sa harapan niya.
"Kung akala niyong muli akong tatanggap ng karangyaan mula sa pamilya mo nagkakamali ka! sa iyo na yang pera mo dahil kaya kong buhayin ang aking anak!" nagalit na ako sa mga oras na yun dahil sa ginagawa niyang ito.
"Hanggang ngayon ba masama parin yung loob mo sakin? masama parin ba dahil sa pinademolish ko yung tinitirhan niyo?" humarap akong muli sa kanya ng sandaling aalis na sana ako.
"Hindi na ako magtataka kung bakit ganon ugali ng iyong anak na babae at yung ini-spoil mong si sab na gusto mo para kay rod" matapos kong bigkasin iyon sinampal niya ako.
"How dare you! tama nga si Sab na kailangan kayong mawala sa buhay ni rod" nagulat ako sa mga sinabi niya dahil hindi ko akalain na muli na naman niya akong gagantihan after almost 1 year ago.
"Kaya pala hindi ko maikakailang katulad niya noon na nagawang ipa demolish yung tinitirhan namin" si sab kase ang unang nagpasira sa dati naming tinitirhan sa tulong ng aming gobernador na tiyo niya. ngayon, si mama ang sumunod na nagpawasak ng pangalawa naming tinitirhan.
(Kanyang mga magulang na ipinagawa nila ni rod way back 1 year ago)
"And it's worked" sambit pa nito saka ko na siya tuluyang nilayasan.
END OF FLASHBACK
Isang araw na nakakaraan matapos kong magpaalam sa buhay ni rod and napapatanong ako kada oras kung nasa maayos ba siyang kalagayan at gumising na ito.
Wala na akong naging contact pa sa lahat ng kakilala namin doon dahil nais na naming mamuhay ng payapa malayo sa kaguluhan.
"Ate hindi ba may baby kana?" masayang tanong sakin ng bunso kong kapatid.
"Oo, nandito pa siya" sabi ko saka niya ito hinawakan.
"Sa tiyan?" pangngulit nito.
"Oo, dahil ako at ikaw maging si tita mo at lolo at lola dito din nanggaling" turo ko sa aking tiyan at di ko lubos maisip na naguguluhan siya.
"Nanggaling po kami lahat sa tiyan mo?" natapon ko yung dala dala kong tubig dahil sa tawa sa kanya.
"Hindi sa tiyan ko kundi sa magulang natin at mga magulang nila" paliwanag ko saka lamang siya tumawa at siyempre niyakap ko naman yung cute na bunso kong kapatid.
"Sana makabalik na tayo ulit sa dati nating bahay at makasama si kuya rod" bigla akong natahimik sa sinabing yun ng aking kapatid. naging sobrang malapit kasi sila ni rod.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon bigla na lamang akong naluha at kaagad na pinunasan ito. parang may kumurot sa aking dibdib.
"Ate bakit ka naiiyak? namimis mo ba si kuya?" muli akong natigil sa sinabi niya at piniling huwag nalang sagutin bawat katanungan niya saka ko siya niyakap.
BINABASA MO ANG
MISTAKES
RomanceGaano nga ba kadali ang magmahal? manakit at lumimot? Kaya bang iwan ang taong mahal mo dahil sa karangyaan na para sa ikabubuti ng pamilya mo? O ... Kaya mong saktan kahit pa ang mismong nagmamahal sayo ng walang labis at kulang? Sino nga ba ang ma...