Chapter 3

22 3 0
                                    

*the past*

"Are you stupid my son!? bakit mo papakasalan iyang babaeng walang nararating sa buhay? now tell me that I'm wrong?" galit na galit na sabi ni mom habang tinatawagan si dad na pumayag sa gusto kong mangyari.

"Mom please ...listen. aelly is different. she's kind hearted and i know her kung anong klaseng babae siya and i don't even care sa kung anong estado meron siya" pagpupumilit kong ipaliwanag sa kanya ngunit hindi ko siya makumbinsi.

"Let's see rod kung san ka dadalhin ng pagiging stupid mo! basta ako ayoko sa babaeng yun at never ko siyang tatanggapin as my daughter in law ever!" pasigaw nitong sabi habang pagalit na binaba yung phone niya nung sandaling di niya makontak si dad.

Napabuntong hininga na lamang ako ng oras ding yun saka tinawagan mga kaibigan ko upang tulungan ako sa preparasyon ng aming nalalapit na kasal ni aelly.

Bandang 3 ng hapon yun ng magkita kita kami at pinag usapan lahat ng kinakailangan gawin kasama ng mga coordinator etc ...

"Pre congrats in advanced!" pabirong sabi sakin ng isa sa mga matatalik kong kaibigan ngunit alam kong totoo yun.

"Salamat pre" sabay akap sa kanya habang nagsipag tawanan kami.

Lumipas ang maraming oras at napag pasyahan naming mamasyal at kumain malapit sa may restaurant ng makita namin si aelly na may kasamang lalaki.

Noong una pasimple lang akong di tumingin o sabihin na nating nagkunwari akong walang nakita para na rin maprotektahan ko ang babaeng pinakamamahal ko.

Ayoko kasing may masabi sila sa kanya o ano pa man kaya hanggat kaya kong tiisin gagawin ko kase ginusto ko ito.

"Pre, hindi ba't si aelly yun?" turo ni justine at wala na akong nagawa pa kundi lumingon.

"Sinong lalake na kasama niya?" curious na tanong ni emman ng sandaling makita niya akong nag iba ang reaksyon.

"Kaibigan niya" maikli kong sagot saka lumakad palapit kina aelly na para bang wala lang.

"R-rod ano ginagawa mo dito?" nabigla at pautal utal na sabi ni aelly ng sandaling makita niya ako. ngumiti lamang ako saka siya niyakap na kahit alam ko sa sarili kong ayaw ito ni aelly. gusto ko lang kaseng sabihin na "akin lang siya" na kahit dito man lang masabi ko sa kasama niyang lalake.

"Ey? sino siya?" takang tanong nung lalaki saka niya ako tinitigan ng masama.

"Ah-ahm ... kaibigan ko" nabigla ako sa tinugon ni aelly at pinigilan mga kaibigan ko na may gawing hakbang o magsalita.

"Kai-bigan?" nauutal kong sabi saka tumalikod sa kanila. narinig ko naman na humingi ng paumanhin si aelly bago kami umalis.

"Pare ano ibig sabihin nun?! hindi namin maintindihan bakit parang hindi mo fiance si aelly?" pagtataka at may halong galit na sabi ni emman.

"Pre, uminahon ka lang baka kase nagpa-prank lang silang dalawa. alam mo naman generations ngayon andaming prank na nangyayari" pabirong sabi ni justine ngunit alam din nitong hindi yun totoo at pilit niya lang kaming sinasalba.

"Prank?" patawang naiinis na saad ni emman saka niya ako tinapik sa balikat. "I hope so pare" maikling sabi niya ngunit makahulugan.

Napabuntong hininga na lamang ako ng oras na yun at pinilit parin na kalimutan lahat.

THE WEDDING DAY

Ito ang araw na pinaka hihintay ko ang maikasal sa taong paglalaanan ko ng aking oras at buhay kahit anong hamon ng buhay.

Ang araw na ito ang magsasabi na sobrang saya ko at walang kasing saya at hindi ito matutumbasan ng kahit na ano pang bagay.

"Anak pagpasensyahan mo na ang iyong ina kung hindi ito dadalo alam mo naman" sabi ni dad ng lapitan niya ako.

Nakakalungkot man na isipin ngunit kinakailangan kong tanggapin. alam ko masama loob sakin ni mom ngunit ayoko naman na balewalain ang pagmamahal ko sa aking magiging asawa.

"Ano na bang oras bakit tila yata ang tagal ng bride?" naiinip na sabi ng ilan at tinitignan ang kanilang mga cellphone at orasan.

Napatingin na lamang ako sa altar at nagdasal na sana mali itong naiisip ko na sana dumating siya at ikasal kami sa araw na ito. tumulo ang luha ko ng sandaling magbukas ang pintuan ng simbahan at bumungad sakin ang isang babaeng nakasuot ng puti at napakagandang babae na may hawak na bulaklak.

Para akong nabunutan ng tinik ng oras na yun at ito na rin ang isa sa pinaka masayang araw na nagkaroon ako.

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon