Chapter 14

6 3 0
                                    

5 YEARS LATER

Medyo tumatanda na ako ng ilang taon and heto pinipilit paring maging masaya kahit na sa puso't isipan ko sobrang nangungulila ako.

Habang binabaybay ko ang malawak na karagatan sa kung saan kami nanunuluyan tumakbo ang isang napaka gwapong paslit papalapit sa akin habang kinukulit ako sa bagay na gusto nito.

"Mama please-e?" pagmamaka-awa nito dahil gusto niyang mamasyal ulit sa napuntahan naming mall. hindi ko alam kung bakit gustong gusto niya roon and may nakita daw siyang lalaki na sobrang bait daw. noong una, unang pumasok sa aking isipan is ...si rod.

Ngunit napaka imposibleng mangyari iyon dahil ang balita ko mula sa kaibigan kong si sheena ay bumalik sa states si rod after niyang makapag rest noong panahong nasa malalang kondisyon ito.

Nakapag pasya na rin akong makipag communicate sa dati naming baryo kase hindi ko rin naman ito matatakasan dahil sa gusto kaming makita ng aking bestfriend.

Siyempre, gusto niya raw makilala ang aking anak na sobrang kamukha ni rod. walang duda promise kamukhang kamukha niya.

"Anak, ano sinabi ni mama sayo?" yumuko ako habang pinagsasabihan siya.

"Sumunod sa nakakatanda po" sa kanyang edad mabilis siyang natuto sa simpleng turo ko at hindi na rin ito nahihirapan sa pagsasalita.

"So, bakit mo ako kinukulit?" nakangiti ngunit may pagsaway sa kanya.

"Pero ... pero kase mam-a ...ano e ... gusto ko pong makita ulit yung guy na nagbigay sakin nito" habang pinapakita sakin iyong laruan na paborito niya.

"Anak, imposible ng mangyari ulit yang sinasabi mo kase sa tagal na ng panahon wala na yun dun" nakita ko sa mga mata niya yung kalungkutan kaya minadali kong gumawa ng paraan para malibang siya.

Pinasan ko siya sa aking likod habang nililibot namin ang kagandahan ng karagatan. hindi naman ako nagkamali dahil medyo nalilibang siya at masaya siyang kasama ako.

Ngayon bilang isang ina na ako sa aking minamahal na anak ang dami kong natutunan at marami pang dapat matutunan. nakakalungkot lang isipin na wala siyang kinilalang ama.

"Oh anak, halika na kayo at baka lumamig na itong hapag kainan natin." sabi ni mama habang si papa naman abalang naglilinis ng kanyang lumang motor na naipundar ko.

"Anak maghugas ka na ng kamay at tawagin mo na din si tito Clifford mo sabihin mong nakahanda na yung pananghalian natin" utos ko kay Prince Rodlley. sunod sa aming pangalan ni rod.

"Opo mama" tumakbo naman siya palapit sa kwarto ni bunso habang ako tinulungan si mama na ihanda ang tubig at mga plato.

Habang masaya kaming nagsasalo-salo sa pagkain biglang may isang lalaki ang bumungad sa amin at naka tayo ito sa harapan ng aming pintuan.

"Ey?" nagagalak nitong bungad ngunit may kalungkutan sa mga mata nito.

"Mama sino po siya?" tanong naman ng aking anak.

"May anak kana pala?" pagkabigla nito. wala kasi silang alam and hindi ko pina alam pa tanging family ni rod except sa dad ni rod at sa mga kaibigan din nito. si sheena din alam na ngunit pinakiusapan kong huwag ipaalam kay vince na nandito kami.

"Lumapit siya sakin at nagpaalam naman ako sa aking pamilya upang mag-usap kami.

"Paano mo nalaman na nandito kami?" tanong ko. hinawakan niya mga kamay ko habang kumalas naman ako.

"Parang nangayayat ka? alam mo bang mahigit limang taon akong naghanap at nangulila sayo? alam mo ba yun ey?" bumuhos ang kanyang noo'y pinipigilang luha habang ako tumalikod ngunit pinigilan niya ako.

"Vince umalis kana. tahimik na buhay ko kasama ng aking anak" naluha na din ako ng sandaling iyon hindi dahil sa mahal ko pa siya kundi dahil sa awa sa kanya.

Mula ng lisanin ko ang buhay na meron ako noon natutuhan kong ibuhos nalang ang aking pagmamahal sa aking anak na ngayon nasa limang baitang na.

"Ey, wala kana bang nararamdaman sakin kahit konti? alam mo bang sobrang nahirapan ako para lang makita ka. hindi ko din lubos maisip na nagka anak kana pala." humarap ako sa kanya habang patuloy na nakikiusap na umalis na.

Naging masama man ako sa parteng iyon ngunit ito lang ang tanging paraan upang hindi na muling magulo pa lalo't malaki na si rodlley.

"Masaya akong makita kang nasa maayos na kalagayan kaya kung maaari lang vince. umalis kana" muli siyang nagmakaa-awa sakin na huwag siyang paalisin at bigyan siya ng pagkakataon na maging kami ulit.

Hundi ako pumayag sa gusto niyang mangyari kaya kumalas akong muli sa kanyang pagkakayakap sakin at sinabihan na baka makita kami ng aking anak sa ganito.

"Please ... please-e Ey nakikiusap ako sayo please-e" lumuhod pa ito ngunit hindi ako nagpakita ng awa. umalis ako saka pumasok sa loob iniwan siyang umiiyak.

Napasandal na lamang ako sa pader ng aming bahay habang nakayukong umiiyak.

"Bakit ba kailangan pang bumalik ang ayoko ng balikan pa?" nasambit ko sa aking isipan habang ang aking anak lumapit sa akin at kita sa kanyang mga mata ang bakas ng katanungan hingil sa aming dalawa ni vince.

MISTAKESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon