Matapos ang aking trabaho nagpasya muna akong mag coffee malapit sa trabaho namin ng makita ko yung kapatid na babae ni Rod.
Nagkasalubong kami kaya inaya niya akong makipag usap sa kanya. hindi naman ako tumanggi dahil wala naman problema o kahit anong alitan ang namumuo samin pwera nalang kay Aelly na sobrang hate niya.
"May i ask if ano ba talagang namamagitan sa babaeng yun at sa lalaking kinakatagpo niya?" napaubo ako ng mga oras na yun habang iniinom ang mainit init pang coffee.
"Sino ba tinutukoy mo?" pagkaka-ila ko kahit alam ko naman kung sino tinutukoy niya.
"I know you're not A so clever one. but, i don't think so... that you're stupid enough para hindi ma-identified of whom i was talking about?" medyo naiinis niyang sabi sakin habang iniikot ikot ang kanyang phone.
"I'm sorry, pero wala ako sa posisyon para sagutin yan" mas lalo itong nairita ng sandaling akala niya kinakampihan ko si aelly.
"Don't tell me hindi kayo close ng babaeng yun? hindi ba't magkaibigan kayo?" tumayo ito saka bahagyang tinapik ang mesa.
"Kaibigan ko nga siya pero hindi ibig sabihin non alam ko lahat ng tungkol sa kanya at lahat ng kilos niya" hindi na siya umimik ng mga oras na yun at tinitigan niya lamang ako ng masama.
Naka alis na siya kasama iyong katulong at gwardiya at naiwan na lamang akong mag isa kaya naman nagpasya na rin akong uwuwi.
Nakaka stress sa totoo lang. bakit sa dinami dami ng taong makakasalubong ko e siya pa na sobrang mapag mataas?
Ngayon alam ko na kung bakit hindi sila magkasundo ng kaibigan ko dahil sa ugali niya.
And now, parang kaaway na rin ang turing niya sakin because of her.
Hayyyy buhay nga naman!
exhale ...
AELLY POV
Dalawang linggo na nakakaraan at nandito ako ngayon kila mama kasama din si rod na dumalaw mula pa kahapon. wala naman din akong magawa kundi i-welcome siya rito kase asawa ko siya at manugang siya ng aking mga magulang.
"Mahal halika kana at baka lumamig pa yung pagkain" nakangiti nitong sabi sakin habang ang aking pamilya nakatingin sakin at pasimpleng tinutukso tukso ako.
Napabuntong hininga na lamang ako saka umupo beside him. masaya sila habang ako pinipilit lamang. ewan basta hindi ako komportable sa ganitong setup.
Matapos ang aming almusal inaya ako ni rod na mamasyal sa mall. wala naman daw siyang pasok ngayon and gusto niya mag spend ng time kasama ako.
Tulad ng nakasanayan ko, wala naman akong magawa kundi sundin na lamang iyon and kahit papaano makabawi na rin sa mga sakit na naidulot ko sa kanya.
Habang naglalakad kami pinagmasdan ko si rod na kahit ganito sitwasyon namin kita sa kanyang mga mata ang kasiyahan na siyang nagpapakurot ng aking damdamin.
Hindi ko alam pero sa kabilang banda napapangiti ako minsan o sadyang nadadala lamang ako ng kanyang kagalakan?
Basta hindi ko maipaliwanag pero may pagkakataon talagang ganito ako. ngunit mas matimbang parin ang pagmamahal ko kay vince na unang lalaking nagmahal sakin.
"Kamusta na kaya siya?" natanong ko sa aking sarili. matagal tagal na din kase since noong huli naming pagkikita.
"Mahal ayos ka lang ba? parang ang lalim ata ng iniisip mo?" Dinig kong sabi ni rod habang nahinto kami sa paglalakad.
"A-ah ... wala. wag mo na lamang itong pansinin" sagot ko na lamang saka nagpatuloy maglakad.
Nahinto kami sa may nagtitinda ng teddy bear at nakita niyang nakatitig ako sa mga ito kaya lumapit ito at binili ang pinaka malaki at malambot na teddy bear.
Sa pagkakataong yun bumalik sa aking ala alala ang mga kahapong nagdaan. bumalik yung panahon na napatigil din kami ni vince ngunit wala kaming sapat na pera nun para bilhan niya ako.
Biglang tumulo ang aking luha at mabilis na pinunasan yun para hindi mahalata ni rod.
"Alam ko gustong gusto mo ito kaya heto regalo ko sayo mahal" nakangiti niyang sabi habang inaabot sakin.
"Salamat rod" maikli kong tugon saka nagpatuloy maglakad.
"Pasensya na din sa lahat" nasabi ko sa aking isipan habang pinagmasdan siyang muli.
BINABASA MO ANG
MISTAKES
RomanceGaano nga ba kadali ang magmahal? manakit at lumimot? Kaya bang iwan ang taong mahal mo dahil sa karangyaan na para sa ikabubuti ng pamilya mo? O ... Kaya mong saktan kahit pa ang mismong nagmamahal sayo ng walang labis at kulang? Sino nga ba ang ma...