Chapter 2

17 3 0
                                    

"Ano-o ba bes! ibalik mo nga sakin yan at gusto ko pang magpakalunod sa alak-k!" tumayo ako upang kunin yung isang bote ng alak ngunit dahil sa kalasingan ko natumba ako at nauntog sa may mesa.

"Tama na bes! halika kana at iuuwi na kita sa inyo" dahan dahan niya akong tinayo ngunit nagpumiglas ako.

"A-no ba bes! sinabi ko na di ba? sinabi kong hindi na ako uuwi do-on!" malakas na sabi ko sabay lunok sa alak habang ang aking katawan hinang hina na.

"Bes, makinig ka lasing ka lang kaya mo yan nasasabi tara na" pagpupumilit ni sheena.

"A-ako?" turo ko sa aking sarili habang natutuwa na naiiyak ng sandaling iyon.

"Hindi ako las-ing bes! at alamko sa aking sarili na alam ko sinasabi at ginagawa-a ko" napasandal ako matapos kong sabihin yun at dun na ako niyakap ni sheena.

"Pasensya na bes. pero, pero kase ... kase may taong nasasaktan din naman sa pasya mo" maluha luhang sabi sakin ni sheena at doon ko napagtanto na ang kanyang tinutukoy ay si rothner (rod).

Tumayo ako sa pagkakaupo at inayos ang aking sarili kahit na medyo nanlalambot nako.

"Hindi ba may lihim ka naman na pagtingin sa asawa ko-o?" nabigla siya sa sinabi ko at maging ako.

Matagal na kasing may pagtingin ang aking kaibigan kay rod mula pa noong mapangasawa ko siya kase alam din ni sheena na hindi ko rin ito mahal.

PAK*

Isang malakas at malutong na sampal ang natikman ko mula sa aking kaibigan na siyang nagpahimasmas sa aking kahangalan.

"Bes! naririnig mo ba sarili mo?" mangiyak ngiyak niyang sabi sakin habang pilit ding pinapakalma ang kanyang sarili.

Sa oras na yun sobrang tahimik ng kapaligiran at parang kami lang dalawa sa mundo na animo'y kami lang din yung nakakarinig.

"B-bes ...bes sorr-y" niyakap ko siya ng sobrang higpit at paulit ulit na humihingi ng kapatawaran sa mga nasabi kong hindi naman dapat sabihin.

Hindi siya kumibo ng mga sandaling iyon at sa oras ding iyon tuluyan na akong nakatulog dahil di ko na din nakayan yung tama ng alak.

*ROTHNER POV*

Mag aalas dose na ng madaling araw at umaasa parin akong uuwi sakin si aelly. wala akong ibang ginawa mula kanina kundi lumango ng alak upang malimutan kung ano mga nangyare kanina at kalimutan mga binitawang salita ng aking minamahal na asawa.

Umaasa ako na sana ... sana panaginip lang ito at mananatili parin siyang asawa ko kahit hindi niya ako mahal basta ... basta makasama ko lang siya.

Muli na namang pumatak ang mga pinipigilan kong luha sa sakit na aking nararamdaman ngayon. ayoko man umiyak ngunit heto sadyang mahirap pigilan ang kusang pagpatak nito.

Bandang 2 AM naka received ako ng message mula kay sheena na matalik na kaibigan ni aelly at sabi magkasama raw sila at huwag na raw akong mag alala.

Sa oras na yun naging kampante naman ako at alam kong nasa maayos na kalagayan ang aking asawa. tumayo ako mula sa aking kinauupuan saka tinanaw ang kalangitan.

"Sana katulad mo maging maningning din ang aking kinabukasan at buhay may asawa" nasabi ko rito habang natatawa na naiiyak dahil sa aking nasabi.

Masakit? Oo ... sobrang sakit. ang sakit lang na isipin na sa mahigit isang taon naming mag asawa ni aelly hindi niya akong magawang mahalin. hindi ko alam kung bakit ko rin ba pinagsisiksikan yung sarili ko sa kanya kahit alam kong wala akong chance na mapa ibig siya.

Siguro nga tama sila na kapag nagmahal ka magiging tanga ka sa pag ibig. marahil ito na rin ang kapalaran ko na dapat kong matanggap.

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon