SOMEONE's POV
Humanda ka babaeng higad sa kulungan ang magiging bagsak mo!
Kung hindi ko makukuha ang lalaking tinatangi ko mas mabuti pang magsama kayo sa impiyerno!
AELLY POV
Sobrang lalim na ng gabi at heto kami ni vince naka tanaw sa bilog at maliwanag na buwan habang kasunod naman nito ang paghampas ng malakas na alon at malakas na hangin.
Habang sinusulit namin ang gabing ito na magkasama dahil hindi ko alam kung mangyayari pa ulit ito kaya hanggat may pagkakataon nais namin itong masulit.
Calling ...
Incoming calls ...
nagkasunod sunod lahat ng tawag hanggang sa madrain ito ng tuluyan.
"Kainis naman oh!" nasabi ko na lamang at pilit binubuksan.
"Sino ba tumatawag?" naiinis na tanong ni vince habang kinuha sakin yung phone at isinilid sa kanyang short.
"Baka importante yun vince" saad ko habang inaagaw parin yung phone.
"Nangako ka sakin na susulitin natin itong gabing ito" hindi na ako naka imik pa saka na lamang dumako sa may malaking bato habang nagbabato sa karagatan.
Mula kanina pa hindi na ako mapakali at tila bagang may hindi tama at kinakabahan ako ng sobra.
Sumapit ang umaga at sobrang antok ko na kaya naman nagpasya na akong magpahatid muna kay vince sa aming bahay.
Malayo pa lamang kami sakay ng kanyang lumang motor ng makita kong nagkakagulo sa amin.
"Anong nangyayari dito?" tanong ko at isang malakas na sampal ang inabot ko sa kamay ng ate ni rod.
"How dare you asking us like that! huwag kang umasta na wala kang alam!" muli akong naka tikim ng malutong na sampal sa kanya at nung pangatlo na nasagka ito ni ate.
"Ano bang problema mo ate?" sabi ko naman sa kanya saka niya ako tinitigan ng masama.
"Mapag uusapan naman natin ito" sabi naman ni ate at tila alam na niya yung rason kung bakit sumugod dito ang ate ni rod.
"Usap? ...come on mga kampon ng makakati at manggagamit!" ng sandaling marinig ko yun bigla ko na lamang itong naitulak ng hindi ko sinasadya.
"Aelly tama na" awat ni ate at nila mama
"Wala kang karapatan na tawagin kaming ganyan dahil hindi mo alam ang punot dulo!" pasigaw kong sabi sa kanya.
"Oh really? anong masasabi mo sa ginagawa mo ngayon? hindi bat pinakasalan mo ang aking bunsong kapatid to achieved kung ano estado mo ngayon! and now he's suffering because of you!" turo niya sakin" and you!" turo niya din kay vince na nagpipigil ng galit.
Sa puntong iyon alam ko na pinanggagalingan ng kanyang galit sakin.
"Chloe please stop that. hindi iyan makakatulong sa kalagayan ni rod" nabigla naman ako sa nasabing iyon ni kuya.
Boyfriend siya ng kapatid ni rod
"Kuya-a ... paki ulit mo nga anong nangyari kay ro-od?" nauutal at kinakabahan kong tanong.
"See? that's what i hated you the most ang pagiging mapagkunwari mo!" sigaw ulit sakin ni ate chloe.
"Hindi mo ba talaga alam?" pagtataka nito kaya umiling ako.
"Aelly, naaksidente si rod kagabi" para akong nabingi sa narinig ko mula kay ate.
"Yeah, and now nasa malala siyang kondisyon" mahinahon na sabi ni kuya Julius.
Nanlambot ako ng sandaling marinig iyon at inalalayan naman ako ni vince.
"Let see aelly kung san aabot yang kati mo!" umalis na sila habang ako tulala at hindi parin makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanila.
"Ano ba talagang nangyari aelly bakit naman umabot sa ganito?!" galit na galit na ring sabi sakin ni ate. wala akong masagot dahil para akong nabingi sa mga nalaman ko.
Walang tigil ang luha ko habang patuloy naman akong kinokomport ni vince. tumayo ako at kaagad na nagbihis para puntahan siya sa ospital.
Bandang 7 am nung umaga ng saktong makarating ako sa private hospital at di pa man ako nakakapasok ng harangan ako ng mga gwardiya.
"Ma! papasukin niyo ako please-e" tuloy tuloy lang ang pagbuhos ng aking mga luha habang pinipilit na makita si rod.
Sa sandaling magwala ako at hindi na ako mapigilan ng mga gwardiya nila at ng hospital lumabas si mama at si ate chloe mula sa kwarto at hinarap nila ako.
"Talagang pinangangatawan mo ang pagiging asal kalyeng babae ka noh?!" sabi nito habang masama ang tingin niya sa akin.
"Ma, ano po ba talaga nangyare-e?" habang nakikiusap sa kanya.
"Tumigil ka sa pagpapanggap!" sinipa niya ako ng sandaling yumakap ako sa kanyang mga tuhod. hanggang ngayon hindi ko parin alam lahat kung bakit ganito.
"Are you familiar with these photos and videos?!" binato niya sakin iyon at pinanood at nakita ko yung mga pictures na kasama ko si vince.
"Ma-a ... ma? magpapaliwanag-g ako" tinulak niya ako kaya natumba ako habang hawak hawak yung camera.
"You can't denied the fact that you have an affair and i will make sure that you will pay for this!" malakas na sabi sakin saka siya pumasok sa loob at sinabihan mga taga bantay na huwag nila akong hahayaan makapasok.
"Paano my dear sister in law? sa kulungan na baksak mo?" nang-aasar na sabi ni ate chloe habang naglakad ito palayo sakin.
Para akong nasisiraan at tuliro habang ang aking mga paa ay nanlalambot dahilan para magtutumba tumba ako habang naglalakad.
Ilang oras lang ang nakalilipas ng nagpasya akong bumalik sa amin ngunit ang dinatnan ko duon ay mga tao ni mama na nagpapalayas sa aking pamilya.
Naging bangungot at bumalik lahat sakin yung panahon na una naming pagkikita ni rod at kung papaano kami nagsimula bilang mag-asawa.
Ganitong ganito ang eksena na para bang ang lupit ng mundo sa amin. bumuhos lalo ang aking luha ng sandaling makita ko ang aking ama at ina kasama ang bunso kong kapatid na walang magawa kundi panoorin na lamang sirain ang bahay na ipinatayo namin ni rod.
2 PM ng tanghali ng ipa aresto ako ng pamilya ni rod kasama si vince na nasa kabilang kulungan. iyak lang ako ng iyak at walang magawa kundi tanggapin ang ganito.
"Nais kong makausap si rod" pakiusap ko kay ate chloe. humito siya at bumalik sa kinaroroonan ko habang pinagmamasdan niya ako sa loob ng rehas.
"He's still in hard conditions. not even talk he even not awake yet! kaya magdasal ka na sana gumising ang kapatid ko or else, you will regret all of the things you've done to make my younger brother suffered like that!" muling nagsipag tuluan ang aking mga luha kasabay non ang pagkawala ko ng malay.
BINABASA MO ANG
MISTAKES
RomanceGaano nga ba kadali ang magmahal? manakit at lumimot? Kaya bang iwan ang taong mahal mo dahil sa karangyaan na para sa ikabubuti ng pamilya mo? O ... Kaya mong saktan kahit pa ang mismong nagmamahal sayo ng walang labis at kulang? Sino nga ba ang ma...