Chapter 19

2 3 0
                                    

I've been through a lot for so many years. panahon na siguro talaga to make my life must easier and free. It took me sometime na bigyang halaga ang aking sarili upang bitawan at kalimutan ang nakaraan.

Mahigit dalawang linggo na din nakararaan ng muling magkrus ang mga landas naming tatlo. marahil ito na din siguro ang kagustuhan ng tadhana upang mapalaya namin ang isa't isa.

Masaya naman na siya sa piling ni vince siguro panahon na din upang ibigay ko naman ang atensyon ko sa babaeng tunay na nagmamalasakit at magmamahal sakin mula pa noon.

Siguro heto na yung dapat kung gawin para maging mapayapa at masaya ang bawat isa sa amin. ito din naman ninais ni Aelly mula pa nung magkasama kami na humiwalay at sumama sa lalaking una at minamahal niya ng lubos.

Sino nga ba ako di ba?

Ano nga ba yung karapatan ko para diktahan ang isang tao na mahalin ako at huwag akong iwan.

Masakit man sa kalooban ko ngunit buo na ang aking desisyon na gawin ang tama at nararapat.

SABRINA POV

"Bawiin mo sinabi mo jana!" napasigaw ko ng sandaling sirain niya ang napakaganda kong panaginip.

"Alam mo madam sab ang panaginip ay isang panaginip at kabaliktaran ito sa gusto mong mangyari" inulit niya pa ang pang iinis sakin habang dala dala niya ang aking bag. patungo kasi kami kina rod dahil may mahalaga daw itong sasabihin.

"Don't tell me ayaw mong makasal ako kay rod at katulad ko may gusto ka din sa kanya?" nabigla naman ito saka agad dinipensahan ang sarili.

"Ayyyy madam ... tamang hinala ka. alam mo gwapo at attractive si sir rod pero hindi siya yung gusto ko" i rolled my eyes and take my bag from her.

"Mabuti naman kung ganon" malapit na kami sa mansyon nila tita ng salubungin ako nila ate chloe and others.

"Oh dear sister in law welcome back" bungad nito sabay yakap at beso.

"Finally! bumalik kana din sis" masaya naming tagpo habang hinahanap ko naman si rod.

"Come here aking future daughter in law" pumasok kami sa loob at hindi ko parin makita si rod.

"Ahm tita?" muli akong nagmasid.

"Yes?" habang paupo ito.

"Where's rod?" tanong ko and hindi pa niya nasasagot ng biglang dumating si rod habang naka ngiti sakin. hindi ko maiwasang hindi magtaka dahil iba yung ikinikilos niya.

"Tinipon ko kayong lahat to tell you an important thing that you couldn't imagine. as for me, ganon din. siguro heto na ang panahon para maging masaya bawat isa" muli akong nacuriuos sa mga kataga niya.

"What do you mean?" sabay sabay naming tatlo nina tita at ate chloe.

Muli kong tinignan ang mukha ni rod at hindi ko talaga mabasa ang kanyang ikinikilos maging ang iniisip nito. bakas din sa kanyang mga mata yung parang tipong napipilitan lamang sa mga sinasabi.

"Mom, ate alam ko ito yung hinahangad niyo mula pa noon at panahon na siguro para tuparin iyon" after niyang sabihin yun tumitig at ngumiti siya sa akin.

"Rod ... diretsuhin mo nga kami ano ba gusto mong ipabatid?!" medyo naiinis na sabi ni tito.

"Dad. I want to marry her!" nabigla kaming lahat sa sinabing iyon ni rod at hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko itong araw na sinabi niya yun sa aming harapan.

"Are you out of your mind rod! alam mong kasal ka pa kay Aelly" napasigaw at galit na galit na sabi ni tito habang tumayo.

"And what's wrong with that Honey?" tumayo din si tita.

"Dad, matagal na ho kaming tapos ni Aelly. niloko niya ako tingin mo magpapaka tanga na lamang ako buong buhay ko?!" tumaas na din boses ni rod nun kaya nakatikim siya ng malakas na suntok.

"Wala na kayong ibang ginawa kundi bigyan ako ng sakit ng ulo!" nag walk ito habang galit na galit.

"Rod ...rod-d are you seriuos?" naiiyak sa saya habang yumakap ako sa kanya. hindi man payag si tito dito ang mahalaga lang sa akin ang opinyon ni rod.

Tumango ito habang pinupunasan ang aking mga luha sa saya habang ang ate at mom niya sobrang happy din for us.

Finally!

Finally matutupad na yung minsan kong pinangarap sa buong buhay ko na pakasalan ang lalaking nagpatibok ng aking puso sa maraming taon.

Masaya akong umuwi at ibinalita sa family and friends and lahat sila masaya para sa akin. grabe i can't believed this.

Rod has finally came to his senses!

VINCE POV

Mag iisang buwan na mula nung huli naming makita si rod at heto naman kami ni ey masaya para sa isa't isa bilang magkaibigan na lamang.

Siguro ito na din ang paraan upang maprotektahan, makita at makasama siya sa araw araw. alam ko kahit hindi sabihin o aminin ni ey lahat.

Nakatitiyak akong mas lalong lumalim ang pagmamahal niya kay rod. nais ko man muling makuha ang kaniyang pagmamahal para sa akin. ngunit, hindi na ito tumatalab dahil mas matimbang na sila ng kanyang anak sa puso niya.

Nandito kami ngayon malapit sa karagatan na paboritong lugar ni ey kasama ng kaniyang anak na si rodlley.

Nais raw mapag isa ni ey at alam ko kung ano at kung saan nanggagaling ang labis na kanyang kalungkutan.

Pinadalhan kasi kami ni Sab ng imbitasyon sa magaganap na kasal nila ni rod. kaya heto ngayon si aelly muling nasasaktan.

Nais ko man siyang damayan ngunit sinasabi ng aking isip na hayaan na muna siyang mapag isa at makapag isip isip.

Nasa malaki siyang bato tulad ng palagiang ginagawa niya habang binabato naman ang maliliit na bato na kanyang nakikita dala ng malakas na hampas ng alon.

Sa totoo lang sobrang nakaka-awa si ey kung hihimayin mo lang buong kwento ng kaniyang buhay. isa siyang biktima na nagkasala dahil sa noo'y akala niyang tama.

Oo, nagkamali siya at marami ang humusga dahil lingid sa kaalaman nila ang lahat lahat at punot dulo.

Habang pinagmamasdan siya hindi ko mapigilang maluha. hindi ko makayanan na nasasaktan siya ng dahil sa aming lahat.

Ilang minuto ang nakalipas ng tumayo siya at lumakad papunta sa kinaroroonan namin ng kaniyang anak na abala sa paglalaro ng robot na regalo daw ng isang lalaking nagbigay nito sa kanya.

"Kumain na tayo?" Nakangiti nitong sabi sakin habang kita sa kanyang mga mata ang lungkot.

"A-ah ... mabuti pa nga siguro" doon tumawa na lamang ako upang palitan ang napaka lungkot na sandali.

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon