Chapter 5

9 3 1
                                    

"Umuwi na tayo" mangiyak ngiyak na sabi sakin ni rod habang nakayakap parin sakin.

Gusto ko man kumalas ng mga oras na yun ngunit parang hindi kaya ng katawan ko na makapagpumiglas at wala na akong magawa kundi bumigay na lamang.

Mahigit limang minuto din ang itinagal ng yakap na yun sakin ni rod ng magpasya itong kumalas at humarap sa akin.

Wala akong maibigay na kahit anong salita ng mga oras ding yun at tila bagang napipi ako habang pinagmamasdan ang kanyang nakaka awang mukha.

Honestly, gwapo naman si rod yun nga lang hindi lang timing yung love ko sa kanya at may naging una akong boyfriend since high school days namin.

Mahirap man sa loob ko ngunit kinailangan dahil sa kagipitan at naririto ako ngayon naging asawa ni rod sa isang hindi maipaliwanag na sitwasyon.

"Ahm-m roooo-d?" tumingin siya sakin habang hawak parin mga kamay ko. nauutal na ako sa mga oras na yun at hindi ko talaga alam kung ano ba pwede kong sabihin.

"Please?" pagmamaka-awa nito.

Pinunasan ko mga luha nito saka humingi ulit ng kapatawaran at bumitaw sa kanya. daglian kong ipinikit ang aking mata saka pinunasan ng mabilis ang pinipigilan kong pagpatak ng aking mga luha.

"Ro-d ... im so-rry" tuluyan na akong bumitaw at iniwan siyang umiiyak.

Naglakad lakad ako na parang wala sa sarili at muntikan ng masagi ng mga motorista sa kalsada. balisa at umiiyak na ewan hindi ko maesplika.

BEEP

1 new message from bes

"Bakit mo ba kailangan gawin ito bes!?" yan lamang ang mensaheng nabasa ko mula sa kanya. alam ko kahit hindi niya ito direktang sabihin ngunit alam ko na masama ang loob niya sakin at buo ang simpatya niya sa aking asawa.

Hindi na lamang ako nag reply at pinagpatuloy lamang ang aking paglalakad hanggang sa makasalubong ko si Vince na ex boyfriend ko.

Tinanong niya ako kung ano nangyare at nahulaan naman niya kaagad dahil alam din nito kung ano dahilan.

Yumakap siya sakin at kinomport niya ako na kung paano niya ginagawa dati sakin kapag may problema ako.

"Bakit di ka pa kase makipag hiwalay sa asawa mo? andito naman ako kahit mahirap lang kaya naman kitang suportahan" sabi nito habang hinahaplos ang aking likod.

Tumayo naman ako sa pagkaka upo saka sinabi na hindi pwede ang gusto niyang mangyari dahil pwede kaming makasuhan.

"Pwede ba na kahit palihim nalang tayo?" medyo kinakabahan ko pang sabi sa kanya. alam ko mali na ito ngunit ito ang sinisigaw ng bugso ng aking damdamin.

"Seryoso ka ba diyan Aelly?" tumayo din ito na may halong saya sa kanyang mga mata.

Napalunok muna ako saka nagbuntong hininga bago ito sagutin muli. marahil lahat ng makaka alam nito kakamuhian ako at sasabihan ng kung anu ano ngunit malugod ko itong tatanggapin  dahil ginusto ko ito.

"Oo vince, basta tayo lang dalawa dapat ang nakaka alam wala ng iba pa" niyakap niya ako ng sandaling iyon at aaminin ko namis ko mga yakap niya.

Matapos ang mahaba habang oras na yun napag pasyahan namin na puntahan yung mga dati naming tagpuan at kung saan kami unang nagkakilala.

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon